HAIDE "Alam mo Ate? Ang laki laki na po ng bahay natin. May sarili po akong kwarto, mayruon din si Mara , Ate Rose at Ate Rina. Masarap na po lahat ng ulam namin. Maraming pagkain sa malaking refrigerator Ate. Mga chocolates na imported, mga prutas Ate. May kasama po kami sa bahay tatlo sila. Sina Ate Peanut, Ate Hopia, Ate Happy sila ho ang naglilinis ng bahay, nagluluto, nagtuturo sa amin ni Mara sa school po. Tapos may sasakyan na po kami Ate. Kasama kami ni Mara sa isang sasakyan. Tapos isa naman kay Ate Rose at Ate Rina po. May driver din po kami si Tatay Jello po. Tapos ang driver naman ni Ate Rose at Ate Rina ay si Kuya Albert po. Gwapo po si Kuya Albert crush niya daw po si Ate Rose. Grabi Ate mayaman na talaga tayo Ate. Tapos po si Mama Glorya kasama din namin po sa bahay. Tap

