HAIDE Nagising ako na mag-isa na lamang ako sa aking silid. Ang bigat ng aking katawan. Naalala ko ang nangyari sa amin kanina ni Diego. Napangiti ako sa ginawa namin kanina. Gusto ko pa sana magpa kipot ng kunti pero hindi ko malaban ang pagiging marupok. Napahawak ako sa aking pisnge ng makaramdam ako ng hiya na baka narinig kami ni Nanay Consing. Ang lakas pa naman ng ungol ko kanina. Pakiramdam ko, pulang-pula ang aking mukha. Sana lang talaga hindi kami narinig ni Nanay Consing. Parang Hindi ko kayang humarap sa kanya. Tumutunog bigla ang aking tiyan sa gutom. Pagtingin ko sa orasan na nakasabit si ding-ding nanlaki ang mata ko ng makita ang oras, alas onse na pala ng umaga. Kaya pala nagugutom ang kambal ko. "Kambal pasensya kung nagutom na kayo. Sandali lang kakain na si Nanay."

