THIRD PERSON Habang patuloy sa pagsuntok si Diego sa sahig nilapitan siya ni Greta upang patigilin. Marami ng dugo ang kanyang kamao. Kinuha naman kaagad ni Dahlia ang medicine kit sa kusina. Kahit nasaktan sila sa ginawa ni Diego kay Haide kahit paano naawa naman sila sa kanilang amo. Mabait at magalang ang kanilang amo. Naisip nila na siguro nabulag lang talaga ang kanilang amo sa sobrang pagmamahal kay Haide kaya hindi niya binuksan ang kanyang isipan para maniwala kay Haide. "Tama na 'yan Diego. Paano mo mahanap si Haide kung sasaktan mo rin ang sarili mo? Sa halip na saktan mo ang sarili mo, bakit hindi mo simulan hanapin si Haide. Baka nasa terminal na siya ngayon. Hindi ko alam ko'ng uuwi siya sa kanilang probinsya. Pero sa palagay ko, hindi siya uuwi duon. Umayos ka, hanapin mo

