DIEGO Habang bumabyahe ako papunta sa condo ni James napa hampas ako sa manibela f**k ang sakit sakit na ipamigay na ako ng Asawa ko. Tinawag pa ako'ng gurang. Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa niya kanina. Galit nan galit ang makikita ko sa kanyang mga mata. Siya pa ang may ganang magalit sa akin. Siya naman ang may kasalanan. May kasalanan nga ba? Kuntra ng kabila kong isipan. Makikita ko talaga kanina sa mukha niya ang pagiging matapang. Paano kung mali ako? Pero nakita ng dalawang mata ko. s**t! s**t! Bakit sobrang sakit ang naramdaman ko ngayon? Tinapon pa talaga ang dalawang sing-sing sa pagmumukha ko. Napahilamos nalang ako sa aking mukha saka mabilis na pinaharurot ang aking sasakyan. Ilang minuto lang nakarating na ako sa tapat ng condo ni James. Inayos ko ang pag park ng

