THIRD PERSON Isang linggo mula ng makita ni Diego si Haide at Randy na magkatabi sa kama. Isang linggo niya rin binabaliwala ang kanyang asawa. Maaga siyang umalis sa kanilang bahay at gabi na rin kung umuwi na lasing. Isang linggo na rin bumalik si Haide sa pagiging katulong. Saka gabi-gabi umiiyak sa kasalanan na hindi niya nagawa. Hindi na rin siya nakabalik sa pag-aaral. Tudo bantay din ng mga tauhan ni Diego ang buong mansyon. Wala pa rin ka alam-alam si Donya Mila sa nangyari sa kanyang mga apo. Hindi din alam ni Haide kung paano niya makuntak ang kanyang tatlong kaibigan dahil hindi niya alam kung nasaan ang kanyang cellphone. Gusto niyang tanungin ang tatlo kung ano nga ba ang totoong nangyari nang gabi'ng 'yun. O may alam ba ang mga ito sa nangyari sa kanya. Galit na galit din s

