7

3740 Words
Nababaliw na siguro siya kung sasabihin niyang sana duon na lang sila sa isla, sana hindi na lang tumigil ang oras at sana totoo ang lahat ng sinabi sa kanya ng binata. Baliw na nga siguro ang tulad niya. Masayang masaya ang puso niyang nakatitig sa binata. Pangalawang araw na nila ito sa isla at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila na tatagpuan ng mga rescuer. "Gus, paano nangyari na nagustuhan mo ako?" Aniya. Nahihiwagaan pa rin siya hanggang ngayon dahil kailanman ay hindi niya naisip na magkakaroon ng pagkakataon silang dalawa. Everything is good to be true, para siyang nasa panaginip at sana lang ay huwag na siyang magising. Tumingin ito sa kanya ng seryoso, his brooding eyes always caught her. It always speak danger and it's full of mystery. "I've waited for so long, Ana." Sabi ng binata. Naguluhan naman siya. Nito lang naman sila nagkakilala, marami man ang nakakakilala sa mga ito at hindi naman siya nagkaroon ng pagkakataon para makilala ang lalaki ngayon lang. "Ha?" Para siyang nakalutang iniisip niya kung paano iyon nangyari. "I always watch you from afar, at first. I got curious. Until. I find myself dreaming that one day, I'll have you. " Natulala siya dito at hindi niya magawang magsalita, gusto niyang hayaan ang binata. At aaminin niyang sa mga sinasabi nito ay lalong nagiging magaan ang loob niya. "You're too young back then. I had to wait, I don't want to be your destruction. My Mom wants me to study abroad. I grabbed it. I had to leave, to be able to stop myself." Unti unti itong lumapit sa kanya, sobrang ganda nitong nilalang na ito, hindi niya na alam kung paano pa niya ito mapapakawalan. And knowing his feelings for me make me want him more, But then. I'm scared. Pain is inevitable. We can't run away from that. Before, I always turned down all the possibilities of being involved in a romantic relationship, I don't want to be destructed. But for him, I'm afraid that the walls that I built for myself would break. Just for him. I might do everything. " I'm 18 now, and legal." I told him. "Exactly. I decided to go back home. For you, I don't want to rush things. For you, I'll wait." Aniya. " Are you in love with me?" I ask. Nanginginig ang labi ko, I want to hear it directly. "I love you, Ana. Mula noon hanggang ngayon." Pintig na lang ng puso ko ang naririnig ko sa mga oras na iyon. Iyon lang ang gusto kong marinig, iyon lang ang makakapag panatag ng puso ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya, I hug him. Dahil sa saya ay isang butil ng luha ang lumabas sa mata ko. "Mahal din kita." Ilang beses ko iyong itinanggi sa aking sarili, ilang beses kong iniwasan pero iyon nga talaga ang kahit na kailan ay hinding-hindi natin maiiwasan. "Be my girlfriend, Ana." Humiwalay ako at tinitigan ang kanyang mga mata, noon ay walang anuman ang mababanaag doon. Pero ngayon ay punong-puno iyon ng mga emosyon. Halos tumalon ang puso ko, hindi ko alam na darating ang araw na ito. I look at the sun. It's almost hiding from nowhere. But it's beautiful. Like this day. " Paglubog ng araw, ay sinasagot na kita." Masayang baling ko sa kanya. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. At sa kauna unahang pagkakataon, he smile genuinely at me. Only me. "Are you sure? Wala ng bawian." Namumula pa ang tenga at ilong nito. Ilang sandali nga ay lumubog na ng tuluyan ang araw, and that, he kiss me passionately. His tender and sweet lips crush into mine. Claiming it's territory. And this day on. I'm his, we're officially. I'm in a relationship with Gustavo Piero Del Fabbro. Lumipas ang mga araw masaya akong kasama sa islang ito ang lalaking tinitibok ng puso ko, mas lalo ko siyang nakilala, madalas pa rin itong mag sungit pero hindi naman grabe. Tuwing hapon ay naliligo kami sa dagat, halos hindi na nga namin naisip na stranded kami dito, parang nasa bakasyon lang kami ng binata. And days with him here are like a dream come true, maybe this is the reason why the airplane crashed. We meant to be on this island. But I can't help thinking about other stuff on that plane. How are they? Did they make it? Like us…? "What are you thinking? " Kasalukuyan kaming naglalakad sa gubat para kumuha ng pagkain, sumama na ako dahil ayokong maiwan ulit doon mag-isa. "Yung mga kasama sa eroplano, kamusta kaya sila? Sana maayos lang din sila." Sabi ko "Malalaman naman natin pag nakabalik na tayo." Sabi niya Tumango na lang siya, ipinagpatuloy ang paglalakad wala naman mabangis dito, safe naman. Dahil hindi naman namin kailangan lumayo masyado e. Medyo kinabahan ako ng magawi kami sa matataas na puno, katulad ng buko. Natatakot ako para sa kanya. Makulit kasi ang binata, marunong itong umakyat pero hindi niya maiwasan ang mag alala dahil baka nga mahulog ito. At kung sakali, hindi niya alam ang gagawin niya pag nangyari iyon, huminga siya ng malalim at tinanaw ito habang umaakyat na. "Mag-ingat ka, please." Sabi niya dito. Halos dasalan na niya ang lahat ng santo maging ligtas lang ang binata.. "Don't worry baby. Aanakan pa kita." Agh! Bwesit talaga. Nakuha pang mang-asar. "Basta mag-ingat ka, kung ano-anong sinasabi mo dyan." Inis niyang turan. Nabawasan nga ang pag-susungit napalitan naman ng mapangasar nitong labi. Sarap hambalusin kung hindi ko lang siya Mahal. Hay Nako. Tatlong buko ang sinalo ko, tuwang tuwa ako dahil isa iyon sa mga naging paborito ko dito. Kasalukuyan na itong bumababa, medyo malapit na ito, inaabangab ko siya. Kahit alam kong mabigat ito kung sakaling malalag ay gusto ko parin itong saluhin. Pero napakabilis ng pangyayari, isang sigaw ang narinig namin na nagpalingon sa akin maski na sa binata, at dahil doon ay hindi ko na paghandaan. "Agggghhhhhh.." Nanlaki ang mga mata ko ng makita na lang itong namimilipit, agad ko itong dinaluhan. May dugo ito sa gilid ng ulo niya na agad kong kinataranta. "f**k! my feet!" Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan. Hanggang sa narinig ko na naman ang mga tumatawag at habang tumatagal ay palapit na iyon ng palapit. "Catch their attention, look for help, baby." Agad ko itong sinunod at tumakbo doon. Limang tao ang nakasalubong ko, natataranta ako. At ng makita ko ang isa doon ay natakot ako. Ang ama ni Gustavo na si Luther Del Fabbro ang sumalubong sa akin. "Where is my Son?" Napaiyak ako. Hinawakan niya ako sa kamay at itinuro kung saan ko iniwan si Gustavo, takot na takot ako lalo na ng naabutan namin itong wala ng malay. "s**t, anong nangyari?" Tanong ng isang kasama nila. "Nalaglag po siya. Sorry po, Senyor." Hindi ko alam kung para saan ang paghingi ng tawad. Siguro kung pinilit ko itong huwag ng umakyat ay baka hindi na ito nangyari pa. " Nahimatay lang ang Senyorito, kailangan na nating umalis agad para matingnan na siya." Hindi ko alam kung paano kami nakaalis agad doon, hindi parin nag sink in saakin ang lahat. What happened to him makes me hurt so bad, feeling ko kasalanan ko. Hindi ko dapat siya hinayaan na umakyat doon. Sana maagap ako at nasalo ko sana siya para hindi siya nasugatan. Ilang oras na kaming nasa Hospital at tinignan na siya ng mga doctor, iyak lang ako ng iyak. Hindi ko na nga rin magawang tignan ang Papa niya. Nahihiya ako dito, hindi dapat ito nangyari. "Hija, huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan." Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala ito, humingi ulit ako ng paumanhin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may nangyari ditong masama. "Asan ang apo ko?" Tumatakbo ang lola ni Gustavo, hindi ito nag-iisa kasama nito ang pamilya ni Joyce at ng dumapo sa akin ang tingin nito ay agad iyon nag dilim. Ilang mabibilis na hakbang nito ay nasa harap ko na ito. Isang malakas na sampal ang ginawad nito sa akin. At ang tanging nagawa ko ay umiyak. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay gumanti na ako pero hindi ko ginawa, tama lang sa akin na sinampal ako nito. Hindi ko man lang na protektahan ang mahal nito, na minamahal ko rin. "Bakit mo siya hinayaan umakyat doon ha? Wala kang kwenta, Ana. Sarili mo lang ang iniisip mo!!" Sinabunutan siya ng dalaga, agad naman may umawat, hindi siya nanlaban ni tignan ito ay hindi niya magawa. She's guilty. She's hurt also. "Bakit nandito pa ang hampaslupang iyan? " Ang matanda. She could do is to say her sorry. Pero agad na naman siya nakatikim ng panibagong sampal, at mas masakit iyon hindi lang physically kundi emotionally. It was his Grandmother. "Umalis kana dito, hindi ka kailangan dito." Inawat ito ng anak. Tumango ako at umatras, ayoko. Ayokong umalis. Ayokong iwan si Gustavo, paano kung hanapin niya ako? Pero kailangan kong umalis dahil galit ang mga ito saakin, nanlalabo ang mata ko ng makalabas ng hospital. Napaupo ako sa gilid, iyak ako ng iyak. Gusto kong malaman kung ayos lang ba siya, pero alam kong hindi naman ako hahayaang manatili ng lola niya doon. Hindi ako umalis ng hospital na iyon, hindi ko alam kung saan ako pupunta nasa kalapit lang na bayan ng Isla dinala si Gustavo, wala pa kami sa amin. Hindi ko alam kung paano ako makakauwi... Naghintay ako sa labas, isang oras matapos ay tumatakbong lumabas ang Papa ni Gustavo. At ng mapadako ang tingin nito sa akin ay nakahinga ito ng maluwag at lumapit sa kanyan. "Mabuti at hindi ka umalis, hija..." Hinihingal ito ng makalapit sa akin Hilam parin ng luha ang mga mata ko, kanina pa ako umiiyak. At iniisip ang binata. "Gising na siya ang anak ko... At ikaw ang una niyang hinanap." He’s awake now, nanginginig ang mga tuhod kong pumasok ulit sa loob. Nang makarating sa loob ng kwarto niya ay kinabahan ako. And when I see him there, kalmado ito, pinasadahan ko ng tingin ang katawan nito. Merong benda sa ulo nito, meron din ang binti nito. I stood there at the door. Mangiyak-iyak akong lumapit sa kanya. I don’t know where I get the strength to look at him, after all of this. Binalingan nito ako doon. Ngumiti ito ng Makita agad ako kaya tumakbo ako sa kanya at umiyak habang yakap yakap niya. “shh, stop crying, I hate seeing you like this.” Alo nito sa dalaga. Humiwalay siya sa binata ng humalakhak ito, kinunutan niya ito ng nuo, anong nakakatawa, is he really happy, badtrip. Kung alam lang nito ang naramdaman kong takot nangmakita itong nalalag kanina sa puno. “Bakit ka tumatawa? Alam mo bang tinakot mo ako? Paano kung Malala ang pagkakabagsak mo? Paano na ako ha?” hinampas pa niya ito sa braso. Isang tikhim ang umawat sa kanila, at doon lang nag sink in sa utak niya hindi siya nag iisa, nandoon pa rin sa silid ng binata ang lola at pamilya ni Joyce. Nahiya siya ng tingnan siya ng mga ito ng may panunuri, mahahalata na hindi nila nagugustuhan na presensya niya doon. Masamang tingin din ang binibigay sa kanya ni Joyce at naiilang siya, hindi niya magawang suklian ang mga tingin nito, ayaw na niya ng gulo pero hindi niya mapigilan, sobrang nag-alala siya sa kasintahan. “I’m sorry, okay, I can’t help it, your so cute. Come here, bakit wala ka kanina ng magising ako? Ikaw pa naman ang inaasahan kong mumulatan ko” napakagat siya ng ibabang labi. Tinignan niya ang mga taong nanduon, hindi siya sanay sa mga mata nitong nakatuon sa kanya—sa kanila. Humarap siya sa binate. Ayaw niyang mag-isip pa ito ng kung ano, hindi naman na niya kailangan pang sabihin ang nangyari kanina, alam naman niya ang kasalanan niya at hindi nga tama na pinabayaan niya ang binata. “Nagpahangin lang ako sa labas, sorry, natagalan. kamusta pakiramdam mo?” tanong niya. “ Maayos ako, kung maayos ka.” Napayuko siya, she really love this man. Hinawakan siya nito sa kamay at tumingin sa mga magulang at lola niya pati na rin sa pamilya ni Joyce. “ Mom, Dad. I want to announce that, Ana is now my girl, we are officially on.” Hindi ko iyon inaasahan, parang ang bilis naman ata, parang kailan lang pinakilala na niya agad ako. Pero maganda na din iyon diba? Tumingin ako sa nanlilisik na mga mata ni Joyce, galit na galit itong nakatitig sa akin, nagbaba ang tingin nito sa mga kamay naming ng binata na mag-kahawak. “What? Pumatol ka sa isang hamak na utusan?” histerikal na sabi ng lola nito. “Granma, watch your words, she’s my girlfriend, and I love her.” Anito sa matanda. “ Nababaliw kana. Ano bang pinakain sayo ng babaeng iyan at nagagawa mo akong suwayin?” sigaw ng lola niya inawat ito ng papa niya pero hindi parain ito nagpatinag. Pinanlisikan ng matanda si Ana, galit na galit ito, alam ni Ana na una pa lang ay ayaw na talaga sa kanya ng matanda. Hindi naman niya ipipilit ang sarili ditto. “ I’m sorry, but, my decision is final, I won’t let her go. “ he said with finality. “ hindi ako makakapayag, hindi nababagay sa isang tulad mo ang isang dukhang katulad nito.” Sabi pa nito bago ito umalis doon. Lahat ng pangmamaliit ng matanda ay tinangap niya, kailangan niya iyong tanggapin, ayaw niya ng gulo kaya hinayaan niya na lang ito sa kung anong gusto nitong sabihin. Hindi na niya ginatungan pa. ng lumabas ito ay sumunod ang pamilya ni Joyce. Naiwan naman sila ng mga magulang ng binate. Nilapitan siya ng Mommy nito at Daddy nito, hinawakan siya sa balikat ng mama ng binate, tinapik-tapik ito. “ pagpasensyahan mo na si Mama, hija. Hindi ako tutol sa anumang meron kayo. Hijo, pero kilala mo ang Grandma mo. Lalo at pinagpaplanuhan ang kasal ninyo ni Joyce. And nothing will stop her for doing that.” Bumuntong hininga naman ang Papa nito at binalingan ang binatang anak. “ Anak nga kita! Ganyang-ganyan din ako noon, ayaw na ayaw din ng mama sa Mommy mo, at katulad ng Mama, Nothing will stop me from claiming what’s mine. I just hope na huwag mong iiwan ang anak ko HIja. “ Ngumiti ako, hindi ko alam pero nagging masaya ako dahil sa sinabi ng mga magulang niya. Hindi man naming nakuha ang suporta ng Grandma niya, suportado naman kami ng mga magulang niya. Pero hindi parin Nawala ang pangamba sa puso niya dahil sa sinabi ng mama ng binate, paano nga kaya kung isang araw kailanganin niyang pakasalan si Joyce? Paano siya? “ knowing Mama. She can manipulate everything, masunod lamang ang gusto nito, at sana mag-ingat kayo, hindi magiging madali ang pinasukan niyong dalawa.” Sabi pa ng mama niya. Fear crept inside her chest, she’s never been this scared, her love for him is too strong, that it scared her. “ maiiwan muna naming kayo, I’m sorry, Hija. For what happen.” Anang ng ama nito. Tumango lang siya at ngumiti dito. At nang-maiwan silang dalawa ay katahimikan ang namayani, natulala siya, ang binate naman ay halatang malalim ang iniisip. “ what are you thinking?” basag nito sa katahimikan, tama ba? Hindi na siyang makapag isap pa ng maayos. “ huwag mo muna iyong isipin, akong bahala kay, Grandma, po-protektahan kita, you just have to trust me. Okay?” alo nito sa dalaga. Tumango siya. Ngumiti siya, may tiwala siya sa binata at iyon ang panghahawakan niya. “ mahal kita.” Iyon na lang ang sinabi niya sa binata. Sana nga tama ang ginagawa niya, alam naman niyang hindi magiging madali ito para sa kanila, hindi normal ang relasyon niya sa binate. Magkaiba ang mundong ginagalawan nila. Sigurado, maraming hadlang, pero, handa nga ba siyang ipaglaban ito? Buong araw niya itong binantayan, hindi naman ganun kalaki ang pinsala na nangyari, bukas na bukas din ay makakalabas na ito, at babalik na sila ng batangas. In a span of time, maraming magbabago, pero isa lang ang nasisiguro niyang hindi magbabago. Ang pintig ng puso niya. Ang binata. Ang pagmamahal niya dito. Sinalubong siya ng mga magulang niya kapatid sa Mansyon, naghihintay ang mga ito doon. Umiiyak pa ang Mama at si Xia ng yakapin siya. Ang Papa naman ay kinamusta siya ganun din ang kapatid na lalaki. She felt relieved ng makauwe na sa bahay. Gusto na niyang magpahinga. Kumain sila sa mansyon pero umuwe na din agad hindi na niya din matagalan ang mga mapanuring tingin ng lola ng binata. Hindi niya pa nasasabi sa mga magulang niya ang tungkol sa kanila ni Gustavo. Hahanap muna siya ng tiempo at gusto niya na pag-maayos na sila ng pamilya nito. Gusto niyang matanggap siya ng lola ng binata, sana dumating ang araw na iyon. Lumipas ang mga araw naging busy na sila ni Allyzza sa School, nagtatrabaho parin siya sa nobyo. Pinatigil na nga siya nito. Pero ayaw naman niya na samantalahin ang kabaitan at ayaw niyang may masabi ang ibang tao. Gusto niyang paghirapan ang lahat, gusto niyang makatayo sa sariling mga paa, gusto niya kahit na iyon lang. Maging deserve man lang siya para sa lalaki. Isang linggo na lang at matatapos na ang Sem na ito at aalis na rin si Ally at nalulungkot ako pero wala akong magagawa ito ang desisyon niya. Ilang Gabi akong umiiyak, bago ang araw ng pag-alis nito, hinatid ko pa siya sa terminal. Hindi nga nito sinabi kay Hiro na aalis na siya. "Ano kaba! Pwede mo naman akong dalawin. At may f*******:. At pwede tayong mag text. Lagi tayong mag usap." Alo nito sa kanya. Hindi niya mapigilan, umiiyak din naman ito, ma mi-miss niya ang best friend niyang ito, sobra. Alam niya na hindi na nito deserve ang umasa sa wala. Makakahanap naman ito ng lalaking hindi siya ipagtatabuyan, yung pahalagahan at mamahalin siya. At sana doon sa pupuntahan nito ay mahanap nito iyon. "Mag-ingat ka, tatawagan kita, I'll miss you. Dadalaw ako doon." She gave me her address. Tumango ito at kumaway na, umiyak ako ng makitang sumakay na ito ng barko, it's so hard to watch someone leaving. At iyon ang ayoko sa lahat. Ayokong may umaalis but it's unavoidable. Huminga ako ng malalim, isang panyo ang nakita ko at nang tingnan ko ang nagmamay ari nun ay bigla akong napaiyak lalo. " Date tayo?" Ngumiti ako. At niyakap diya ng mahigpit. Namasyal nga kami katulad ng sinabi nito, Nobyembre na ngayon, may dalawang linggo kaming pahinga. Araw araw ko na siyang kasama, minsan sa mga meeting at Minsan nasa loob lang kami ng opisina nito. Pero hindi nawawala ang lagi naming pa mamasyal. Wala atang araw na hindi ako nito inilabas, lagi kaming kumakain sa Restaurant nasa mall o kaya naman ay nanonood ng sine. " Saan mo gusto sa Weekends?" Napangiti ako walang pasok. Ipinangako kasi nitong buong weekend kaming magkasama. " Gusto kong sa beach tayo. Okay lang ba?" Ngumisi ang binata. " Sure, Let's go to Calatagan, we have a rest house there. " Ngumiti ako, Excited ako dahil iyon ang unang linggo ng magkasama kami. Naging busy kasi ito kaya nagplano kami na habang wala pang pasok ay susulitin namin ang bakasyon ko. Wala na rin akong balita sa lola niya, hindi ko alam pero. Tahimik ang ilang linggo ng relasyon namin. O baka katulad ng dagat? Tahimik pero kapag umatake, nakakapinsala? " I want to meet your parents properly. I want them to know about us." Nanlaki ang mata ko. Hindi pa pala alam nina mama ito, alam ko na katunog na sila pero hindi naman sila nagtatanong. "Gusto ko muna sanang ayusin ang sa lola mo. Kahit imposible, gusto kong matangap niya tayo." Hindi siya sigurado pero iyon ang gusto niya. Naging seryoso ang mukha ng binata, tinitigan siya nito. Tila pinagaaralan ang bawat galaw niya. "I'll talk to her. Don't worry, she'll accept it or not. You need to introduce me to your parents as your man." Tumango siya. Katulad nga ng sinabi nito ay kinabukasan nagulat na lang ako ng bumisita ito ng maaga sa bahay, ginising siya ng kapatid at tila excited pa ito. Agad siyang tumakbo patungong banyo, nagbihis at nag ayos na siya. Bumaba siya ng hagdan at nakita niya ang mga ito doon. " Anak, nakakahiya sa Senyorito, kanina ka pa niya hinihintay." Si Mama. " Pasensya na po." Tumingin siya sa binata tinaasan lang siya nito ng kilay. Tumikhim siya, nakaupo ang mama niya sa isang sofa, nahihiya tuloy siya. Madumi na kasi iyon at luma. " It's okay." Anang ng binata at hinawakan siya sa kamay, kinabahan siya. Lumingon siya sa Mama niya. Nandoon din ang papa niya. Naka uniporme na ito. " Ano ho bang sinandya niyo dito?" Tanong ni Papa. Tumibok ang puso ko parang konting galaw lang ay lalabas na iyon sa loob ko. " Ma, pa... Pasensya na po kung ngayon ko lang sasabihin.. may... May relasyon po kami. Kami na po." Sabi ko. Nanlaki ang mata ni mama, narinig kong humagikgik ang kapatid ko, si Xia. " Ano?... Teka kailan pa?" Tanong ni papa. "Mag isang buwan na po." Si Gustavo. Tumango tango ang Papa niya. Ilang sandaling usapan ay nagpasya na silang gumayak na si papa ang driver ngayon ni Gustavo. Pero pinanatili lang nito si papa sa bahay, tumangi pa si papa pero, sinunod naman din nito ang amo. Nag-usap pa sila ng masinsinan bago kami gumayak. Bukas na ang pagpunta namin sa Calatagan. "Ginulat mo naman ako, pero salamat ha." Kita niya kasi ang respeto na binibigay nito sa kanyang mga magulang. "I'm full of surprises, baby." Ngumuso siya. Nandito na sila ngayon sa opisina nito. Ilang oras niyang ginugol ang sarili sa trabaho bago niya mapagpasyahan mag-ayos ng merienda nila. "Kukuha lang ako ng pagkain." Paalam niya dito. Tinitigan lang siya ng binata. Inirapan niya lang ito. Lumabas siya at dumeretso sa kusina, pero sa kalagitnaan ng pag-aayos niya ay pumasok ang taong hindi niya inaasahang makita. "Sadyang makapal talaga ang mukha mo ano?" Napalunok siya sa tinuran ng Matanda. It was his Grandmother. Mathilda Del Fabbro. Kinabahan siya sa presenya nito. Ilang linggo niya itong hindi nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD