Delight
"Baby, please wake up. Wake up, now."
Iminulat ko ang mga mata ko, nanlabo iyon pero agad din luminaw at nakita ko ang muka ni Gustavo, mababakas dito ang pagaalala at higit sa lahat ay... Takot.
" Thank God, you scared me." He said at niyakap ako. Napalunok ako. Inalala ang nangyari at doon pumasok sa isip ko ang eroplano, sunod ang pagsabog.
Inilibot niya ang mata sa lugar na kinaroroonan nila, nakahiga siya sa isang dahon ng saging. May buhangin, at may mga puno.
sila lang ang nandoon, walang iba, kung hindi silang dalawa lang ni Gustavo.
"Asan tayo?" Tanong niya dito.
"We're on an isolated island, I don't have any Idea where we are. But don't worry, I know hinahanap na tayo ng rescue team. " He said.
Tumango siya at unti unting ng kumalma ang isip at katawan niya at natagpuan na lang niya ang sariling nakatitig na ngayon sa binata.
He looks at her and with his eyes saying that everything will be okay, that nothing bad will happen as long as she's with him... And she is trusting him for that.
She doesn't know what she would do without him... at her side at times like this, they're on an isolated island and to think that the two of them in there make her heart flattered.
Hindi niya makapa ang takot bagkus ay masaya pa siya sa kabila ng trahedyang nangyari ng gabing iyon. She feel guilty because of that.
Masama nga siguro siya dahil masaya pa siya imbis na malungkot. Pero dahil kasama niya ang binata ay hindi niya din kayang mag sinungaling pa sa sarili niya.
Sinubukan niyang tumayo pero napahiga agad siya ng sumakit ang tagiliran niya, and she found blood on it
Agad namang tumingin doon si Gustavo, he curse silently when he see the blood on her wound.
"f**k, don't move. Hindi pa magaling ang sugat mo." Nag aalala na turan ng binata sa kanya.
" Sorry, I didn't know." Hindi niya naramdaman iyon kanina ngayon lang ng makita niya ang dugo doon.
Masakit iyon pero bearable naman ang sakit na iyon. Malapit ng sumikat ang araw, iyon ang napansin niya, humiwalay sa kanya ang binata. Hinubad nito ang polong suot at binigay iyon sa kanya.
Pansin niya na medyo basa pa ang kanyang damit pati na ang polo at doon niya lang naramdaman ang lamig ng paligid.
"I'll go get us food, stay here." Nakatingin ito sa kanya at hinagod pa nito ang kabuuan niya. " One more thing, you need to take off your clothes. Mainit ka at baka lalo kang mag kasakit. May kukunin lang ako."
Wait, she needs to be naked? With him on this freaking Island? Gosh!
" Here, ibalot mo muna dyan ang sarili mo akina ang damit mo patuyuin ko." May malaking tela iyon binigay sa kanya.
Nakita niya ang bag nito, iyon lang ata ang natira sa kanila. Pero hindi niya alam kung bakit nito binigay ang polo sa kanya, anong gagawin niya doon.
" Itapal mo iyan sa sugat mo, akina ang damit mo." Tinuro nito ang polo niya. Hindi na iyon masyadong basa at katulad nga ng sinabi nito ay tinali niya iyon sa tagiliran niya.
Umiwas ang tingin ng binata sa kanya, nag unti unti na siyang mag bihis, tanging puting tela na lamang ang suot niya. Miski underwear niya ay tinanggal na din niya.
Inilahad ng binata ang kamay nito sa kanya, tinaasan siya nito ng kilay ng hindi man lang siya nakakilos dahil sa nahihiya siya.
"Give that to me." At agad nitong hinablot ang mga damit niya. Tumalikod na ito sa kanya at napanganga pa siya ng makita niya ang panty niyang inamoy nito.
Hala, anong amoy niyon? Nakakahiya!
"Smells good." hindi iyon nakatakas sa pandinig niya. Namula ang pisngi niya dahil doon.
Ano bang ginagawa ng binata at bakit niya iyon ginawa? Kung ibang lalaki siguro ang gagawa niyon ay nandidiri na siya pero dahil si Gustavo iyon. She feels hot.
Tuluyan ng nawala sa paningin niya ang binata, doon siya nakaramdam ng pagod at antok. Nakatulog siya at nagising siya ng may naamoy.
At ng idilat niya ang mata ay nandoon si Gustavo may inihaw itong tatlong isda, napahanga siya dahil marami itong prutas na dala. May isda pa.
Hindi niya inaasahan na hindi lang ito sa negosyo magaling, he's perfect. So perfect for her. Marami itong alam sa buhay. Although dapat hindi na siya magtaka.
Bukod sa mayaman na ito at nasakanya na ang lahat iniisip niya kung ano pa bang wala dito, kung may mga bagay pa ba itong hindi nakukuha.
Even girls throw themselves to him kaya alam kong hindi ito mauubusan napaka swerte ng babaeng mamahalin ng lalaki.
Nagtataka lang siya kung bakit hindi pa ito nag aasawa wala ring na link na babae dito at lalong wala siyang nakikitang babaeng talagang nasa tabi nito... Kundi siya lang.
Ang sarap mag assume, ang sarap mangarap na sana siya na lang. Dahil habang tumatagal alam niyang nahuhulog na ang damdamin niya sa binata.
"You're awake, let's eat, now."
Lumapit ito na may dala dalang stick ng isda, dalawa ng stick iyon dalawa kada isang stick. At ng makita niya ito ay agad niyang naalala ang ginawa nitong pag amoy ng underwear niya kanina.
It makes her blush.
"Hey, kamusta pakiramdam mo?" Tanong pa nito sa kanya.
"I'm okay, your here, so, I'm good." Ngumiti siya.
Ngumisi ito sa kanya at nandito na naman ang paghagod ng binata sa kabuuan niya, at doon nag sink in sakanyang na ang tanging damit lang niya ay ang binigay nitong puting tela.
At ng bumaba ang tingin nito sa bandang dibdib niya, ay nakatingin siya doon, kita niya ang bakat na n*****s niya at dahil doon agad niya iyong tinakpan gamit ang mga kamay niya.
" Stop looking at me like that."
Mababakas ang pagkamangha sa mga mata ng binata ng umulo ito sa tabi niya.
"Like what?" Tudyo pa nito.
"Like you're gonna eat me alive, you're scary..." Sabi niya.
Hindi naman totoo ang huling sinabi niya, hindi naman siya natatakot dito pero nahihiya siya dahil sa halos wala na siyang saplot lalo na at wala na siyang panloob.
Tumawa ito, no. Humalakhak ito.
"That's what I'm planning to do." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. " But, not now."
Hinampas niya ito.
" Gago. huwag ka ngang mag biro ng ganyan. Tinatakot mo ako" nginisian siya nito.
" Don't be, love. You gonna like it, I promise." Kagat labing nitong sabi.
Napatakip siya ng mukha, did she called her... Love? OMY! Kinilig ako!
"Tumigil ka na nga, ang bastos mo!" Ngumisi lang ang lalaki at inabot sa kanya ang isda.
Agad naman niyang nilantakan iyon, sarap na sarap siyang kumakain, pero ang binata ay nakatitig lang sa kanya.
"Ahm. Paano na tayo? Hanggang kailan tayo dito? Paano ang trabaho mo? " Tanong niya dito, gusto niya na kasing ibahin ang usapan.
" Huwag na muna natin iyong isipin, ang mahalaga magkasama tayo, walang ibang nangyaring masa sayo." Hindi siya agad nakagalaw sa tinuran nito, all of a sudden he hug her and he said sweet words and all she could feel is delight... Maybe, just maybe, he developed feelings for her.
She felt that, kahit na minsan iba ang kinikilos nito, kahit sobrang tahimik at sungit nito, baka nga. Sana isang araw kanya na ang binata. Kanya na lang ito.
Sana nga para na lang sila sa isa't isa, kahit ngayon lang. Gusto niyang pagbigyan ang sarili, gusto niyang hayaan ang puso niya. Kahit ngayon lang.
Kinaumagahan. Nanginginig siya, mainit ang buong katawan niya, hindi siya makatayo o makakilos ng maayos.
Gusto man niyang bumangon at imulat ang mga mata ay tila kay bigat niyon at sobrang antok ang nararamdaman niya.
Isang palad ang dumapo sa kanyang balat pero hindi na niya iyon inalala pa nakarinig pa siya ng ingay, at alam niyang ang binata iyon.
Hindi na niya maintindihan ang ginawa ng binata sa kanya, naramdaman na lang niyang may dumadamping telang basa sa braso maski na sa binti niya.
At sa sobrang sama at sakit ng pakiramdam niya ay hindi na niya iyon inalintana pa, hinayaan na lamang niyang alagaan siya ng binata.
At ng lumaon agad din siyang naging komportable at inaagaw na naman ang kaniyang ulirat ng dilim. isang mahihinang tapik sa kanyang pisngi ang nagpamulat sa kaniyang mga mata.
She feel a lot better now and she's aware that Gus help her awhile ago, She's thankful because of that.
"Baby, you need to eat." marahan nitong sabi sakanya.
Tinulungan siya nitong umupo at kumain, mga prutas at lamang dagat ang kanilang pagkain. Hindi niya alam kung anong oras na.
Naramdaman na din naman niya ang gutom at para lumakas ay kumain siya ng kumain.
" What do you feel? " She look at him and she saw his worried face. She smiles at him.
"Thank you, Gus. I feel a lot better now."
After eating, he help her lay down, mahaba ang naging pagtulog niya kanina kaya hindi siya nakaramdam ng antok. Magaling din mag alaga ang binata.
Buong araw siyang inalagaan at binantayan nito aalis lamang ito kapag mag hahanap ito ng makakain at babalik agad dala ang mga prutas.
Sa buong araw na iyon ay pinanood niya lang ang binata, nagsindi ito ng bonfire, mga punong kahoy na kinuha nito sa gubat, sinindihan nito iyon.
Unti unting ng naging magada ang temperatura dahil doon, nahihiya siya sa binata sa totoo lang, ang dami na nitong nagawa para sakanya.
Simula noon, hanggang dito sa isla, hindi siya pinabayaan nito. Ano bang ginawa niyang maganda para makilala ang isang katulad nito?
"Are you okay? Hungry?" Tanong pa nito at umupo sa kanyang tabi. Ang kinaroroonan niya ay isang mahabang dahon ng saging.
At sa kabilang bahagi naman ang kinalalagyan ng binata, sa tingin niya din ay doon ito natulog, hindi naman iyon masyadong malayo, tama lang ang distansya.
Nakatitig lang siya dito at tumango sa tanong nito, pinilit niyang tumayo, medyo ininda ang sugat at agad naman siyang dinaluhan ng binata.
"Salamat, hindi ko alam kung anong mangyayare kung wala ka dito... " Napakamot pa siya, iyon na lang kasi ang kaya niyang ibigay dito. Ang pasasalamat niya.
" Don't think about it, magpagaling ka." Ngumiti siya ng matamis sa binata.
She lifts her arm, it touches his face. She caress it.
" Napaka swerte ng babaeng mamahalin mo. " Seryoso itong nakatitig sa mga mata niya. Ang takot at pangamba na naramdaman noon ay nawala. Hindi niya alam kung kailan iyon nangyare.
"Yeah. you're lucky." Her forehead creased. Ano daw?
Ibinaba niya ang kamay niya, ng maramdaman ang kakaibang saya sa kanyang puso, tama ba ang dinig niya? At tama ba ang pagkakaintindi niya?
Napayuko siya, naguluhan siya kaya umiwas siya ng tingin pero agad naman itinaas ng binata ang kanyang baba gamit ang hintuturo nito.
" Gusto kita, Ana. " Nanlaki ang mata niya, naghumerintado ang t***k ng kanyang puso. Teka... Ano daw... Gus.. Gusto niya ako?
Napaawang ang labi ko, hindi ako nakabawi agad lalo na ng lumapit ang mainit at matamis nitong labi sa labi ko.
Tatlong segundo bago ito humiwalay, pinakatitigan nito ang reaksyon ko pero ganun parin at hindi ko ma proseso sa mga nangyayare.
He just... He, OMY... He kissed me? And he...
Napakagat ang dalaga sa ibabang labi niya at hindi niya inaasahang aatakihin na naman siya ng mapupulang labi ng binata... Pero kakaiba na ang sumunod na halik nito sa kanya nagaalab iyon.
Gumalaw ang labi nito sa kanya at dahil nga nakaawang ang labi niya naramdaman niya ang dila nito na pilit na pumapasok, hanggang sa hindi na niya namalayan na tinutugon na niya ang halik nito sa kanyang labi.
He suck her tongue, bit her lower lip. Ilang minuto hanggang sa kapusin siya ng hininga na naramdaman naman ng binata at ito na ang kusang kumalas sa halikang iyon.
Namula ang pisngi niya, hindi niya mapigilan. Ito ang una at pangalawang halik niya pero wala siyang makapang pagsisi doon. Masaya siya. Sobra.
"You answer my kisses, that means... your mine... Akin lang. Hmmm." Seryoso itong nakatitig sa kanya pero bakas ang saya sa mga mata nito.
"Pero-"
"Shh. You're officially mine now, baby."
OMY, Bakit ang bilis naman ata? Kanina lang nagtapat siya ngayon, inaangkin na siya ng binata? She belong to him but how about him? Is he belongs to her?
"Pag-alis natin dito ay ipapakilala na kita sa kanil..."
Doon niya naalala ang babaeng gustong ipakasal sa binata.
"Paano ang lola mo? Si Joyce? Ang kasal niyo..." Nakayuko niyang sinabi.
" I told you, I only marry one woman, and that is you. No matter what."
At sa ikatlong beses ay sinakop na naman ng binata ang kanyang mga labi. this island is something.
But she's happy now, the man of her dreams had feelings for her. This is the best night ever.