5

4305 Words
Dying Nagising ako ng parang may mabigat na nakadagan sa bandang tiyan ko, ng makita ko iyon ay isang maskuladong kamay ang nakapatong doon. Nanlaki ang mata ko ng mapagsino iyon, si Gustavo. Mahimbing itong natutulog sa tabi ko, unang beses na may makatabi sa kama. I should be panicking but I find myself calm while looking at him. Pinakatitigan ko ang mukha nito, ang mga mata niyang may malalantik na pilik at matangos na ilong, his lips is full unlike mine. My lips is thin, matangos ang ilong ko but its not that big tama lang. Mahahaba din ang pilikmata ko pero hindi ito kasing kapal katulad ng kanya, napakagandang lalaki niya kahit sa katawan ay may ibubuga. Well built ang muscles niya at dahil wala itong suot pangitaas ay kitang kita ko ang dibdib niya. Napalunok ako ng mapagtanto ko na kanina ko pa pala siya pinagmamasdan. Dahan dahan kong inalis ang braso niya sa tiyan ko pero lalo lamang iyon humigpit. "Done checking me out?" He speaks but his eyes are still closed, OMY. How Did he know I was examining him?. "Don't be full of yourself. Get up now. I'm hungry." I remember na hindi nga pala niya ako kinikibo kahapon. At na alala ko na inis ako sa kanya dahil doon. Pero hindi ito natinag, we're like a couple in the bed. That made me blush! Gosh what am I thinking. Napakagat ako sa labi ng maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. Nakakakiliti kaya medyo lumayo ako sakanya na agad naman niyang sinundan. "Gus. I said I'm hungry, diba may Conference pa tayong pupuntahan? C'mon, baka ma late tayo. " Napapikit ako ng wala man lang itong ginawa at ganun parin, still eyes closed while hugging me tighter. "I want to stay like this, I'll order us food, and about the Conference, I'm the boss. I do what I want. " Napatampal ako sa noo ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano, pero hindi mapigilan ng puso ko ang magwagi at magsaya, kulang na lang magparty sa loob. He told me to get his phone, he ordered food for us, we stay that way for I don't know. At ng may nag doorbell ay agad na akong tumayo. Its probably the food. " I'll prepare the food, fix yourself. I'll wait for you downstairs." I told him. And do my thing. Pagkakuha ko ng mga pagkain ay agad ko iyong inayos sa lamesa at nagtimpla na din ako ng kape para sa aming dalawa. He likes me preparing his coffee, that's why it's not included in the Order. After minutes of waiting lumabas na ito ng kwarto. Sinalubong ko ang mata niya, ngumiti ako pero hindi man lang ako nito nginitian, napasingot na lang ako. After we ate I prepared myself, wearing my professional outfit, Skirt and polo then a pair of flats. The Conference went well, I did my Job and so he is, after that maraming kumausap sa kanya. Kaya medyo natagalan din kami doon. Lunch na ng matapos. "Where do you want to eat?" He asked. "Ikaw na pumili hindi ko naman kabisado dito." Tumango lang ito. Kahapon ay hindi niya na appreciate ang ganda ng L.A pero ngayong may liwanag na at kitang kita na niya lalo ang paligid ay halos mapanganga siya. Napakaganda dito at nakakatakot isipin na mawawala ako dito, siguro kung mangyayari iyon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Pinangarap ko din na magibang bansa, gusto ko din na mag trabaho para matulungan ang pamilya ko lalo na at malaki ang utang namin sa mag asawang Del Fabbro, bukod pa sa utang namin kay Gustavo. He's the one who ordered our food, and that's fine with me, I don't even know what best to order, the food is good. Masasarap siya. Were just eating in silence as asuall. "Gustav? I knew it, it's you." A tall blonde woman approached us in the middle of our food. her attention is on Gustavo, that's why she didn't notice my presence, she was so excited to think that he might be with someone else. "Do I know you?"he asked. Shock was written all over her face but it suddenly faded. I watch how she walks near him. Her flirtatious aura got me irritated and the fact that she doesn't even feel my existence here made me want to slap her hard face, Kapal eh. "C'mon Gustav, stop acting like you forgot our steamy night together..." Humawak pa ito sa braso ng binata. Nangunot ang noo ko. Steamy night huh. I look at him at ng tumingin din siya sa akin ay napailing siya, I give him a sly smile. And because of his attention to mine, the girl eyed me. Her expression changed when she saw me. Her eyebrow furrowed. "I don't remember I f****d a blonde and I haven't been here for a long time. So how can you say if that Steamy night happened when I'm busy with something..." He coldly said. Napaawang ang bibig ng babae dahil sa pagkapahiya, I saw how she rolled her eyes on me. "I was just kidding, actually I'm a family friend." Pambawi nito. " Good for you then, but we have to go." Agad tumayo ang binata at inalalayan pa niya ang dalagang kasama. Pero agad kaming hinarang ng babaeng banyaga, he hold his arm as she stop us from leaving. Tinapunan pa ako nito ng tingin bago hinagod ang braso ng binatang katabi, "Don't be rude, I just wanted to have a bonding with you... Or more." Malanding sabi nito, halatang inaakit ang binatang kasama niya. It's disgusting for her, hindi niya naisip na makakasalamuha siya ng babaeng naghahabol sa lalaki bukod kay Joyce, or maybe these girls are some of women who wants Gustavo. At hindi lang iyon hindi lang pala sa bansang kanyang sinilangan ang babaeng gustong makuha ang isang Gustavo. Marami pala sila, and maybe I'll be one of them if I continue this feeling of mine. To think how Gus treated those girls gives fear in her heart. "I'm not interested, go f**k yourself. I don't need you." He's very harsh to the blonde at wala na itong nagawa at umalis na lang ng may nagbabadyang luha sa mga mata. I suddenly feel uneasy because of that, he's so far... Far from her. She can't reach him. She can't reach Gustavo Del Fabbro. I don't know why but even if she isn't the one who got those messages she feels a knife through her heart, maybe because she is still a woman and she doesn't like how he treated the blonde woman. "Let's go." Sumunod na lang siya, ang tahimik sa pagitan nila ay lalong lumala. I was quite as we get in his car, bigla na lang akong nawalan ng gana at hindi alam kung paano ko siya patutunguhan, yes, he's rude to me. Pero hindi naman ganun na grabe. Pero natatakot pa rin ako na bigla nalang mag iba ang pakikitungo niya sa akin kahit hindi ko alam kung anong pwedeng maging dahilan niyon. " What are you thinking?" He asked. Huminga siya ng malalim at agad na tinapunan ito ng tingin, she needs to tell him that what he acts in the restaurant is not right. "Is that how you really treat women around you? Or is it only whose after you?" Nangunot ang noo ng binata sa tanong niya. "Are you upset because of her? " He asked. She's not upset with that woman, she is just shocked at the way he treated her. She feels it's not right. "I wasn't, it's just that... The way you treat her… is something." She honestly answered. " Stop thinking about it, and yes this is the way I treat them." Napatingin siya dito, seryoso ito habang nagmamaneho. " She's still a woman, Gus. You could've respected her." Binalingan siya nito sandali. " She doesn't even respect herself." Yeah, but that's not the point. "but still, hindi naman porket ganun siya, hindi na dapat ito irespeto..." Tumawa ito ng pagak. " Really? Who are you to tell me who I should respect?" I pursed my lips to stop any words coming out. Ngumisi ako ng sarkastiko. Oo nga pala at isang hamak na P.A, mushasha, katulong lang pala ako nito, bakit nga naman ako umaaktong may karapatan na makialam sa gusto niyang gawin sa buhay niya. "I'm sorry." Ang tanging nasabi ko at tumahimik na lang ganun din siya. Ang buong atensyon ko ay nasa bintana na lang. Hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin at inabala na lang ang sarili sa magandang tanawin sa labas, yes, ang sakit lang kung paano niya ipamukha sa akin kung ano lang ako sa buhay niya. Pero tama naman ito, wala naman talaga akong karapatan hindi na dapat pa ako nangingialam lalo na kung paano siya makitungo dahil habang tumatagal na kasama ko siya. Lalo ko lang nakikita ang tunay na siya, he's bold, sarcastic, straightforward, and a rude man. So who I am to change that huh. "We're--" hindi ko na siya pinatapos ng napansin ko na nasa hotel na pala kami. Agad na akong lumabas at pumasok sa loob I press the button for our floor I waited it at nasa likod ko lang siya, I saw the garden of the hotel mukhang masarap tumambay doon. "I have a meeting, you could stay in our suit, take a rest." Sabi niya sa likod, tumango lang ako at nauna ng pumasok sumunod naman siya. He look at me intently, I just look straight. Umigting ang panga nito at napaiwas ng tingin sa akin. Nakaharap siya saakin wala atang balak na tumabi at umalis man lang sa harap ko. "What do you want for dinner?" He asked. Then look at me. "Ikaw bahala." Tamad kong sagot ng hindi siya tinitignan. "Fuck." He curse pero hindi ko na lang pinansin, anong paki ko diba? "How long are you gonna treat me like that?" He ask pissed, tinapunan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. "What?" Umirap ako, nakakainis talaga siya. Kagabi pa ako beast mode sa ugali niya. Nakakayamot. "Don't f**k with me woman. Stop giving me that attitude." Inis na binalingan ko siya. " What attitude? Eh ikaw naman itong may attitude problem sa ating dalawa." Sabay irap dito. Puro na lang mura sarap sampalin ng bunganga ng talipandas. " Tsk. " Umirap ako at akmang pupunta sa kabilang direksyon ng higitin niya ako sa braso. Dahil sa pagkakahigit saakin nito lalo tuloy akong napalapit sa kanya, tinaasan ko na lang ulit siya ng kilay. "Ano?" Singhal ko dito, we are like a couple who had an LQ. At hindi boss and employee, at kailan pa naging ganito ang set up namin? "I'm sorry, okay. I don't mean to be rude, I got pissed easily that's why." Ngumisi ako, ganun pala ha. " So? ano naman paki ko?" Ako naman ang nagpapakita ng ugali bwiset kasi siya sinimulan niya ako. "Tsk. Stop it, I don't like it when your mad. I'm sorry, okay? Now. What do you want for dinner." Huminga ito ng malalim. Hindi na ako nakasagot ng bumukas na ang elevator. Naalala ko naman ang garden sa baba maybe I go there laler. Magpahinga na muna ako, tutal ay aalis naman siya at may private meeting. "I'll go to the garden later, baka hindi mo ako maabutan mamaya dito." Tumingin ito sa kanya, he open the door. " What time? Can you wait for me?" Kumunot naman ang noo ko. "Wag na, hindi naman ako magtatagal doon. Papahangin lang." Balik kong tugod sa kanya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, problema niya? " okay, just don't wear revealing clothes." Iyon lang ang sinabi nito bago pumasok sa banyo. Wait ano daw? I love nature, plants and animals, they make feel so relax, kaya ganun na lang ang tuwa ko ng makita ang ganda ng garden dito sa hotel. Isang oras din akong na ka tulog bago bumaba dito at mukhang maeenjoy ko ito dahil sa ganda ng tanawin gusto ko sanang mag picture kung hindi lang maganda camera ko. Tuwang tuwa akong pinagmamasdan ang mga bulaklak ng isang boses ang pumukaw ng atensyon ko. "They're beautiful, just like you." My eyebrows furrowed. A tall, white handsome foreign man standing next to me spoke. " Excuse me? Do I know you?" She asked. She doesn't want to be rude to the man. The man smile at her, itinaas nito ang kamay. " That was rude of me. Anyway, I'm Nathan. Beautiful." Muka naman itong mabait, medyo bolero lang. Ngumiti ako. Nakipag kamay ako dito matapos kong magpakilala. "So, why are you alone here?" Tanong pa nito. "Ahm... I'm waiting for my boss, he is in a private meeting. I decided to wait here." Tumango ito. Hindi na niya namalayan kung ilang oras siyang nalibang doon marami silang napagusapan kahit medyo na nosebleed na siya dito. Nagbabakasyon dito ang lalaki at nagkataon lang na nakita siya nito at nakipag kaibigan, nakikita naman niya na mabait ito at masiyahin pa. Jolly din ang lalaki, kaya tawa siya ng tawa habang kasama ito doon hindi na nga niya namalayan na palubog na ang araw kung hindi lang niya narinig ang baritonong boses ng boss niya. "Ana." Malamig iyon. At hindi mababakas ang anumang emosyon ng mukha nito ng tingnan ang babae. Agad naman siyang nagpaalam sa binatang kakakilala lang, at ng balingan ulit ang boss ay nakatalikod na ito at naglalakad na papunta sa elevator. Pagkarating mismo sa suit ay pabalang nitong sinara ang pinto na kina pitlag niya. "Sandali lang akong nawala may kalandian kana agad? " He sound so serious and dangerous. Napalunok ako hindi ko napigilan ang kabahan sa pinapakita nitong expression. Titig na titig ito sa mga mata ko, nakikita ko ang galit at ang hindi ko mapangalanang emosyon doon. " Mali ang iniisip mo, hindi ko naman siya kalandian. Naguusap lang kami." Tinaasan siya nito ng kilay. " Hindi iyon ang nakita ko, you're flirting with him. Why? Because he is a foreigner?" Napaiwas siya ng tingin sa binata, pilit niyang pinapaalala sa sarili na boss niya ito. Kahit nasasaktan siya sa sinasabi nito ay mahinahon parin niya itong kinausap, hindi niya dapat ito sabayan sa galit nito. Pero bakit nga ba ito nagagalit? " Hindi naman ako ganung klase ng babae..." Mahinang sabi ng dalaga, at yumuko. Pero agad nitong hinawakan ang baba niya kaya nagtagpo ulit ang mata nilang dalawa. "Hindi mo siya Kailangan, O kahit na sinong lalaki. Naiintindihan mo?" Tumango ako, ano bang nangyayari sa kanya? Bakit siya umaaktong parang inaagawan. Ayokong maging assuming pero hindi ko mapigilan. Mariin kong itinikom ang bibig ayoko ng palakihin pa ang usapan namin ayokong magkasagutan na naman kami. Hanggat maari iiwasan ko iyong mangyari ayokong magalit siya, hindi ko maintindihan pero ayokong nakikita itong galit. Ibang iba ito kapag galit at ngayon ko lang ito nakita, Oo madalas silang magsagutan pero hindi niya naman nakikita ang totoong galit nito. Madalas ang pagkayamot pero mas nakakatakot pala pag galit ito tapos seryoso pa ang muka. "Go change, let's have dinner after." Kinabukasan ay maaga silang nagising dahil sa mga meeting nito, ito na din ang huling araw nila ng binata at uuwi na sila matapos ang isang gathering na gaganapin mamayang ala sais ng gabi. Naging busy ito sa mga meetings, mostly investor and some are just member of directors. Ipinakilala naman siya sa mga ito ng lalaki, she just smile at them. May ibang bata pa at napupukaw niya ang attention ng mga iyon. At mukhang hindi ito magugustuhan ng boss niya, agad nitong tinatapos ang usapan, pero tahimik lang kapag silang dalawa na. Hindi na rin sila nagimikan pa ng lalaki matapos siya nitong kausapan kagabi. They just eat dinner. Unti unti na rin naman siyang nasasanay dito. He's a man of few words at bihira lang itong magsalita. At madalas iyon kapag nagka kasagutan sila. She look herself in the mirror and sigh, napakaganda ng suot niyang gown for tonight's gathering at ang boss niya mismo ang nagbigay niyon sa kanya. A violent long sleeve cocktail dress and a purple heels, siya na ang nag aayos sa sarili niya dahil kaya naman niya iyon. Nag ponytail lang siya at konting make up then okay na. Hindi naman niya kailangan mag paganda ng sobra. She just needs to look presentable. That's all. Ng makita siya ng lalaki ay tinitigan lang siya nito at iginiya na siya patungong kotse. "f**k, even that dress look good on you." He murmured, I don't even understand it. "What?" Tanong ko, umiling lang ito, Sabay pinaharurot na ang sasakyan. Nagngingitngit ako sa sobrang inis habang nakaupo dito sa table namin habang ang boss ko, nandun sa kabilang mesa habang kausap ang isang magandang babae. The woman look a Filipina, casual lang ang mukha ni Gustavo pero hindi niya mapigilan ang hindi mairita dahil sa higad na mga kamay na nakapulupot doon. Indeed, the woman flirting him pero wala man lang itong ginagawa, bukod dito ay may dalawa pa itong mga kausap kapwa mga lalaki din. Napairap si Ana ng nakita niyang humilig ang babae sa dibdib ng binata, pero ganun parin ang binata, hindi man lang nito iyon pinapansin, mukang sanay na sanay sa atensyon ng mga babae doon sa party. Hindi niya na din maintindihan ang sarili dahil iritang irita na siya, sana pala ay hindi na lang siya sumama, kung iiwan lang pala siya ng binata sa party na iyon. Bakit nga ba ako nandito? Mukang hindi naman ako kailangan dito. Turan ng dalaga sa sarili. Padabog itong tumayo at hinanap ang banyo sa malaking hall na iyon. Agad naman niya iyong nahanap pumasok siya sa isang cubicle, seconds later, three woman suddenly enter the restroom. "Have you seen Sam and Gustavo, they look good together." Anang isang babae sa tatlo. So, Sam pala ang pangalan ng hingad. Bagay sa kanya. "Yeah, maybe they got back together. Knowing Sam." Kumunot ang noo niya. Back together? Napangiwi siya, So may past pala ang mga ito. Masama man ang makinig pero hindi niya naman iyon sinasadya. "Hahaha, Maybe they're just f**k buddy, I heard Gustavo's Engaged." Nanikip ang dibdib ni Ana ng marinig iyon, paanong kahit nasa ibang bansa sila ay nalaman na agad na ikakasal ang binata kahit wala naman iyong katotohanan dahil hindi naman ito pumayag. "O. M. G. My Mom was right? I thought it was gossip?" "No, we received an invitation yesterday. The wedding is in December. My heart broke because of that." Tila milyon milyong karayom ang nararamdaman niya sa kanyang puso gabe din ang t***k niyon. Hindi niya namalayan na unti unti na palang pumatak ang luha niya, ni hindi na rin niya marinig pa ang ang pinag uusapan ng mga babae hanggang sa nawala na ang mga ito. Agad siyang lumabas doon, inayos ang sarili. Her eyes swollen because of crying pero agad niyang inayos ang sarili. Stop it Ana, you heard it. May kasalanang magaganap kaya itigil mo na ang kahibangan mo. Masasaktan ka lang. Huminga siya ng malalim, habang nakatitig sa sarili sa salamin. Naghugas siya ng kamay at agad siyang lumabas. Pero napahinto siya ng isang bulto ng lalaki ang naghihintay sa labas ng restroom, it's him. Nakatitig ito sakanyan ng nagtataka. "Why did you cry?" Tanong nito. Hindi niya iniwas ang tingin sa binata. Bakit pa nito kailangan mag tanong? Ilang segundo siyang nakatitig dito, ganun din ang binata. Tila binabasa ang anumang iniisip niya. "Hindi ako umiyak, allergy lang." Pagsisinungaling niya. Pero hindi naman ito naniwala kay Ana. " You don't have allergy, kaya bakit namumula ang mata mo at ilong?" Anas nito. " Wala." Agad niya itong nilampasan. Pero hindi pa siya nakakalayo ng kabigin agad siya nito sa bewang at sinandal siya sa pader. Walang emosyon ang mga mata ng binata ng titigan niya ito. "Uulitin ko bakit ka umiyak?" Madiin nitong tanong. " Wala kang pakialam." Nagtangis ang bangang nito at mahigpit na hinawakan ang balikat niya. Hindi na lang niya iyon ininda pa. " Huwag mo akong subukan..." Agad niyang inalis ang mga kamay nito sa balikat niya. His jaw tense at madilim ang matang tinignan siya nito. "Personal ang dahilan, okay na?" Tinalikuran niya ito at naglakad na papuntang mesa niya pero nagulat siya ng maramdaman ang kamay nito sa bewang niya. Sobrang lapit nilang dalawa sa isat isa at naiilang siya, hindi niya maintindihan ang inaakto ng binata. Basta na lang siya nitong kinabig at naglakad papuntang mesa nila at umupo din ito. Marami ang nagtangkang kumausap pero agad iyong pinapaalis ng binata at nakatitig lang sakanya. "Let's talk." Tinapunan niya ito ng tingin. " Wait me here." Tumayo ito at nagpunta sa isang mesa na malapit sa kanila. May sinabi ito doon iniwas niya ang tingin ng makita ulit ang babaeng kasama nito kanina, ang higad na si Sam. " Ana? Your here? How are you?" Nanlaki ang mata niya it is Nathan. Yung lalaki sa garden. "Nathan." Umupo ang binata sa unahan niya at ngumiti ito sa kanya. " I'm good..." Tipid niya itong nginitian. " I forgot to get your number, I plan to visit the Philippines next week. Maybe we could meet there?" Masayang pahayag nito. " Sure----" hindi niya natapos ng may bigla na lang humila sa kanya at bigla na lang siya nitong kinaladkad paalis doon. "Ano ba Gustavo!!!" Walang ingat ako nitong pinaupo sa passenger seat at marahas nitong sinara ang pinto. At nang makaupo ito sa driver's seat at bigla na lang itong nagwala at pinag hahampas ang manibela. " Ano bang problema mo? Bakit bigla bigla ka nalang nanghihila?" Inis niyang turan dito. Nagtatangis ang bagang nito ng tumingin ito katulad na lang ng magalit ito ay nakaramdam siya ng takot dito. "f**k, f**k. That guy again, really?" He mocked. "Ano bang kasalanan ng tao sayo at ganyan ka?" Kinakabahan man ay hindi niya din mapigilan ang inis na nararamdaman niya. Dahil... Tang'na nagseselos siya kanina pa doon sa lintang iyon. " Dahil nilalandi ka niya, at ikaw naman itong si go. Ibibigay mo pa ang Number mo sa kanya? Puta." Sinuntok pa nito ang manibela nito. " Eh ano ngayon? Bawal na ba akong makipagkaibigan o lumandi, sa pagkakaalam ko kasi ay single ako. Walang masama kung ibibigay ko ang numero ko sa kanya. " Totoo naman. Dumilim ang mukha nito. " Hindi mo pwedeng gawin yun..." Nangunot ang noo ko. " Subukan mo, kung ayaw mong makita ang mukha niyon sa nitso." Napaawang ang labi ko. " Waw, kapag ikaw pwedeng lumandi kapag ako bawal?" Maanghang kong turan. "What? " Inirapan ko ito, napaka unfair ng damuho. " Hindi kita pinapakialaman sa babae mo, kaya huwag mo din akong pakialaman." Anas ko. " whose girl are you talking about?" At nagmamaang maangan pa. " Nevermind." Iiling iling na iniwas niya ang tingin dito. " Your jealous." Napaawang ang labi ko sa tinuran nito, siguradong sigura ito. Kahit tama naman ito na talagang nagseselos ako hindi ko naman aaminin iyon. "Hindi ako nag seselos, ikaw nga ata ang nag seselos dyan." Nangunot kong bawi dito. " Yeah, I'm jealous." He said it without hesitation. Nanlaki ang mata ko dahil dito, at ang letseng puso ko mukang gusto ng lumabas at mag tatalon. " I'll bury him alive if he goes near you again. " Tila may bara ang lalamunan ko at hindi ko na mahanap pa ang dila ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko rin alam kung ano ang itsura ko ngayon. " I'm warning you also, don't entertain boys, you will not like me when I'm mad." Panay ang tingin ko sa bintana ng eroplanong sasakyan namin pauwing manila. Habang ang katabi ko ay busy sa pag sagot sa mga tawag. He looks so strict kahit sa cellphone ang kausap niya, he's very intimidating na kahit sino sigurong makakakita sakanya ay matatakot na lapitan ito. "Yes, I'll meet him. Tomorrow... Okay. Be sure." Anas nito sa kausap. Hindi nagtagal ay pinatay na niya iyon at binalingan siya. "Are you hungry?" Tanong nito umiling lang siya bilang tugon. Ilang minuto pa ang nakalipas ng bigla na lang parang gulamaw ang sinasakyan nila, at sa tingin niya ay masama iyon. Nagmamadali ang dalawang flight steward samantalang tumayo si Gustavo at dahil sa takot ko ay hinawakan ko ito sa kamay. "Don't leave." Tinitigan siya nito at hinawakan siya nito sa pisngi. "I'll be back don't worry." Tumango na lang siya at binitawan na lang ang binata. Ilang segundo pa ay biglang may nahulog sa taas, at iyon ay ang oxygen at habang tumatagal ay lalong naging masama ang andar ng eroplano. Hindi niya na makalma ang sarili at napupuno na ng takot ang puso niya, hindi niya alam ang gagawin lalo pa at mag isa lang siya dahil hindi niya alam kung saan nagpunta ang binata. Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili ng dumating ang binata at niyakap siya nito, inalo siya nito at niyakap. "Shhh. Everything will be okay." Hinahagod pa nito ang likod niya, at dahil doon ay unti unti siyang kumalma. " Are we dying? Gus." Umiiyak na tanong niya at pilit na hinahanap ang sagot sa mga mata ng binata. At sa unang pagkakataon, nakitaan niya ang mga mata nito ng halo halong emosyon, pero isa lang ang nangibabaw doon. Takot. "No. No. We will not die, not tonight. Hindi pa ngayon, Ana. Hindi pa." Sabi nito sabay yakap sakanya ng sobrang higpit at kasabay noon ang pag patay sindi ng ilaw. Ilang minuto pa ay may narinig silang malakas na pagsabog at sa sobrang takot ay hindi na niya namalayan ang unti unting pag agaw ng kanyang kamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD