Party
Sa totoo lang, hindi naman dapat niya ginawa iyon eh, dahil kung papakawalan ko man si Gustavo. Paano siya nakakasiguradong siya na ang mamahalin nito.
At some point, gusto ko na lang mag laho, Oo masaya ako, pero... Laging may pero. Hindi dapat...
Minsan iniisip ko bakit ko minahal ang taong hindi dapat, kung hindi ba ako nahulog, nandito ba ako sa posisyong ito?
Dumating ako ng bahay na iniisip parin ang kahihinatnan ng mga desisyon na pinasok ko, lutang ako, gulat pa si mama dahil maaga akong umuwi.
Humalik lang ako dito at pumasok na sa loob ng silid, hindi pa nito alam na may boyfriend ako, kahit isa sa kanila ay wala pang alam.
Gusto ko mang sabihin, natatakot ako. Lalo na at kumakalat na ikakasal na si Gustavo... Wala naman ginawa si Gus para doon.
Sobrang naguguluhan ako, hindi namin iyon napag usapan. At sa tuwing gusto ko, naduduwag naman ako. Hindi ko na alam.
Nakakatakot pala ang magmahal, hindi mo alam kung mananalo ba kapag tumaya ka. Wala naman kasiguraduhan sa mundo diba.
Buong araw akong nasa kwarto, hindi na din ako nag-punta sa mansyon. Hindi ko kayang harapin si Gus ng ganito.
Magtataka lang iyon at magaalala pa, marami na siyang iniisip pa at ayokong dumagdag pa.
Hindi ako nag-paalam sa kanya, at inaasahan kong tatawag ito saakin, pero hindi ko iyon sinagot. Hanggang sa mag-text na ito sa akin.
Gustavo:
Where are you?
Ako:
Sorry, nasa bahay ako, I'm not feeling well.
Gustavo:
Pupuntahan kita.
Agad akong napabangon, s**t. Hindi siya pwedeng pumunta dito. Ayoko nga itong makita, pupunta pa siya?
Tinawagan ko ito, ilang ring lang ng sumagot ito. Napalunok ako.
" Wag ka nang magpunta." Bungad ko dito.
"Bakit?" Mahina nitong sagot.
"Baka mag-taka sila mama..."
"Pupunta parin ako."
"Wag na..."
"Bakit parang may tinatago ka? "
Napalunok ako.
" W-wala ah! Basta. Okay naman na ako. Pahinga lang to." Really huh?
"Tss. Wait me there. " Madiin nitong sinabi at binaba na ang tawag.
Napasabunot ako sa buhok ko, naliktikan na!
Ilang sandali nga ay may kumatok na sa pinto namin, nasa sala sila mama at ang mga kapatid ko, wala pa si papa, sa tingin ko ay kasama ito ni senyor.
Lumabas ako at nandoon na nga siya nakaupo sa luma naming sofa, nangunot ang noo nito ng makita ako.
Napatingin ako kila mama at sa mga kapatid ko tumikhim ang mga ito at kanya kanyang nag-alisan.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Napaatras ako agad ng sapuin nito ang leeg ko.
"I thought your sick?" Napaiwas ako ng tingin. I lied, okay.
Wala naman talaga akong sakit, dala lang ng mga iniisip kung bakit ayokong magpakita talaga sa kanya, but there he is.
" Ano... Medyo masama ang pakiramdam ko, hindi naman ako nilalagnat."
He tilted his head.
Kinabahan naman ako sa paraan ng pagtingin niya saakin.
" Yeah, what happened at School?" Napaiwas lalo ako ng tingin.
"Wala naman... Ano bakit pumunta kapa?" Iba ko ng usapan. Tumaas ang kilay niya, napaayos ako ng upo.
" Changing the topic, huh?" He mocked.
Bumuntong hininga ako, it seems like he knows what happened and he's just waiting for me to spill out.
"Joyce... She kneeled to me, everyone know you're going to marry her. That's all." He pursed his lips.
Napahawak ako sa magkabilang kamay ko at yumuko.
"I'm not marrying her." Madiin niyang sabi.
Hindi nga ba? Paano kung mag-iba? Paano kung hindi umayon sa atin ang tadhana? Gusto man isatinig pero pinili ko na lang iyon ibaon sa utak ko.
Tumayo ako at lumabas ng bahay, I know they're hearing us. Mama, Xia and Liam.
Umupo ako sa upuang nandoon. Tumigil siya sa paglalakad, medyo malayo saakin.
"Gus, paano kung..." Hindi ko kayang sabihin. All this time. Ngayon pa ako na duwag.
"What?"
" Ayaw sakin ng lola mo, at alam natin na ipipilit niya ang gusto niya. Gus..." Ilang hakbang nito ang pagitan namin at umupo sa upuang kaharap ko.
" What do you want me to do?" Titig na titig ito sa mga mata ko.
" Hindi ko alam."hindi ko rin alam. Hindi ko na alam...
" I won't marry anyone but you, Ana. Matagal ko ng plinano ang kasal natin hindi mo pa ako lubusang kilala. Sa tingin mo may makakapigil sa akin?" Madiing sabi niya sa akin.
Mababanaag mo ang kaseryosohan sa mukha niya. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.
" Trust me on this, baby. I'm working this already. Isa lang ang kailangan mong gawin..." He pause, then smirk.
" Stay and never leave me." Tumango naman ako. Ngumiti siya.
" Tell me what happened. What made you upset?" He ask. Napakagat ako sa labi ko. " Be honest, baby. Tell me."
Huminga ako ng malalim. I'll say it, eventually.
" Kabit mo daw ako at gold digger daw, masama na ang tingin sa akin ng tao kasi akala nila inaagaw kita." Ngumuso ako. Humarap siya saakin.
Tumaas ang kilay niya,
" From who? Joyce?" Ngumiwi ako.
" Hindi niya kasi matangap." Hinawakan niya ang pisngi ko.
"I don't care, trust me. Ako lang ang paniniwalaan mo, ang pagkakatiwalaan mo."
Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa mga salita niya at napapasunod ako niyon.
Pinagkatiwala ko sa kanya ang lahat, kalaunan ay nalaman na din ng pamilya ko ang tungkol sa amin, nabahala sila pero sumuporta naman.
Tiwala akong malalagpasan namin ito, dumaan ang mga araw na ganun parin ang tingin ng tao sa akin, na sanay na lang ako sa mga naririnig ko.
Mas pinagtuunan ko ng pansin ang pag-aaral ko at trabaho, tiwalang tiwala ako noon sa kanya na kaya namin.
Hindi ko inaasahan na kailangan ko pa palang mag-panggap, isang hapon sa pag uusap namin ay nagpagunaw ng mundo ko.
" I need to be engaged to her." He said. Marahan ito at tila tinitimbang ang sasabihin niya.
Those words cut through my heart, why? They need to be engaged? Magpapakasal na ba sila? Akala ko ba siya ang bahala tapos biglang ganito?
Na ngilid ang luha ko, alam ko namang may plano siya. Pero hindi ko alam kung ano iyon, hindi niya sinabi at okay lang iyon sa akin.
Pero ano ito? Bakit? Engaged?
"The party will happen next week." That fast huh?
Tumingin ako sa kanya, kita ko ang pag aalinlangan sa mata nito, sakit at takot. Hindi ko alam kung para saan.
This time. Wala na akong maramdaman.
Feeling ko niloloko ako, ano ba talaga?
Bakit naman biglang ganito?
"Engagement party." I'm I invited? Bullshit!
I want to curse, gusto ko siyang murahin. Gusto ko silang murahin.
" Believe in me, baby. We'll get through this." He said, assuring me that I can't see.
" How? Tell me. What is really your plan? Huh?" Biglang umahon ang galit sa dibdib ko. If that party happens, All those words that people throw at me will be valid. f**k!
" I'm not marrying her, I just need to convince my grandma. I don't want them to hurt you." Assuring me again.
Napapikit ako ng mariin, yes! Hindi lang ako nahihirapan. I should also consider his feelings with this, right?
Tumango ako at ngumiti sa kanya, I'll swallow it all... Lulubusin ko na. Tutal sumugal na ako e lulubusin ko na.
You know what the most painful thing is? Luckily, I'm invited to that damn party, I don't want to come but I need to. For what? To support them.
Nakakatawa lang dahil nandoon ako ng gabing iyon, and now they're engaged. Kitang kita ang saya sa mukha ni Joyce, she look at me. But I just gave her a smug look.
Itinaas niya pa ang suot niyang sing-sing at ngumisi at inirapan ako pagkaiwas ng tingin. Pero ako nanatili lang nakatitig doon. Sa Kanila.
Seryosong muka lang ang ipinapakita ni Gustavo. Hindi ito makatingin sa akin, parang naging bato ako sa kinatatayuan ko when she hold his arms, clunging it, claiming and showing to everyone that she had him.
He's mine! If only I could shout but I can't.
I had him first.. he is my boyfriend.
Isang panyo ang umagaw sa atensyon ko, hindi ko iyon tinangap. Wala na akong pakialam kung tumutulo man ang mga luha sa mata ko.
Wala na akong pakialam kung nakikita ng ilan na nasasaktan ako, so what if they saw my sorrow. I don't care.
Pero hindi ko kinaya na biglang hilingin ng grandma niya ang isang bagay, nasa stage parin sila. Everyone is happy watching a very lovely couple. A Fake couple.
"It's just a kiss, hijo." Sabi pa nito.
I purse my lips. It's okay, acting lang. Maraming natutuwa at kinikilig, nakakakilig naman kasi talaga! Yung boyfriend ko nandun engaged sa ibang babae.
Tumalikod ako dahil hindi ko na kayang panoorin pa sila. Martyr na nga siguro ako, dapat hindi na ako nag-punta pa, bakit ko ba sinasaktan ang sarili ko?
" Ana." Papa ko. Kitang kita ang pag-aalala sa mukha nito.
" Isa na lang, Pa." Tumango ito, lahat ng desisyon niya sinuportahan ng papa at mama niya, kahit alanganin, kahit may posibilidad na hindi iyon magtagumpay. Nandun sila.
Ngumiti ako, Isa na lang. At sa puntong ito gagawin ko ang ilang linggo kong pinag isipan. Hindi man ako sigurado pero tataya ulit ako. Hindi man ako manalo, tataya ako.
This is how my life twisted. Until you realize. What you fight for. I fight for my love. I'd fight for him.
Manalo man o matalo...