Disgrace
Hawak hawak ko ng mahigpit ang bag ko ng pumasok ako sa mansyon ng mga Del Fabbro, iniisip ko kung paano ko ba sasabihin ang lahat ng nagawa ko.
Pero kailangan ko itong gawin...
" Anong ginagawa mo dito?"
Joyce is standing not too far from me. Hindi ko ito napansin doon kanina. Mukang kakarating lang nito.
She raise an eyebrow at me, not liking my presence here at the mansyon, ngayon ko na lang ulit ito nakita, kahit sa school ay hindi na naman ito nagpapakita pa sa akin.
" Si Gustavo?" She crosses her arms and looks at me intently with a smug face.
Unti unti siyang lumapit sa akin. In Front of me, she look so bothered with my presence.
" Wala siya dito." Huminga ako ng malalim.
Tumingin ako sa hindi kalayuang hagdanan gusto ko sanang umakyat pero nahihiya ako, wala ng rason para makita pa ako ng lalo niya dito.
Wala man ito ngayon dito hindi naman siya makakuha ng lakas para humakbang man lang paasok.
" I need to talk to him, Joyce. Alam kong nandito siya." Lumukot ang mukha nito.
"Bakit ba pinagsisiksikan mo ang sarili mo dito ha? Wala siya dito. At pwede ba ikakasal na kami. Kaya wala ng rason pa para pumunta ka dito! "
I bit my lower lip.
" Alam kong alam mo ang totoo, Joyce."
Huminga ako ng malalim, at binalingan ulit ng tingin ang hagdan. Hindi ako mapakali, I felt nervous.
" Of course." Doon na balik ang atensyon ko sa kanya.
"What's happening here?" A baritone cold voice interrupts.
Tumingin ako doon, I met his eyes and when he saw me, I felt strange.
"Babe! I'm sorry hindi kita ginising ang sarap kasi ng tulog mo. Mukhang napagod kita ng husto."
What is she talking about? Strange feeling crept in me.
" Gus..." I called him.
" What are you doing here?" His voice isn't familiar to me now. There is something wrong with it.
" We need to talk." I said not minding what's on my mind.
"About what?" He said... Coldly.
Gone the sweet and caring eyes when he sees me. Humakbang ako para makalapit sa kanya.
There's something in his eyes, it's not familiar, I never see it before. Ngayon lang.
" Us." Binalingan niya is Joyce, but a searing pain of my heart when I saw with my eyes how she nodded but before she left, he kissed her forehead.
I act like I didn't saw it, I fist my hands.
" I have a solution now to all of this, baby. We don't have to act anymore. Not in front of her. "
I hold his arms firmly as I got near him. But his expression didn't change. Hinanap ko sa mga mata niya ang hinahanap ng puso ko.
Pero bigo akong makita iyon, did something change? May nangyari bang hindi ko alam? What happened?
"Bakit? Why are you looking at me strangely? " Nasasaktan kong tanong sa kanya. Nangingilid na ang mga luha ko. Anytime pwede na itong bumagsak pero pinigilan ko.
He just smirks.
" A solution? Hanggang ngayon pala naniniwala ka pa rin?" I was taken aback.
" Anong ibig mong sabihin? " Tumawa ito ng pagak.
" Akala ko pa naman nakuha mo na? Halos ilang linggo kitang hindi na kinokontak at akala ko alam mo na? " Ano bang sinasabi niya?
" Alam kong busy ka, solving our problems." His playful eyes never left mine.
Pain is now visible in my eyes, Hindi ko alam kung hindi ko lang ba maintindihan o hindi lang matanggap ng utak ko.
" Do you really believe that? I never solve anything, woman. Why would I?" Kumunot ang noo ko.
" Ano bang sinasabi mo? You assured me everytime we see each other! Please! Ano ang nangyayari sayo? "
Lalong humigpit ang hawak ko sa bag ko matapos niyang umiling, parang hindi makapaniwala.
" Listen okay, what's between you and me is nothing. It was all nothing. Okay I was just playing around. " He playfully said.
Napaawang ang bibig ko. Playing around? All along pinaglalaruan niya lang ako?
Hinalungkat ko ang bag ko. Alam kong may mali, siguro naman magbabago ang isip niya kung malaman niyang buntis ako?
I handed the pregnancy test to him. Nakita kong dumilim ang mata niya ng makita iyon.
" Buntis ako, please tell me. Nagbibiro ka lang diba? Kung ano man ang balak mo ngayon... Please wag mo nang ituloy! Kailangan kita. " Hinablot niya iyon sa akin ng marahas.
" buntis ka? Sino ang ama?" Malamig niyang tanong.
Napalunok ako, It's impossible for him to believe that he's the father but that's the truth.
" You, kaya please. Huwag ka namang ganyan. Ano na naman ba itong plano mo? " Unti unting naghulugan ang luha ko.. lalong dumilim ang mata niya at napa-ngisi siya.
"What's is this hijo? I thought you already end your relationship with that girl? " His grandmother said as she walk near us. Agad itong napatingin sa bagay na hawak ng apo, na hanggang ngayon ay doon parin nakapako ang tingin nito.
"What the hell Gustavo? Don't tell me you impregnated that stupid girl? " Hindi makapaniwala na tanong nito at masama ang tingin na bumaling saakin.
"I'm not the father I assure you grandma." Sabay tingin nito ng masama sa akin. " I never touch her, so it's Impossible." He said angrily.
Humalakhak ang matanda. Hindi ito makapaniwala ng malingunan ako. Isang palad ang dumapo sa pisngi ko na ikinaiyak ko.
Hindi man lang ito inawat ni Gustavo, nakatingin lamang ito sa pregnancy test na hawak nito. Madiin ang hawak nito doon. Galit din ang mga mata nito.
" What a disgrace, ito ba ang klase ng babaeng gusto mo ha Gustavo? Such a disappointment! At anong balak mo ha? Pumunta ka dito para ano? Ipaako sa apo ko ang anak mong bastarda? "
Hindi ko pinansin ang mga kung ano anong masakit na salitang naririnig ko even Joyce said something negatively at hindi ko iyon lahat pinansin.
All of my attention was all on this man. Hoping he'll believe me. Hoping...
" Hindi ako ang ama." Parang pinipiga ang puso ko sa sakit niyon ng bitawan nito iyon.
" M-Maniwala ka. Ikaw ang ama Gustavo, Please!" He smirk.
" I never f****d you! Woman. Never! " Napahagulgol ako ng hinagis nito ang hawak na pregnancy test sa gilid ko.
He walk out at lumabas ng mansyon. I was left there crying habang may mga panunuring mga mata ng kasambahay at ng dalawang babae sa harap ko.
" Sa tingin mo mapipikot mo ang apo ko? Your wrong!" Ang lola niya bago ito umalis. Lumapit si Joyce bago nito sundan ang matanda.
" What a slut? Hinding hindi mo siya makukuha. Tandaan mo yan!" I was left there crying. Hindi ko alam kung paano pa ako nakauwi.
" Anak anong nangyari?" Si Mama.
" I'm sorry Ma."
I'm such a disgrace...
No I won't give up this easily, I need to talk to him alone I knew he would believe me, hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila.
How things turn differently, it's like a dream, parang nagising na ako sa isang magandang panaginip, I don't understand why all of this happening now.
I texted him.
Let's Talk please!
He replied... After 20 minutes, unusually. But I shrugged it all.
Gustavo:
Meet me at my Condo.
Nakatitig lang ako sa cellphone kong wala ng buhay, ilang minuto na pala akong nakatitig lang doon. Isang kamay ang dumapo sa balikat ko.
"Anak..." Si Papa. By now, they already know that I'm pregnant. But I received nothing but sympathy.
Naiintindihan nila ako, lagi na lng nilang naiintindihan ang lahat pero kahit alam ko na nasasaktan ko na sila sa mga ginagawa ko, hindi parin ako huminto.
Wala man silang sinasabi, na guilty man, hindi ko magawang tumigil.
"Magpahinga kana..." Tuluyang bumagsak ang luha sa mga mata ko.
Nakatayo ako sa bakod ng bahay namin, medyo malayo sa mga kapit bahay si Mama naman ay may pagaalala sa muka pero nanatili lang itong tahimik.
"Mahal na mahal ko siya Pa." Umiiyak kong sabi. Tumango si Papa at niyakap ako. They never stop me doing things they always allow me to fail. Sila ang nagturo sa akin na huwag basta bastang sumuko na lang.
Kahit gaano man iyon kasakit ay hindi mo dapat sukuan... pero hanggang kailan?
"Tama na nak. You did enough. Tama na." He hugs me tight. Malumany ang pagkakasabi niya. May bahid ng lungkot pero mababakas mo din ang galit.
" Kakausapin ko ho siya Pa, kailangan ko siyang kausapin." Humahagulgol kong sabi dito habang umiiyak sa balikat niya.
Bumitaw ito saakin at pinakatitigan ako. Naningkit ang mga mata nito at may bahid na ng galit, galit na alam kong ako ang dahilan.
"Hanggang kailan mo ibaba ang sarili mo? Hindi kita pinalaki para lang apakan ka ng ibang tao! Alam mo iyan. Hinayaan kita. Pero anak, kahit alam kong malabo sumuporta kami ng Mama mo, kasi doon ka masaya, pero masyado mo ng nasaktan ang sarili mo. Tama na. " lumapit si Mama at hinagod si Papa sa likod. Bakas na din ang luha sa mga mata nito.
" I'm sorry, pero Pa. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan..." Kahit alam kong wala na, kahit alam kong malabo na.
I'm scared, so scared to be left after everything. Natatakot akong tuluyan ko na siyang maiwala. Takot na takot ako.
All my tears aren't tired falling from my eyes, I stared at him, I weakly approached him. He's just standing there. Motionless.
I held his hand to my face, I bit my lower lip, my heart hurt so bad seeing his face. Umiling akong umiiyak. No, what happened to us?
" What do you want?" He said without emotions, he hid it completely. He's looking at me just like how he look other woman.
" I will forget everything, I will forget you denying me... I will forget, just explain. Magkakaanak na tayo. " He smiles smugly.
" Hindi mo pa rin talaga nakukuha ano? O sadyang hindi mo lang matanggap? Hindi ako ang ama niyan! hindi kita nabuntis! Walang nangyari sa atin. So I guess we're even. You cheated on me. " Napaawang ang labi ko.
How dare him? Tumawa ako ng Parang baliw. Tinitigan ko siya sa mata. Hindi natinag ang mga mata nitong mala batong pinupukol saakin.
" Hindi kita niloko! kahit kailan hindi ko gagawin iyon, Anak mo ito! Nagkamali ako Oo. I take advantage of you, Yes. but why are you doing this? " Gusto man pigilan ang pag-agos ng luha mistula itong gripo hindi din papatalo.
Pumikit ito ng mariin, he curse. Umiwas ng tingin, nag iisip ng malalim.
" Fine! Kung hindi ka talaga naniniwala, wala na akong magagawa. Kung laro lang ako para sayo? You really play it perfectly, lugmok ako eh. " Tumango tango ako.
I bit my lips hard, para pigilan ang hagulgol. Para pigilan na ang masasakit na salita.
" Then get rid of it! If it's mine, abort it." Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa sinabi niya.
Ang sakit sakit, the man in front of me who I loved the most Want to get rid of our unborn child. Everyone says he's a ruthless, heartless man.
At this point lahat ng mga naririnig ko, validate all his words to me. Ito ba talaga ang lalaking minahal ko?
Sa sobrang galit ko sinampal ko siya. I slap his face hard, paulit ulit ko iyong ginawa, lahat ng sakit na nararamdaman ko sa mukha niya ko ibinuhos.
Kung may asido man akong hawak o matulis na bagay ay kanina ko pa nagamit at nasira ang pagmumukha niya.
" Sige!!! Tutal nagsisi na naman ako ngayon kung bakit dinumihan ko ang sarili ko sa isang katulad mo! Sige hindi ko ito bubuhayin, papatayin ko ang galing sayo! Hinding-hindi ko gugustuhin magpalaki ng isang batang nang-galing sa angkan mo!"
Hayop! Dapat hindi na ako umasa pa naniniwala sa mga sinabi niya noon eh, sana iniwasan ko na lang, ang sakit sakit.
Tinulak ko siya, he doesn't deserve my love, galit na galit ako ng titigan siya. Mahal na mahal ko ang lalaking ito pero winasak lang niya ako.
" Ito ang tatandaan mo, you're my biggest mistake! you're the biggest failure in my life
! I regret loving you, Sana hindi na lang kita nakilala, tangina." I walk out of his Condo.
Ang gago gago mo! I disregard my family to fight for you, I disregard my worth just to love you, I lost myself in the process of staying with him.
I lost myself because I lost my heart to him.
Ang gusto ko lang ay sumaya, kaming dalawa.
Nanlalabo ang mga mata ko, hindi ko na napansin pa ang mga taong nakatingin sa akin, nakakabangga ako pero hindi ko na iniisip pa iyon.
Marami mang naiinis pero walang wala iyon sa nararamdaman ko, he wants to get rid of me? Then be it. All I feel is pain hanggang sa namamanhid na ako.
Wala na akong ibang nararamdaman hindi na rin nag function ng maayos ang utak ko, tulala akong naglalakad patuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.
Bakit ka umiiyak ha? Hindi mo siya dapat iyakan! He's worthless, walang kwenta iniiyakan mo? Hindi dapat iyon iniiyakan.
Nakalabas ako doon ng hindi ko na mamalayan, pero tuloy tuloy lang ako sa paglakad, not minding my surroundings. Not Minding the danger approaching me. Not minding the pain.
I walk and walk, patuloy ang masaganang luha pero wala na ako sa sarili. Nawala na ng tuluyan. Katulad ng pagkawala ko sa kanya. Bakit mahal na mahal mo parin kahit sinaktan ka niya ha?
Bakit patuloy na tumitibok ang puso mo sa taong walang ginawa kung hindi ang saktan ka? Tanga. Isa kang malaking tanga.
Tumigil ang mundo ko sa mga sigaw ng mga tao, sa mga singhap, sa ibat ibang boses na hindi ko maintindihan. Mga natataranta nilang kilos, at pag-aalala.
" Yung babae, oh my Gosh!!!. Call the ambulance. Now! Miss, Miss... Hang on there. Don't close your eyes please. "
I find myself lying on the ground, How funny is this huh? Hindi ko man lang naramdaman na nasagasaan na pala ako ng isang van.
Wala akong physical na nararamdaman kundi emotionally. Nakatulala lang ako sa mga taong iyon na nag aalala sa akin.
I could die right away, why bother helping me? Why bother living when I feel like dying? But the cry of a baby woke me up.
I don't know where it came from. Agad na takot at pagkabahala ang naramdaman ko. Oh my ghad. My baby.
I grab someone, na malapit lang sa akin.
"Save my baby.... Please" save my child. My poor baby.
I never meant it all, hindi ko gustong mawalan ng anghel, kahit ilang araw ko palang alam na nabubuhay iyon sa sinapupunan ko ay mahal na mahal ko na iyon.
I regret saying to kill my baby, because at that moment, it kills me to think that my baby is in danger because of me.
That moment I never thought the most painful was when I failed to be with the man I love, but I'm wrong. Mas masakit ang mawalan ng anak.
Mas masakit na isiping namatay siya dahil sayo, na dahil sa katangahan ko ay nalagay siya sa panganib.
"I'm sorry Misis, we did our best we could, but a lot of blood was lost, including the stress you feel. The baby didn't make it."
Ito na ata ang pinakamasakit na narinig ko.
" You lost the baby... "
Like a time machine, lahat ng alaala ay bumalik sa akin. Those tragic memory makes me weak Everytime I remember those!
Parang lagi akong bumabalik sa nakaraan sa tuwing naalala ko iyon, gabi gabi akong umiiyak because of the little angel I lost.
I almost lost my sanity, Tita Emelia help me, siya ang nagtago noon saakin. Ilang buwan akong hindi nakapag salita, when I came back to my senses, doon ko lang nasabi at na kwento dito ang pinagdaanan ko.
She encourage me to built myself, my choice in the past bring me grieve and pain. Hindi na ako bumalik pa. I think mas lalo ko lang silang masasaktan pa.
I don't want to be selfish anymore? Where did selfishness take me? To my mourning living grave.
Until now. Hindi ko parin napatawad ang sarili ko, sa pagkawala ng mahahalagang tao sa buhay ko.
Lahat ng masayang alaala nawala na parang bula, napalitan ng pait at sakit, ng galit...
I strum my guitar, every night I sing that makes my heart melt, I hug my past, welcome the pain until it fades...
" 🎶Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan?"
Even if I want to sleep deep at night, my mind won't let me, like a movie playing in my head, especially when I close my eyes.
"🎶Hindi papabayaan na ako'y mag-isa..."
Yet, I left alone, in the darkness of the night, years losing myself isn't enough, I considered this my karma, truthfully karma is a b***h.
" 🎶Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?"
Just a blink of an eye, all my dream vanish, isa lang naman ang pangarap ko and that is to be happy. Nakamit ko man ang yaman, propesyon. Pero kailanman hindi ako naging masaya.
Happiness isn't really there, there's always missing part of me, a portion I lost years ago.