Its been a week since she arived here. Si Andria kasi ang mag de-design ng gown ni Sofia. Sabi nya ay hindi nya itatahi dahil busy daw sya. At hindi ko alam kung bakit sya busy. She'd been MIA for two years. Kung hindi pa sya tinawagan ni Nadine at sinabing ikakasal si Eros ay hindi sya uuwi.
Sa one week nayon ay pilit nyang pinapaayos ang sasakyan nya at one week ko narin iyong sinisira. Nandyan iyong ifa-flat ko ng sabay-sabay iyong gulong, puputolin ang mga kuryente o kung anu-ano pa.
I don't know why I'm doing this. But all I know is that I want her to stay. Nag stay naman sya pero hindi na nya ako kinakausap. Iniiwasan nya ako.
"What are you thinking?" Biglang tumabi saakin si Eros na may dalang San Mig light. Dalawa iyon ang isa ay binigay nya saakin.
"Nothing" hindi ko naman kasi pweding sabihin na iniisip ko ang pinsan nya.
"May ipapakilala ako sayo sigurado magugustohan mo yon" nakangiting sabi nya. Napa iling nalang ako. Noong nakaraang taon ay pinipilit nyang idate ko si Jayla iyong ka business partner nya pero pariho kaming umayaw dahil para na kaming magkapatid ni Jayla.
"Ayuko nga kasi,"
"Aba! Tatanda kang binata nyan Jerome bente nuebe kana. Hindi yon magugustohan ni Lianna" natawa nalang ako sa sinabi nya.
"Hindi ko naman kaylangan non," namuhay ako sa loob ng 29 years na ako lang mag-isa kaya hindi na bago saakin yong maging matandang binata.
Napailing nalang si Eros at mukhang sumuko narin sa pag pipilit saakin na makipag date. I have fair share of women. Lalaki ako, I have needs pero hanggang doon lang iyon. No feeling attached.
Hindi nag tagal ay nagpaalam na si Eros dahil baka raw hinahanap na sya ni Sofia. Naiwan ulit akong mag isa doon habang nag iisip. Gustohin ko man isipin si Lianna ay napupunta kay Andria ang utak ko.
I went to Alaska to find her. I broke her heart and I want to ask for her forgiveness. Wala akong balak makipag balikan sakanya kasi wala naman talagang kami. All we had was just a pure s*x. But she fell and I can't catch her.
Sinuyod ko ang buong Alaska pero hindi ko sya nakita. I spend my 2 years looking for her pero walang Andria akong nakita.
But then last week narinig kong nag aalala si Eros dahil hindi pa ito dumarating. Walang anu-ano ay kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at umalis para hanapin sya at hindi naman din ako nabigo.
"Mamita how is he?" Napalingon ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. "Aw Aris baby I love you," bigla ay tumigil ang mundo ko ng ngumiti sya. Ang lakas ng kabog ng dib-dib ko. Kinakabahan ba ako? f**k.
"Aris love wait for me okay?" She giggled at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis. Who the f**k is Aris? Boyfriend nya ba?
Wala sa loob na tumayo ako at nag lakad papalapit sakanya. Nang makita nya ako ay agad nyang tinapos ang tawag. Akmang aalis sana sya ng hawakan ko ang kamay nya.
"Who the f**k is Aris?" May diin sa bawat salitang sambit ko.
"None of your business Jerome" malamig na sabi nya at pinalis ang kamay ko at naglakad palayo. Gulat na nakatingin lang ako sa papalyong bulto nya.
Just what the f**k happened?
NAOMI
Nakahawak lang ako sa puso ko ng makalayo ako kay Jerome. Why is he acting weird? Ang akala nya ay hindi ko napapansin ang pag sira nya sa sasakyan ko.
Last two years he said he want me out of his life and then now he's acting like I am still his.
"Naomi anak," napalingon ako ng may biglang tumawag saakin. There I saw my Mom and Dad together with my siblings.
"My," agad akong tumakbo para yakapin sya at halikan. I missed them so much.
"Saan kaba nag pu-punta ha? Wala ka naman daw sa Alaska," Puno ng pagtatampong tanong ni Mommy.
"My matanda na si Ate maybe she's with her boyfriend," maarteng sagot ni Nadine. Natawa nalang ako.
"Ano po palang ginagawa nyo dito?" Next month pa kasi ang kasal nina Eros.
"We just want to see you baka kasi umalis kana naman ng hindi nag papaalam saamin," this time si Daddy naman ang sumagot. Napansin ko naman si Rejan na tahimik lang at parang may tinatanaw.
"Baka po after ng kasal ni Eros Dy. Not sure pa," napa kunot noo lang si Daddy na syang ikinatawa ko.
We went to my cabin at nag kwentuhan pa kami ng pamilya ko. Kung may namiss man ako nuong umalis ako ay sila iyon.
Nag handa ng haponan si Mommy para sabay-sabay kaming kumain. She even invited Eros, Pia, Jayla, and Jerome.
"Anak ikaw ba kaylan ka magpapakasal? Mas matanda ka kay Eros. Trenta kana sa susunod na taon hindi kaya kailangan mo nang lumagay sa tahimik?" Biglang hirit ni Mommy na ikinatawa ko lang.
"Ma hindi yan mag-aasawa. Hindi sya mahal nong taong mahal nya eh," sinabayan pa iyon ng tawa ni Nadine. Alam kong pulam-pula na ng mukha ko.
"Hindi naman totoo iyon My nakamove-on nako," Narinig kong napa ubo si Jerome pero hindi ko na iyon pinansin.
"Anak hindi kaya hindi kana magka anak? Lalagpas kana sa kalendaryo," ungot pa ni Daddy. Kung alam lang nila na may apo na silang mag wa-one year old
"Wag kang mag alala Dy isusurprise kita ng apo,"
"Ayuko ng apo lang anak gusto ko may tatay din," again napa ubo nanaman si Jerome.
"Jerome may sakit ka ba?" Hindi nakatiis na tanong ko. Parang kanina pa kasi sya ubo ng ubo. Okay naman sya kanina sa may dalampasigan.
"Wa- wala" inirapan ko sya at nagpa tuloy na sa pagkain.
Umuungot parin si Daddy ng apo pero tinatawanan ko nalang. Hanggang sa naging centro na ng usapan ang kasal nina Eros at Pia. Patapos na iyong gown. Nandito lang talaga ako para icheck iyon aki kasi ang nag design.
Siguro next week tapos na iyon at siguradong makakauwi naako.
"Jerome anak bakit di nalang kayo nitong si Naomi ko?" Biglang sabi ni Mommy na ikina ubo namin dalawa ni Jerome. Tawa naman ng tawa si Nadine sa naging reaksyon namin. She knows everything.
"My"
"Nako Ma. Hindi pa nakaka move-on si Jerome sa best friend ni Sofia kaya malabong maging sila masasaktan lang si Nao," si Eros na ang sumagot.
"Nasaktan nanga eh," bulong ni Nadine sa tabi ko. Siniko ko sya para manahimik. Baka mamaya ay marinig sya nila mommy.
"Sayang naman. Bagay paman din kayo nito. Itong Si Naomi kasi masyadong mapili."
"Ma si Ate ang hindi pinili," nakakalokong sagot ni Nadine. Napailing nalang din ako sa huli.
"Pia anak sa tingin ko babae yang pinag bubuntis mo."
"Talaga po Tita?" Tumango naman si Mommy.
"Ang blooming mo kasi tapos di nangingitim yang batok mo" humagikhik naman si Sofia at hinaplos haplos ang tyan nya.
"Sabi nga po ni Naomi Tita"
Natapos ang dinner na puro asar ang natamo ko. Nandon iyong pinamimigay ako ni Mommy kay Jerome o di kaya ay pinipilit akong ipag blind date ni Daddy.
Kasalukoyan akong nag huhugas ng pinag kainan namin habang nasa island counter naman si Nadine at kumakain ng ice cream.
"Masarap pala tong Oreo ate no?"
"Saan mo ba nakuha yan?" Sa pagkakaalala ko wala naman akong ice cream sa ref.
"Dala to ni Ate Jayla kanina," tumango nalang ako at pinag patuloy ang pag huhugas. "Ate bat hindi mo sabihin kay Mommy yong tungkol kay Aris?"
"Not now," gusto ko pag sinabi ko na kina Mommy ay nasabi ko narin sa Tatay nya na nag i- exist sya.
"Alam mo ate kanina habang kumakain tinititigan ka nya. Nag s*x na kayo ate?" Napa nganga ako sa tanong ni Nadine.
"Nadine ha yang bunganga mo!" she just smile and left. Napapailing nalang talaga ako sa kapatid kong iyon.
Pagkatapos kong mag hugas ay pinatay ko na ang ilaw sa kusina. Wala ng tao sa cabin ko. Doon kasi natutulog sina Mommy at Daddy sa cabin ni Nadine.
Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan si Mamita. "How is he?" Iyon agad ang bungad ko sakanya.
"Nako ma'am tulog na tulog na pero kanina sobra pong iyak. Palagi talaga kayong hinahanap ma'am," napabuntong hininga nalang ako at pinahid ang luhang tumulo mula sa mata ko.
"Please take care of him Mamita sa lunes ay uuwi naako. I miss him so much," I ended the call and took a deep breath. Ito ang unang pagkakataon na nagka hiwalay kaming dalawa.
Aakyat na sana ako ng makita kong nakatayo si Jerome sa may hagdan. Tiim na nakatitig sya saakin habang nag lalakad papalapit.
Nang nasa harap ko na sya ay walang anu-anong sinakop nya ang aking mga labi. And again I saw my self answering his kiss with the same intense.
Habol ningingang pinakawalan nya ang mga labi ko at pinaka titigan ako.
"Who ever that Aris is I swear you'll forget about him," unti-unti ay napa nganga ako sa sinabi nya.
"Good night Andria," he lean again and give me a light kiss. Umalis sya at ako naman ay hindi makagalaw sa kina tatayoan ko. f**k.
"Ay akala ko paman din mag se-s*x na kayo," doon ako bumalik sa ulirat ng may narinig akong nag salita.
"NADINE" I shouted. Hinabol ko naman sya pero nakalabas sya agad ng cabin ko. Tawa lang sya ng tawa.
"Don't give me false hope Jerome" iyon nalang ang nasambit ko habang naka titig sa kawalan.