It was four in the morning when I woke up. Bumaba ako sa kitchen at nag timpla ng kape. I don't eat breakfast sumasakit kasi ang tyan ko. Nang mahimas masan ako kagabi ay tumawag ako ng tiga linis. Pinalinis ko ang mga nag kalat na can beer sa sahig. May dala rin silang bagong cellphone na pinadala ni Eros saakin.
Hindi narin bumalik si Jerome and I don't care about him. Gusto ko nang matapos ang gagawin ko dito para makabalik na sa tahimik ang buhay ko. Having Jerome around is not easy.
After kong uminom ng kape ay nag bihis naako ng pang jogging
attire ko. I wore sports bra and short shorts. Halos foreigner naman ang guest dito kaya hindi big deal sa kanila kung ano ang susuotin ko. Kaya mas gusto kong sa Belgium palagi dahil walang pakealaman ng trip doon.
Pag labas ko ng cabin ay nag simula na akong tumakbo. Nilibot ko ang buong resort may mga kasabay din akong tumakbo. Huminto ako sa may dalampasigan at inabangan ang sun rise pero sa huli ay bigo ako. Hindi naman kasi pala nakikita ang sun rise dito kundi ang sun set.
I love sun rise. It represent me. Dati ang madilim ang buhay na meron ako. I have a loving family a supportive boyfriend.. ex-boyfriend. Pero may kulang and then he came and everything become bright.
"Hello love" I smiled upon hearing his cute voice.
"Mamamama" he giggled upon hearing me.
"How are you? I missed you so much" I heard him mumbled words. Hindi pa nakakapag salita si Aristotle Johan pero sapat na ang mga cute sounds na lumalabas sakanya para mapagaan ang loob ko.
"Hello ma'am hinahanap po kayo ni Aris kagabi. Iyak po ng iyak mabuti nalang po at tumahan ng ibinigay ko iyong damit nyo. Hinahanap po yong amoy nyo ma'am eh" napangiti ako ng sabihin iyon ni Aleng Mamita. Totoo naman kasi iyon hindi basta-basta nakakatulog si Aris ng hindi ako ang katabi nya.
Mag sasalita nasana ako ng may marinig akong tikhim mula sa likoran ko. Agad naman akong lumingon and there I saw Jerome. Naka board shorts lang sya at naka sando.
"I'll call you later. Bye love I love you so much" alam ko namang naka loud speaker iyon at tama nga ako dahil narinig kong tumawa si Aris.
"You kissed me last night. Tapos ngayon may ka I love you ka?" Napanganga ako sa sinabi nya.
"You kissed me" giit na sambit ko. Tumalikod ako at nag simulang mag lakad. Naramdaman ko naman na nakasunod sya saakin.
"You kissed me back"
"Oh tapos? Look Jerome we're both adult kiss lang iyon" bakit ba dikit pa sya ng dikit saakin? "Lumayo ka nga"
"No. Kakain tayo"
"Hindi ako kumakain ng breakfast" it still six in the morning.
"Well guess what. I don't take no for an answer" napatili ako ng bigla nya akong binuhat na parang sako ng bigas. I am now facing his back.
"Jerome put me down" pilit kong kumawala sakanya pero natigilan ako ng hampasin nya ang pwet ko.
"Pag hindi ka tumahimik ihuhulog kita"
Wala akong nagawa kundi ang tumahimik at hayaan syang dalhin ako kung saan nya man gusto.
Hindi nag tagal ay pumasok kami sa isang restaurant at buong ingat nya akong ibinaba. "Hindi ka kaya kabagin dyan sa suot mo?" Bigla ay sabi nya.
"Ano?" Nagugulogang tanong ko.
"Wala sabi ko mag order kana. Breakfast is the most important meal you shouldn't skip that" irap lang ang isinagot ko sakanya. Nag order nalang ako ng bacon with eggs tapos pancake at kape. Ganon rin ang inorder nya.
"So tell me where have you been for the past two years Andria?"
"I went to Alaska"
"Wala ka doon" tinaasan ko lang sya ng kilay. Of course wala naman kasi talaga ako doon. Sinabi ko lang iyon sakanya at sa pamilya ko para doon nila ako hanapin. I went to Belgium and live my life there.
Magsasalita pa sana sya pero biglang bumating si Eros kasama si Sofia. Sofia is 6 months old pregnant.
"Para kang naka lulon ng pakwan Pia" nakangiting sambit ko. Naupo sya sa tabi ni Jerome. Si Eros naman ay pina alis si Jerome para maka tabi sa fianće nya. Ang ending ay katabi ko na si Jerome.
"Kaya nga eh. Gusto ko nga sana na pag 3 years old na ng baby kami magpa kasal pero ayaw naman ni Eros" Hinaplos naman ni Eros ang tyan ni Pia.
"Pangit kasi babe kung lalabas si Athena na hindi tayo kasal" madamdaming sabi ni Eros.
"Babe hindi naman natin alam kung girl o boy si baby"
"Sure akong girl yan Pia. Hindi kasi nangingitim yang batok mo. Blooming kapa. Tapos pa bilog pa yong tyan mo" namilog naman ang mga mata ni Pia na nakatingin saakin.
"Ganon ba yon?" Manghang sambit nya. Tumango naman ako.
"Yes. Kasi pag lalaki madalas nangingitim yong batok at yong kili-kili" ganon kasi ako kay Aris. Gusto ko sanang idagdag pero pinili ko nalang na tumahimik.
"I knew it. Kahit hindi naman na ipa ultrasound ang kasarian ni Baby alam ko babae ang anak ko" proud na sambit ni Eros. Hinalikan nya si Pia at hinaplos haplos ang tyan non.
Nararamdaman kong tutulo na ang luha ko kaya bigla akong tumayo. "CR lang muna" naka tungong sabi ko at nag lakad papunta doon. Hindi ko alam pero naiinggit ako.
Naiinggit ako dahil hindi ko kayang bigyan ng kompletong pamilya ang anak ko. Pagka pasok na pagka pasok ko sa isang cubicle ay hindi na maawat ang luha ko. Bakit ang unfair?
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa mahimasmasan ako. Pag labas ko ay agad akong nag hilamos. Hindi ko hinayaang may bakas ng luha sa mga mata ko. Nang makita kong ayus naako ay bumalik ako sa table namin. Nanduon na ang pag kain.
Tahimik na kumain ako at hindi na pinansin ang tatlo. Minsan ay sina sali nila ako sa usapan pero puro OO at HINDI lang ang sagot ko.
"Naomi pwedi bang ikaw ang ninang? Si Jerome na kasi yong Ninong. Si Julinna sana kaso wala namana sya" bigla ay sambi ni Pia na ikinatigil ko.
Pati ba naman sa pag nininang sa pamangkin ko ay substitute lang ako? Napahawak ako ng mahigpit sa tinidor na hawak ko at huminga ng malalim.
"No" matigas na sabi ko. Kung gusto nila si Julianna ang mag ninang edi hukayin nila. Tangina naman. Inis na binitiwan ko ang tinidor at tumayo na.
"Naomi" bakas ng pag tataka ang mukha ni Eros.
"Kung si Julianna ang gusto mong mag Ninang edi hukayin nyo sya. Ayukong maging substitute, I deserve better" I turn around and walk away.
Tinawag paako ni Eros pero hindi naako bumalik doon. Nakakawalang gana.
Bumalik ako sa cabin ko at naligo. Wala naman akong balak na lumabas pa dahil baka makita ko ulit si Jerome. Buong araw ay nag kulong lang ako sa cabin ko at naka video call kay Aris.
Aris is my light. He makes everything easier for me. Noong araw na gusto kong tapusin ang buhay ko ay sya ang nag ligtas saakin. Sya ang buhay ko.
Nang gabi na ay pumunta ako sa restaurant na pinuntahan namin kanina. I ordered food for my dinner and eat silently. Balak kong maligo sa pool pagka tapos nito. Ayuko kasi ng dagat.
"Miss Naomi sabi po ni Sir Eros ayus na daw po iyong sasakyan nyo" sabi ng babaeng lumapit saakin. She has a name plate and it says she's Jayla.
"Thank you"
"Flat yong gulong" sabat ng lalaki sa likod ko. I don't need to look around because I already know kung sino sya.
"Anong sabi mo?"
"Sinaksak ko yong gulong" kibit balikat na sabi nya na nakapag paawang ng bibig ko. "You can leave Jha" tumango lang ang babae at umalis na. Naupo naman sya sa harap ko at pinaka titigan ako.
"Why did you do that?" Nag kibit balikat lang sya at naupo sa upoan na kaharap ko lang.
"You walked out."
"Because I don't like hearing her name," Pinaka titigan nya ako at ganon rin ako sakanya.
Gwapo si Jerome matangos ang ilong nya at lalaking lalaki ang datingan. Makapal din ang kilay nya, ang mga mata nya ay kulay brown na nagiging dark pag galit sya.
"Julianna is part of our life," tumango lang ako sa sinabi nya. Hindi ko naman sinasabing alisin nila si Julianna sa buhay nila.
"But I don't want her to be part of my life," Prangkang sagot ko. Ayukong maging plastic. Hindi ko naman kilala ang babaeng iyon. Dumating ako sa buhay ni Jerome na wala ng Julinna pero pag pasok ko sa puso nya ay napalabas naman ako bigla. Nandon parin kasi sya. In Jerome's heart Julianna is alive.
"You cannot hate someone you doesn't know" muli ay tumango ako.
"Yes but I cannot like someone I doesn't know" doon sya natigilan. Tama naman din kasi ako. Hindi naman sa hindi ko gusto si Julianna but the fact na sya ang mahal ni Jerome ay hindi ko sya magawang magustohan.
"Don't push me on liking her Jerome. You don't need to do that. I've moved on from you kaya hindi ko na ipipilit ang sarili ko sayo" doon ako tumayo at pinaka titigan sya.
"You can love her, wala na akong pake. Hindi ko alam kung bakit ini-insist mo na magustohan ko sya gayong hindi naman sya parte ng buhay na meron ako," I sigh and leave that place.
I don't really get him. Wala naman na kasi talaga akong pakealam tanggap ko na. Mahirap makipag kumpetensya sa patay.
Pero kahit na sabihin kong tanggap ko na ay natagpuan ko na naman ang sarili kong umiiyak. Hanggang kaylan ba kita mamahalin Jerome?