bc

Happy Lane

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
revenge
friends to lovers
playboy
goodgirl
drama
bxg
lighthearted
serious
office/work place
office lady
like
intro-logo
Blurb

INIWAN SA ERE

Ano ba ang mangyayari kapag iniwan mo ang isang bagay sa ere? Babagsak. Maaari itong mawasak at hindi na mapakinabangan.

Paano kung tao naman ang iniwan sa ere? Babagsak din siya. Pero hindi siya pwedeng masira na lang basta. Babangon siya at gaganti.

Ganyan ang plano ni Ynaviel Reyes kay Mill Braxid Atienza, ang lalaking kumatok sa puso niya, ngunit ng handa na siyang pagbuksan ito wala na ang lalaki. Nasa piling na ng ibang babae.

///

Story by rinmybelle ?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Sabi nila mahirap daw kalimutan ang first love, mukhang hindi naman. After several months from my first heart break, okay na ako. Natatawa na nga lang ako kapag naaalala ko yung pag iiyak ko tuwing hating gabi. Nanggigigil din ako sa sarili ko kapag naaalala ko kung paano ako naghabol sa kanya. Nakakacringe din kapag naiisip ko yung mga ginawa at regalong binigay ko sa kanya. Ipinangako ko talaga sa sarili ko na hindi ko uulitin yun. "Welcome back Yna! Pasalubong namin?" Ako agad ang nilapitan ni kuya Hashim ng pumasok siya sa office ng department namin. Siya ang assistant head ng Photography and IT section ng D'PIRE Events na pinagtratrabahuhan ko bilang event organizer. Sa likod niya ay may isang lalaki na umupo sa bakanteng upuan katabi ng sa kanya. Mukhang bagong employee dahil ngayon ko pa lang siya nakita. "Wala hindi ka kasali haha. Biro lang na kay Ate Rose, papunta na daw siya." Sagot ko. Galing kasi kaming Butauanan Island para sa isang beach wedding. Halos tatlong gabi din kaming nagstay doon. "Miss, excuse me. Sa tingin mo ba okay na to?" Maya maya pa lumapit sa akin yung lalaking kasama ni Kuya Hashim. Ipinakita niya sa akin ang laptop niya. May nieedit siyang invitation para sa isang kasal. "Medyo idark mo pa yung kulay violet para mas nakikita yung letra." Suhestyon ko. Nagpalinga linga ako at napansing kami na lang pala ang nasa loob ng opisina. Marami kasing events ngayon kaya busy halos lahat. "Umalis na si kuya Hashim?" "Oo na, may photoshoot daw. Hindi nga ako sinama sayang." Nagkakamot ulong sabi niya. Madalas na dito naglalagi si kuya Hashim sa opisina naming mga event organizer lalo na kapag may photoshoot, kaya din siguro dito niya iniwan ang trainee niya. "Event organizer?" Kaswal niyang tanong sa akin. Tumango ako bilang tugon. "I'm Mill Braxid Atienza. Just call me Xid. Ikaw?" Nakangiting tanong niya. "Yna. Graphic artist ka?" Tanong ko. "Oo pwede din photographer." Madaldal siya kaya marami kaming napagkwentuhan. Napag alaman ko na ako pa lang pala ang nakakausap niya ng ganito sa opisina. Si kuya Hashim daw kasi masyadong strikto. Bilang baguhan marami siyang tanong tungkol sa trabaho namin. "Kumakain ka ba ng streetfoods?" Tanong sa akin ni Xid bago kami mag out sa trabaho. Tumango ako. "Tara happy lane tayo." Aya niya. Wala naman din akong gagawin kaya sumama na lang ako. Matangkad siya pero hindi ko naman kailangang habulin ang paglalakad niya dahil mabagal siyang kumilos. Pagdating sa happy lane ay sinalubong agad kami ng bango ng mga iniluluto at iniihaw na pagkain. "Dalawang hotdog po." Yun muna ang kinain namin dahil hindi ako makapagdecide kung ano ang gusto ko. Pumasok kami sa maliit na kainan sa likod ng tindera. "So sa University of Cerecas Avenue ka pala nag aral ng college. Bachelor of Science in Business Management." Nakangiting sabi niya bago isinubo ang hotdog. Mainit pa kaya hindi ko muna kinain ang sa akin. May kaingayan ang lugar dahil uwian na at dito ang punta ng ilang mga estudyante at empleyado pagkatapos ng trabaho. Tuwing hapon at gabi lang kasi bukas ang happy lane. "Stalker." Natatawang sabi ko. Nakatanggap ako ng friend request sa f******k mula sa kanya nung nakaraan kaya hindi na ako nagtaka na alam niya ang impormasyon na iyon. "Iniistalk ko lang yung magaganda." Napairap ako at iwas ng tingin sa kanya. Pero napangiti ako, hindi dahil kinilig ako sa sinabi niya. Madali akong mapangiti tuwing pinupuri ako. Hindi ako marupok, I just appreciate compliments. "Si Mitch nga din inistalk ko, may anak na pala saka asawa yun. Hindi halata. Ang ganda niya pa naman." Napabalik ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Si Mitch ay isa sa mga hr staff ng company namin. "Crush mo?" Nakangiting akusa ko. "Oo sana kaso may asawa na pala." Bata pang tingnan si Mitch kaya hindi halata. Natawa ako sa sinabi niya. Mahilig pala sa magaganda ang lalaking ito. Pagkatapos kumain ay dumiretso kami sa kainan ng mami at goto. Umorder kami ng special goto with egg at isaw. "May boyfriend ka?" Tanong niya. Mainit sa loob ng kainan buti na lang sa tapat ako ng electric fan pumwesto. "Wala. NBSB." Nagtatakang napatingin siya sa akin. Hindi naniniwala. "Oo nga." Yung first love ko hindi naman naging kami. Umamin siyang gusto niya ako. He even said he loves me. He kissed me. But in the end hindi ako ang syinota niya. Pwede niyong sabihin na marupok ako, pero kung nararamdaman mong mahal ka niya at mahal mo din siya ano pang hahadlang sayo? But I've already moved on. We're actually friends now. Medyo naiinis pa din nga lang ako sa kanya minsan pero hindi ko na siya mahal. "Kakabreak ko lang sa girlfriend ko five months ago. Tagal namin, three years. We actually planned our marriage kapag may stable job na kami. Pero hindi niya rin nagustuhan ang ugali ko. Umayaw din siya sa akin like my exes." Kwento niya. "Exes? Ilan ba ex mo?" Tanong ko. "Huwag mo nang alamin, baka maturn off ka." Nahihiyang sabi niya. Halos siya lang ang nagkwekwento sa aming dalawa. Kwinento niya kung paano siya inayawan ng ex niya at lahat ng sakit na pinagdaanan niya. "Pero nakamove on ka na ba?" Tanong ko. "Oo na, hindi naman ako pupunta dito sa happy lane kung hindi pa." Dito daw kasi sila sa happy lane madalas kumain. Hindi ko alam kung sobrang gentleman niya lang ba talaga pero hinatid niya pa ako sa sakayan ng tricycle pauwi. Hinintay niya pa akong makasakay bago siya naglakad pauwi. Nang mga sumunod na araw ganun uli ang nangyari. Sinamahan niya akong magrocery pagkatapos ay kakain kami. Madalas na sa happy lane kami kumain. Halos isang oras kami kung kumain pero tig isang bowl lang naman ang inoorder namin sa mamihan. "Hala 7pm na pala?" Sabi niya ng paalis na kami ng happy lane. "Hindi ko na napansin yung oras." Dagdag niya. "Ang dami mo kasing kwento." Sagot ko habang naglalakad kami papuntang sakayan ng tricycle. "Ang hilig mo kasing makinig lang." Pang aasar niya. Sa grupo ng magkakaibigan ako kasi yung 'listener'. Mas gusto kong makinig lang kaysa ako yung magkwento. Hindi lang siguro ako sanay mag open sa ibang tao. Katulad ng dati nagkwentuhan muna kami sa sakayan ng tricycle bago ako sumakay pauwi. 'Yna' 'Yna' 'Psst' 'Ynaviel' 'Seened' 'Huhu' 'Tara ice cream libre ko' Napangiti ako sa sunod sunod na text messages ni Xid. Nasa harap ko lang siya. Hindi kami masyadong makapag usap dahil kasama namin ang ilan naming katrabaho. "Ano bang meron kayo? Ang close niyo kaya sa office." Tanong ni Lisa isa sa mga katrabaho namin. Nasa Lucky's bar kami at umiinom dahil sabado night naman. "Friends." Sabay naming sagot ni Xid. "Hayaan niyo lang yang dalawa, it takes time." Sabi naman ni kuya Hashim. Medyo matagal tagal na din kaming umiinom. Light drinks lang sa aming mga girls kaya hindi pa kami lasing. "Kapag sinaktan ka nito Yna, isumbong mo lang samin kaming bahala." Inakbayan pa ni Kuya Daryl si Xid. Nasa harap kasi nila kaming tatlong babae. Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Pagkatapos ng inuman ay kanya kanya na kaming uwi. Si Xid na ang nagpresentang maghatid sa akin sa sakayan ng tricycle. Sa akin niya ikwinekwento lahat ng sama ng loob niya sa ilan naming katrabaho. Sensitive person kasi siya. Kaya din siguro madalas kaming magkausap at magkasama dahil alam niyang naiintindihan ko siya. "Thank you Yna. Mag iingat ka pag uwi ha. Kapag may gumawa sayo ng masama sapakin mo." Sabi niya habang naglalakad kami. Naramdaman kong inakbayan niya ako pagkatapos ay inilapit ako sa kanya. Hinagkan niya ang ulo ko. Hindi ko alam kung paano magrereact. Dapat bang itulak ko siya at tanungin kung bakit niya ginawa yun? Pero hinayaan ko na lang hanggang makarating kami ng sakayan ng tricycle. Yayakap sana siya sa akin pero pinigilan ko siya at sinabing kailangan ko nang umuwi. Nang gabi din na iyon, napaisip ako. Bakit niya kaya ginawa yun? Gusto niya ba ako?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.8K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.7K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.9K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.0K
bc

NINONG III

read
364.8K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook