Marahan akong napahilot sa sentido ko, sumasakit ang ulo ko kaya't hindi ako makapagfocus ng maayos sa inaaral ko. It's already lunch time but I chose to take my time reviewing kesa kumain. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko, may naglapag naman ng pagkain sa harapan ko.
Hinatak ni Lazh ang binabasa kong reviewer, tinulak ni Jarvis sa tapat ko 'yong pagkain. "Hindi ka makakapagaral ng maayos kung 'di ka kakain." anito ni Lazh.
Wala na akong nagawa kundi kainin 'yong binigay ni Jarvis sakin. Sobrang bagal kong kumain dahil pakiramdam ko'y bumabaliktad ang sikmura ko, I'm still feeling so sick. Lazh broke the silence, she played a music para kahit papano ay gumaan ang paligid namin. Jarvis is with us dahil pag wala si Jarred ay sya 'yong sumasama samin. Ibinilin ba naman kami ni Jarred sakanya, ghad!
It's the start of a new day
But it feels as though everything's ending
Still picking up pieces
From the broken love you gave to me
My earth feels like it's stopped turning
And my sun feels like it's stopping burning.
Bahagya akong napatigil, masamang tingin ang binaling ko kay Lazh. She played After the Heartbreak, mas lalo lang akong nanghina!
Nang makalahati ko na ang pagkain ko'y inilapit ko 'yon sakanya, I told her to finish my foods dahil puno na ako. I stood up and took my reviewer.
"Thank you, Jarvis..." I uttered. Nag-angat sya ng tingin sakin, nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nya. I sighed and walked away, narinig ko pang tinatawag ako ni Lazh pero binilisan ko na ang lakad ko.
After class ay dumiretso na ako sa condo ko. I wore a beige hoodie paired with black jogger, maulan ngayon kaya tama lang 'tong suot ko para 'di ako ginawin. I took my condo key bago ako lumabas, gusto ko lang magpahangin.
Hinayaan kong tangayin ako ng mga paa ko sa kung saan. Hindi ko alam kung saan ako magtutungo pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Napatigil ako sa may tapat ng café na madalas naming pinupuntahan dati ni Josh after class. Dito kami nagrereview dahil malapit lang naman 'to sa condo namin.
I entered the café, sumalubong sakin 'yong same aroma na bumubungad tuwing nandito kami. Bakante 'yong pwestong madalas namin pinupwestuhan kaya don ako dumiretso pagtapos ko umorder ng Hazelnut Macchiato.
I crossed my arms, nakasandal lang ako sa inuupuan ko habang nakatanaw sa labas. I suddenly felt a stab on my chest when I realized na mag-isa na lang ako rito ngayon, wala na 'yong nakakaasaran ko dati habang naghihintay ng order namin.
It started pouring rain. May mga nagtatakbuhan sa labas para sumilong, 'yong ibang bata ay masasayang naglalaro sa gitna ng ulan. Bahagya akong napangiti. For once, I just want to be a kid again... A kid who doesn't learn about love yet, a kid who's not in pain.
I know you love him, but it's over, mate
It doesn't matter, put the phone away
It's never easy to walk away, let him go
It'll be alright
So I still look back at all the messages you'd sent
And I know it wasn't right, but it was f*****g with my head...
I chuckled. Pati 'yong kanta dito sa café ay tumutugma sa sitwasyon ko. Hindi ko manlang magalaw 'yong kape na nasa harapan ko, all I know is I want to stare at it. I took my phone and captured a picture of coffee na nasa mesa, I added it to my IG story with a caption 'coffee at cold night.' Napansin kong may story din si Josh, something's pushing me to view it kaya't binuksan ko 'yon. It feels like a fckin' dagger when I saw his picture with a girl....
Kusang tumulo ang luha ko nang makita ko 'yon, I tried my best to smile dahil gusto kong paniwalain ang sarili ko na masaya na ako ngayon para sakanya but I can't. Hanggang ngayo'y naiisip ko na sana ako 'yon... sana ako 'yong kasama nya.
I was about to turn off my phone kaso nagpop-up 'yong viewers ng story ko. Parang tinambol ang dibdib ko nang mapansin ko na nagview si Josh sa story ko. Well, at least he still cares... maybe.
Sa mga sumunod na araw ay nawalan na ako ng oras para maglibang, napakaraming kailangan ipasa at reviewhin. Mahirap maging med-student, may mga oras na gusto ko na lang maiyak sa sobrang daming terms na kailangan aralin. Hindi required na kabisaduhin lahat, but it has to be understood as clearly as possible.
Lumipas ang mga buwan na sa pagaaral ko na lang naibubuhos ang buong oras ko. Nawalan na ako ng oras para sa sarili ko, well... this is better para naman wala na rin akong oras na maramdaman 'yong sakit saka lungkot. May mga panahon na gusto ko ng sumuko, sobrang hirap lalo na't hindi pa rin ako okay. I remembered the time when I failed my exams, last month lang 'yon and God knows how much I wanted to quit. Tila ba'y gusto kong magpalit ng course, ayoko na sanang magpatuloy sa pagtatake ng Med pero gusto ko talaga 'to.
I was in the middle of taking down notes when he crossed my mind. Napatigil ako sa pagsusulat, tumanaw ako sa may bintana at pinagmasdan ang sikat ng araw. I wonder where he is, how's he doing, kumain na ba sya, tinuloy nya ba 'yong pangarap nya, masaya ba sya... may bago na ba sya?
Pasimple kong hinugot ang phone ko sa bag ko, I checked my photos and scrolled through it. Inopen ko agad 'yong album namin ni Josh. A smile suddenly appeared on my lips habang pinagmamasdan ko ang mga pictures namin. Sobrang genuine ng ngiti namin dito...
Sayang kasi hindi ko manlang nasulit 'yong mga huling araw na kasama ko sya. I hope maibalik ko pa 'yon... pero sino bang niloko ko? Sarili ko lang din. Hindi na mababalik 'yong nakaraan, all I can do is hope and wait for him to come back in my life.
"Still thinking of him?"
I came back to my senses when someone placed a bottle of water on my desk. It's Kyanna, blockmate ko and friend nila Lexi.
I shrugged. "Next class?"
"Worst class." she rolled her eyes, napangisi na lang ako't tumayo. I took my stuffs and walked towards the laboratory. Naabutan ko sila Jarvis don, they're ahead.
I was waiting for our next class when my phone suddenly rang, agad akong napaayos ng tayo kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Boo calling... I was trembling, sasagutin ko na sana kaso namatay 'yong call. I was so disappointed when he didn't wait for me to answer his call. Baka napindot nya lang?
You're ruining my mind, Josh!
*****