Everyone's running, they're chasing the deadline of our terms. I was panting, kanina pa akong pabalik-balik sa kabilang building pati dito sa building namin. Review dito, review don. Exam dito, exam don. Sulat dito, sulat don. Drawing dito, drawing don. Compute dito, compute don. Fck! Sumasakit na 'yong ulo ko sa sobrang daming gawain.
"Take a breathe!" Jarvis found me, inabutan nya ako ng tubig saka tissue.
I chuckled. "Thank you..." I uttered.
"Tapos na mamaya ang hell week natin." he laughed. My eyes widened nang dampian nya ng tissue ang noo ko. "Night out?"
Tumikhim ako, I was so shocked. "Uhm... sure."
"We're almost done..." he heaved a sigh. "Saang area of spec ka?"
I shrugged. "Gen-Surgery?" napailing ako. "Di ko pa sure. Kung ano 'yong kayanin siguro..."
After ng classes ay umuwi muna ako sa condo para mag-ayos. I took a shower before fixing myself, past 9 na ng gabi nang makaalis ako sa condo. Dumiretso ako sa club na sinend ni Jarvis, pagkarating ko don ay naabutan ko ang hood na kumpleto.
"Makayla?" gulat na pagpansin sakin ni Nadia.
I pouted. "Hi."
Andami nilang pauso, naglaro sila ng kung ano-ano. I didn't drink that much, ayokong matulog sa kalsada for pete's sake! Lumipas ang mga oras ng katuwaan, I took a glance on my wrist watch just to see it's already 1:46 am! I looked at them, 'yong iba ay natutulog na sa sofa, 'yong iba'y nakikipagsayaw na sa gitna, 'yong iba naman ay nakatulala dulot siguro ng pagod.
I stood up, napansin ako ni Nica kaya lumapit sya sakin. "Uuwi ka na?"
I nodded. "Oo... kayo?" bumaling ako sa iba. "Puro may tama na oh."
Natawa kami parehas. "Iuuwi 'yan ng mga boyfriend nila..." she uttered. "Sabay ka na samin ni Jarred."
I shook my head, tumanggi ako. "Hindi na. May dadaanan pa ako..." I gave her a smile. "Saka time nyo 'yan para sa isa't isa." I chuckled.
"Sure ka?"
"Oo naman." tugon ko. She spread her arms, lumapit ako para yakapin sya. "Thank you..." I whispered.
During the times na nagmumukmok ako magisa, bumubungad sa feed ko 'yong mga posts nya. She was able to motivate me to go on with my life during those times. Sobrang thankful ako dahil sa mga posts nya nong mga panahong 'yon.
Paglabas ko sa club ay naisipan kong dumaan sa condo ni Josh. Nagbabaka sakali ako na nandon sya, I just want to see him kahit sandali. I miss him. I wanna hug him so much...
Nasa tapat na ako ng condo nya, walang kailaw-ilaw. Bumigat nanaman ang pakiramdam ko, matagal na pala nong nagbreak kami but it feels like yesterday. Akala ko sa paglipas ng mga araw ay mawawala na 'yong sakit, akala ko mawawalan na ako ng pake... kaso mas lalo lang akong nasabik na makita sya ulit. Lalo ko lang syang namimiss sa pagdaan ng mga araw. I heaved a sigh, mariin akong napapikit nang maramdaman kong yumakap sa katawan ko ang napakalamig na simoy ng hangin.
Mabigat ang pagtaas-baba ng dibdib ko. Naramdaman kong may mga nagsisinghapan at nagbubulungan sa paligid ko, tila ba'y mga kinakabahan. Nakarinig ako ng impit na tili, don ko na dahan-dahang iminulat ang mga mata ko. Ngayon inilabas 'yong list ng mga nakapasa, kinakabahan ako sa 'di ko mawaring dahilan.
My lips parted, napaigtad ako sa tuwa nang makita ko don ang pangalan ko. I quickly took a picture of it saka ko 'yon inadd sa IG story ko. Well, it's on my highlights. As soon as I turned off my phone, bumungad sa harapan ko ang nakangiting mukha ni Jarvis. He quickly gave me a hug, napalabi na lang ako.
"Congrats!!!" he uttered. Tinapik ko ang likuran nya, napangiti ako.
"Thank you."
Almost there...
I was so happy as days passed by. May time na tumawag sakin ang tropa, they were asking me kung kamusta na raw ako. That's the time when I told them about our breakup, nagulat sila non. Hindi sila makapaniwala na umabot kami ni Josh sa hiwalayan. Syempre, sino ba namang magaakala non diba? 7 years ba namang matatag 'yong relationship namin tapos mauuwi lang sa breakup, labo masyado non.
Wala akong balita about kay Josh simula nong nagbreak kami. Parati akong nag-aalala sakanya, but I hope he's doing fine. Jana opened her own club, graduating na rin 'yong iba sa GOV. 'Yong sakin lang talaga ang masyadong matagal saka kay Ishtel dahil nagtake sya ng Law.
A year has passed, I took a vacation by myself para makapagpahinga ako kahit papaano. Busy ako sa pagaayos ng gamit ko nang malaglag ang bag kong nakabukas, nalaglag 'yong mga laman non.
"Geez!" I hissed. Bahagya akong umupo para ayusin 'yong mga gamit ko, kumunot ang noo ko nang may nahagilap ang paningin ko. Nanginginig ang kamay ko nang abutin ko 'yon, it was the promise ring na binigay sakin ni Josh dati sa marriage booth.
Umawang ang mga labi ko kasabay ng pagsikip ng dibdib ko, ito nanaman 'yong pakiramdam na para akong nakakulong sa nakaraan. Dumidilim ang paningin ko, nanlamig ang buong sistema ko. My phone buzzed, lumitaw sa notifications ko 'yong date ngayon. We're almost on our eight year together, sayang wala sya rito. I took a ring box on my bag, ipinasok ko don 'yong promise ring bago ko tuluyang niligpit ang mga gamit ko.
I went out, nagtungo ako sa poolside. Nagtampisaw lang ako sa tubig habang nags-scroll sa phone ko, binalikan ko 'yong mga convo namin ni Josh.
My boo: Imissyou.
My boo: Busy ka? Hindi ka nagrereply... where's my baby?
Ako: Kakagising lang po. Kumain ka na ba? How's your day? I love you.
My boo: Katatapos lang po, dami kong ginawa buong araw ih. Busy maghapon HAHA. Kain ka na, usap tayo mamaya ha? I love you.
Napangiti ako, sobrang sarap alalahanin ng past namin.
Ako: Boo, tingin mo magbbreak tayo?
My boo: Sorry late, baby... kakatapos lang maglaro. Anong tanong 'yan? Para kang ewan. Syempre hindi!
Ako: Pano pag nagsawa ka na sakin?
My boo: Magsisimula ulit.
Ako: Pano pag naging strangers na lang ulit tayo sa isa't isa?
My boo: Magsisimula ulit ako. Susubukan ulit kitang kilalanin saka mahalin...
Ako: Papayag kang mawala ako sayo?
My boo: Nope. Never... akin ka lang po.
I chuckled. Naalala ko 'to! Ito 'yong panahon na nagooverthink ako kaya andami kong tanong sakanya.
My boo: Bawal matulog. Magbati muna tayo...
Ako: Antok na ko.
My boo: Kdrama saka w*****d pinagpupuyatan mo, boo... tapos dito aantukin ka? Nope! Ayusin muna natin.
Ako: Bukas na.
My boo: Baby...
Ako: Sorry po.
My boo: I love you so much...
This was the time na nagtampo ako sakanya kaya ayoko syang kausapin pero pinilit nya akong ayusin 'yon.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan 'yong mga shared photos namin sa isa't isa, pinakinggan ko rin 'yong mga vm namin. I was smiling the whole time I backread on our convo, then I cried. Masakit palang balikan 'yon...
I miss him so much.
****