I've been wanting to know the truth. Each day I'm getting more and more desperate to see him, to know how's he doing. Pero alam kong t*****e 'yon, ilang araw na lang ay magdadalawang taon na kaming hindi nagkikita.
I thought he was the right person for me, sa araw-araw na dumadaan ay pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na baka maling panahon lang talaga yon. Maybe someday, our paths will cross again and then we'll meet. Was it really a wrong timing?
Maybe it was just the most unexpected time...
Dinala ako ng mga paa ko sa gubat ng lugar na 'to. Bawat hakbang ko ay nangingibabaw ang tunog ng mga tuyot na dahong naaapakan ko. I hated this sound since I was a child, pero ngayon tila ba'y dito ko nahahanap ang kapayapaan.
For once, I felt the sudden peace of mind. Umaagos ang tubig sa malayong tapat ko, hindi ko manlang naramdaman ang takot na baka may mapadpad dito na hayop. Bago sumapit sa may sapa ay nandon ang mga dahon na sariwa, hindi tulad ng mga nadaanan ko kanina na masyadong tuyot. I sat on those lively grass, pinababa ko ang mga paa ko sa tubig para magtampisaw.
Mariing pagpikit ang ginawa ko nang manumbalik sa isipan ko ang lahat. I want to cry and scream, walang judgement dito. I thought I've been healed, akala ko wala na ang sakit. Pero sa pag-iisa ko sa mga oras na 'to, napatunayan ko na sariwang-sariwa pa rin ang sugat sa dibdib ko. The fresh wound, it's still here.
Saksi ang bughaw na langit sa sakit na nararamdaman ko, kitang-kita ng mga bituin na sumasabay ang pagtulo ng luha ko sa pagkinang nila mula sa itaas. Dahan-dahan akong pumikit, dinadama ang mapayapang pag-agos ng tubig na tila ba'y sya ang umiiyak para sakin.
No one can steal the love that's meant to be yours....
As I opened my eyes, sumalubong sakin ang buhay na buhay na paligid. Animo'y pinapagaan nito ang pakiramdam ko, don ako humugot ng lakas. Hinarap ko ang mga sumunod na araw na may magaan ng pakiramdam, nawala ang bigat sa dibdib ko.
"Ganda ng ngiti, totoo na ba yan?" bungad ni Jarvis pagpasok ko.
Pabiro akong umirap, natatawa. "Who knows?"
After class ay naisipan kong dumiretso sa gym, magpapalipas na lang muna ako ng oras don. It took me an hour and a half bago ako natapos magworkout. Kumunot ng bahagya ang noo ko ng may pamilyar na pumasok sa gym, sinalubong sya ng mga hindi ko kakilalang lalaki. The familiar guy swifted his gaze at me, para akong napako sa kinatatayuan ko.
"Makayla?" he asked, kinikilala ako.
I trembled, tumuro sakanya ang daliri ko. "Duke?!"
"Kilala pa nga ako." he chuckled. "Dito ka pala nagwoworkout, tapos ka na?"
Bahagya kong nilingon yong pwesto ko kanina bago ko sya ulit binalingan. "Ngayon lang ulit ako napadpad dito." I laughed. "Ikaw? Magsisimula ka pa lang?"
Napailing agad sya. "Sa kabila ako nag-gym." he pointed at the next door, katapat lang nito. Napatango na lang ako. "Ngayon lang ulit tayo nagkita, tagal na nong huli ah..."
"Oo nga eh." I laughed. "Bata pa ata tayo non." I shrugged.
"Daming napagiwanan, catch-up tayo...free ka ba?"
I nodded. "Sure. Kakatapos ko lang magcooldown, shower lang ako saglit." I pointed behind me, nandon kasi yong shower room.
"Okay, sige. I'll wait."
I took a quick shower, warm lang dahil ayokong mapasma. I wore a yellow fitted crop top and black high-waisted shorts. Naabutan ko syang nagtitipa ng kung ano sa phone nya paglabas ko, sinakbit ko ang bag ko nang mapansin nya ako. He smiled at me, sabay na kaming umalis. Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapagtantong patungo kami sa parking lot ng gym.
"You have a car?" I asked, amazed.
He nodded. "Meron." nagbikit-balikat sya.
"Ikaw ang—"
"Hindi." he shook his head, tumatawa. "Graduation gift nila mama sakin." his lips rose up. Akala ko sya mismo ang bumili nong kotse nya.
"Uh... I forgot, ahead ka nga pala sakin ng tatlong taon." napalabi ako.
He chuckled so manly. Napatitig ako sakanya, if I didn't meet my ex before baka gusto ko na si Duke. We've been chatting since high school, natigil lang yon nong naging kami na ni Josh at naging busy sa buhay si Duke. At that time, tinuring ko na lang na parang kuya si Duke. Who would've ever thought that we'll be able to spend time like this?
We entered his car, pinagbuksan nya ako ng pinto. Gentlemen, uh. Nginitian ko sya bago ako pumasok sa loob, umikot na sya papunta sa kabilang side. I watched him drive his car, bumaling pa sya sa side mirror to see the reflection of the road behind us.
Halos lumundag ang puso ko nang pinaharurot nya yong kotse nya matapos ilabas sa parking lot, dumaan kami sa bridge na napakalawak. He's so swift in driving, nakakahanga.
"Hmm..." he broke the silence, sumulyap sya sakin. "Punta tayo don sa café na madalas kong puntahan. They serve the best green tea..." he winked at me.
"Latte?" I sounded so excited, ang tagal ko ng hindi nakakainom ng green tea latte!
"They have that... pero mas gusto ko yong green tea nila na mainit." he parked his car outside the place he's talking about.
Pagpasok namin ay sumalubong agad ang natural na amoy ng kape. I'm at a peaceful place, at least. He ordered a Cappuccino para sa sarili nya at green tea latte para sakin. Umorder din sya ng blueberry cheesecake para saming dalawa, tatanggi sana ako kaso di sya pumayag.
"Ngayon na lang ulit tayo nagkausap, tatanggihan mo pa ako." he pouted. Luminga sya para humanap ng komportableng pwesto, giniya nya ako nang makahanap na sya.
"So, anong kinuha mo?" he asked, masyadong magaan yong mood around us.
"Med." tipid kong tugon, parang nayupi ang dila ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaharap ko sya ngayon.
"Uh..." he nodded, parang naghihintay ng kahit anong sasabihin ko o ikukwento.
I shrugged. "Ikaw? How's the business?"
"Stressful. Well, kaya naman basta mapagaaralan ng maayos." pinaglaruan nya ang hawak na baso ng tubig. "Wala talagang may interes sa angkan namin para mamahala don hanggang ngayon kaya..." he shrugged.
"Kaya ikaw na lang?" I laughed. "Sayang din naman yon, masyado ng malaki ang negosyo ng angkan nyo kung walang mamamahala."
"Ayaw pamahalaan pero gustong magtayo ng sariling kompanya." sarcastic na tawa ang pinakawalan nya.
I was shocked. "Hindi biro ang pagpapatayo non." dumating yong order namin kaya sandali kaming natahimik, nakatingin lang sya sakin. "Pero kaya naman ng angkan nyo, mayaman kayo. Though, handling a company is an honor... but it sucks."
"Depends on how you handle it."
It pains my head so much to talk about business. I remember, business din ang hawak ng angkan namin sa side ni mommy dati pero hindi na ngayon. Walang nagtangka sa mga pinsan ko para ipagpatuloy yon, they all took a professional degree. Gaya nila, ganon din ang ginawa ko. Business isn't on my mind.
"May boyfriend ka?" he asked. Napunta na kami sa usapang lovelife.
Pakiramdam ko'y may bumara nanaman sa lalamunan ko. Madiin akong napalunok. "I had."
"Had? Wala na ngayon kung ganon..." dahan-dahan syang tumango, he leaned on his seat at tumitig sakin. As if I caught his attention. "You have plans?"
"Wala pa sa ngayon." ....may hinihintay ako.
"And why is that?" he raised a brow.
"Di pa ako ready. Hindi ko pa kaya yong pain na darating kung sakali. I'll focus on my goals sa ngayon, yan lang ang nasa isip ko."
Di ako ready na buksan ang sarili ko sa iba. It's still Josh, after all. I'll focus on my goals so when he comes back, may mapapatunayan na ako sakanya.
*******