CHAPTER 4

912 Words
Madey’s Point of View Nakasunod lang ako kay Ford habang naglalakad ito papunta sa parking ng mga sakayan ng taxi. Sa totoo lang, kinakabahan ako… dahil wala na akong pera para sa pamasahe. Kaya nang nasa tapat na kami ng taxi, huminto ako at tumingin sa kanya. Napansin niyang nakatingin ako, kaya sabay niya itong sinabi— “Makakarating ba tayo sa bahay kung tititigan mo lang ang taxi?” inis niyang tanong. “Pero… wala na kasi akong pambayad sa taxi…” sabi ko. Bigla siyang nagtaas ng boses. “Tanga ka ba talaga, o sadyang ginagalit mo lang ako? Ilang beses ko nang sinabi sa’yo na huwag mo akong tatawaging kuya! Nananadya ka ba? Hindi kita kapatid!” Napayuko ako. “Sorry… Ford…” mahina kong sabi. “Pumasok ka na nga,” sabi niya, saka sumakay ng taxi. Nagmamadali akong sumunod. Bahagya siyang umusod para makaupo ako nang maayos. Maya-maya, umandar na ang taxi. Tahimik lang ako habang nakatanaw sa labas. Umaambon. At ang sama ng pakiramdam ko. Napansin kong may kinukuha si Ford sa bag niya, pero hindi ko na tiningnan. Baka magalit pa siya. Hanggang sa— bigla na lang may tumama sa braso ko. Napatingin ako. Isang puting payong. Napatingin ako sa kanya, pero hindi siya nakatingin sa akin—sa bintana lang. “Isuot mo ’yan. Baka mabinat ka pa,” sabi niya. Hindi man lang niya ako tiningnan habang sinasabi iyon. “Salamat…” mahina kong sabi. Hindi na siya sumagot. Hanggang sa makarating kami sa bahay, wala pa rin siyang sinasabi. Pagkababa namin, nakita kong nag-abot siya ng 200 pesos sa driver at hindi na kinuha ang sukli. Dere-deretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Sumunod ako. Pagpasok namin, nadatnan namin ang labandera. “Nasaan sila?” tanong ni Ford. “Naku, biglaan po ang out of town nina Mommy at Daddy n’yo. Hindi ko po alam kung saan, pero sabi ni Ma’am, mag-eemail daw siya sa’yo,” sagot nito. “Okay,” sabi lang ni Ford, saka pumasok sa loob. Sumunod ako agad. Diretso siyang umakyat sa kwarto niya. Ako naman, pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Biglang— “Pahingi rin ako.” Napalingon ako. Si Ford. Akala ko umakyat na siya. “O-Okay…” Agad akong kumuha ng baso at pitsel, pero nanginginig ang kamay ko. Tumatapon ang tubig. “Ako na nga,” sabi niya sabay agaw sa baso at pitsel. Siya na ang nagsalin. “Pasensya na…” mahina kong sabi. “Umakyat ka na sa kwarto mo. Nasusura ako kapag nakikita kita,” malamig niyang sagot, saka uminom ng tubig. Agad akong sumunod. Masama na talaga ang pakiramdam ko. Habang paakyat ako— biglang umikot ang paningin ko. Napahawak ako sa dingding. “nahihilo ka?” Napalingon ako. Si Ford. “Okay lang ako… aakyat na ako,” sabi ko. At dire-diretso akong umakyat papunta sa kwarto ko. Clinford James’ Point of View Maputla si Madey. Halatang may sakit. Kaya sumunod ako sa kanya—kahit kakasabi ko lang na nasusura ako kapag nakikita ko siya. Mabilis siyang umakyat. Pero nakita ko— muntik na siyang mawalan ng balanse. Napakapit siya sa dingding. “Nahihilo ka?” tanong ko. Nagulat siya nang makita ako. “Okay lang ako! Aakyat na ako,” sagot niya. At dali-dali siyang umakyat. Napabuntong-hininga ako nang makapasok siya sa kwarto niya. Madey’s Daddy’s Point of View “Sigurado ka ba, mahal, na okay lang na iwan natin ang mga bata na silang dalawa lang?” tanong ko sa asawa ko habang nag-aayos siya ng gamit namin sa maleta. “Huwag kang mag-alala. Malaki na si Ford. Hindi niya pababayaan si Madey,” sagot niya. Tumango ako. “Parang kinakabahan lang kasi ako… baka may mangyaring masama.” Umiling siya at niyakap ako mula sa likod. “Maniwala ka sa akin. Okay lang sila. Mas maganda nga ’to—para mag-bonding sila at mas magkakilala.” Tumango na lang ako. Clinford James’ Point of View Magpa-past seven na— pero hindi pa rin bumababa si Madey. At hindi ko alam kung bakit… naiinis ako. O… hindi mapalagay. Parang gusto kong puntahan siya. Baka kasi kung ano na naman ang ginagawa niya. Baka kausap niya na naman ’yung Hyun na ’yon. Kaya umakyat ako. At binuksan ang pinto ng kwarto niya. Madilim. “Bakit walang ilaw? Madey, nasaan ka?” tawag ko. Walang sagot. Kinapa ko ang switch— at pinindot. Biglang lumiwanag ang kwarto. At nakita ko siya. Nakahiga. Balot na balot ng kumot. Agad akong lumapit. Hinawakan ko ang noo niya— mainit. Sobrang init. May lagnat siya. “Mommy…” mahinang daing niya. “Siguro naaalala niya ang mom niya,” bulong ko. Maya-maya, dumilat siya. Nagulat nang makita ako. “Ford?” “May lagnat ka,” sabi ko. “Ganun ba? Okay lang ako… mawawala rin ’to,” sabi niya, sabay tangkang tumayo. Pinigilan ko siya. “Humiga ka lang diyan.” Halata ang gulat sa mukha niya. “Pero—” “Huwag ka nang umangal. Huwag ka nang mag ‘pero.’ Humiga ka lang diyan. Magluluto ako ng soup para makakain ka at makainom ng gamot.” Tumayo ako at naglakad palabas. Pero bago ako tuluyang makalabas— “Ford…” Napahinto ako. “Salamat, ha?” Humarap ako sa kanya. “Wag kang magpasalamat,” sabi ko. “Sisingilin din kita kapag magaling ka na.” At iniwan ko siyang tila naguguluhan. To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD