CHAPTER 5

1014 Words
Madey's Point of view.... Medyo okay na ang pakiramdam ko ng humigop ako ng soup na ginaWa ni mama na ininit naman ni ford. Sa totoo lang ang sarap ng pagkakaluto ng soup na iyon, naging refreshing ang pakiramdam ko ng mga sandaling ito. ''Okay kana ba?'' tanong ni ford matapos biglang pumasok sa kwarto ko. ''Oo salamat nga pala sa soup.'' sabi ko pa. Umismid naman ito saka dumiretso ng pasok sa loob saka ako hinawakan sa noo ko. ''hindi kana gaanong mainit, mabuti pa mag pahinga kana ng makapasok ka bukas.'' sabi nito sa akin na ikinatango ko pa nga. ''sya nga pala nag email si mom sa akin kanina. mga 2 or 3 days pa daw sila makakauwi, hindi ko na binanggit ang pagkakasakit mo, dahil ayokong mag alala pa sila sa iyo at saka okay ka naman na.'' sabi muli nito na ikina tango kong muli. Hindi na ako naka pagsalita pa, dahil mabilis na itong lumabas at naiwan akong mag isang nakahiga sa kwarto. ''I missed you mommy'' Na isa tinig ko kasabay ng pag tulo ng luha ko. Kasabay non ay ang pagpikit ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong maka tulog.. Clinford james Point of view... Sabay na kaming umuwi ni madey, dahil matapos ng huling klase ko ay dumiretso na ako at inabangan kona ito sa may room nito. Hindi dahil concern ako dito kundi yon ang bilin ni mom na intayin ko ito at sabay na kaming umuwi. ''hinihintay mo ako?'' gulat na sabi nito sa akin, matapos nya akong madatnan sa labas nila at nakasandal. ''hindi ba halata?'' inis na tanong ko dito, ayoko kasing nakikita ang mukha nito na para bang gulat na gulat nalang sa ginagawa ko. ''hindi naman sa ganun nagulat lang kasi ako.'' sabi nanaman nito sa akin. Kaya naman tumayo na ako ng tuwid at at saka nag umpisa na akong maglakad.. Hanggang sa mapahinto ako ng marinig ko ang isang tinig na tinatawag si madey, lumingon ako upang masiguro kung tama nga ang hinala ko, at di nga ako nagkamali, si hyun tumatakbong palapit kay madey habang pawis na pawis at naka jersy pa, halatang halata na galing ito sa paglalaro, Kaya huminto rin ako at tinignan sila at masayang nagbabatian. ''hyun, kamusta ka Naglaro ka?'' tanong ni madey na agad namang tinanguan nito. ''Oo kakatapos lang, at saka kami ang nanalo.'' masayang sabi nito. ''wow,, talaga? Congrats.. Nga pala bakit ka napunta dito sa building namin?'' tanong nito. Nakita kong huminga muna ng malalim si hyun bago sumagot. ''ahh gusto kasi kitang makita at kamustahin kung okay ka, sabi ko kasi sayo nung umuwi ka tawagan mo ako, pero namuti na ung mata ko kakatingin sa telepono namin, pero di ka parin tumatawag.'' may tampong sabi nito, na dahang dahang ikina nganga nito dahil sa pagka gulat. ''nakakagulat ba yung sinabi ko?'' tanong muli nito.. ''naku hindi naman, medyo lang, di ko lang akalain na hihintayin mo talaga yung tawag ko'' namumulang sabi ni madey. Kaya naman sa hindi ko malamang dahilan na bwisit ako at umalis na ako ng hindi nito namamalayan... Mabilis akong sumakay ng taxi pero ng pasara na ako ng pinto ng may humarang na kamay, pag tingin ko si madey hingal na hingal habang nakatayo... ''bah~ bhakit mo nahman ahko iniwan?'' hingal na hingal na sabi nito... Pero imbis na sumagot tumingin nalang ako sa kabilang bintana, narinig kong napa buntong hininga ito bago tuluyang sumakay ng taxi.. Madey's point of view... Tahimik kami ni ford habang nakasakay sa taxi, akala ko talaga okay na kami ni ford pero nagkamali ako. Hanggang sa makauwi na kami at sabay na bumaba, agad kong nakita si mama na palapit sa amin at agad kaming kina musta. ''kamusta ang pasok nyo? Hindï ba sumakit ang ulo mo madey?'' tanong nito na inilingan ko. ''Okay na okay na po ako mama.. Si dad po nasan?'' tanong ko dito.. ''mabuti naman kung ganun, yung dad mo umalis may ka meeting daw sya.'' sabi nito saka binalingan si ford na dire diretso na palang umakyat sa kwarto nito. ''nagalit nanaman ba?'' tanong ni mama. ''hindi naman po siguro.'' sagot ko Saka ako nagpaalam na magbibihis na... Tumango naman ito kaya mabilis akong umakyat para maka pag bihis na... At nang maka pag bihis na ako ay agad akong bumaba para makakain na, nadatnan ko si ford na nasa lamesa na at kumakain. Agad naman akong umupo at nag sandok ng pagkain Makalipas ang ilang sandali, lumapit sa akin si manang. ''ahmm, madey may tawag ka.'' sabi ni manang na ikina kunot ng noo ko. ''ako po? Sino daw po?'' tanong ko. ''hyun daw.'' sabi nito. ''ahh okay po! Salamat po.'' yun lang ang sinabi nito saka tuluyang umalis, Patayo na sana ako ng bigla akong nagulat ng padabog na ibinagsak ni ford ang kutsara nya. ''bakit?'' tanong ko pero di ito sumagot kaya di kona ito pinilit na sumagot. Tumayo na ako at pumunta sa sala para sagutin yung telepeno. ''hello?'' mahinang sabi ko, saka ako dahang dahang sumandal sa may dinding... ''Oo okay lang ako, ikaw kamusta?'' sabi ko matapos nito akong tanungin. ''bukas? Sige titignan ko kung makakapunta ako..'' sabi ko, dahil inimbita ako nito na manood ng practice game nila. Nang biglang may nagsalita sa gilid ko, pag tingin ko si ford naka pamulsang naka tingin sa akin. ''ibaba mo ang telepono.'' utos nito na ikinakunot ng noo ko. ''pero may kausap pa ako ford.'' reklamo ko dito, saka ako tinignan ng masama. ''ibaba mo, may tatawagan ako.'' malakas na sigaw nito, na nagpa pitlag sa akin. ''sandali lang mag papaalam lang ako.'' sabi ko dito pero bigla nitong kinuha sa kamay ko ang phone at balagbag na ibinaba nito. ''sabi ko may tatawagan ako..'' sigaw nito kaya naman sa sobrang sama ng loob ko ay tumakbo ako paakyat sa kwarto ko.. Saka ako mabilis na sumubsob sa kama ko.. ''bakit ba ang sama ni ford sa akin? Ano bang mali sa mga ginagawa ko?'' tanong ko sa sarili ko... To be continue.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD