Madey's Point of view..
2 day's Later.
Dalawang araw na ang lumipas pero masama parin ang loob ko kay ford.
Kanina ng pumasok kami, ako na ang nag sabikay mama na di na ako kailangan pang ihatid ni ford sa school, at saka pumayag na rin ito na di kona tatawagin na kuya pa si ford.
Pumayag naman ito kahit halatang halata naman dito na labag sa loob nito ang sinabi ko.
Kaya matapos kong kumain kinuha ko agad ang bag ko saka ako magalang na nagpaalam kina mama at daddy....
Kasalukuyan na akong naglalakad ng may bike na huminto sa harapan ko, agad kong tinignan kung sino ung humarang na iyon at doon nakita ko si hyun naka uniform ng pang basketball habang nakasakay sa bike...
''good morning'' bati nito sa akin, kaya binati ko narin ito kasabay ng isang ngiti...
''Gudmorning din, pupunta ka sa practice nyo?'' tanong kopa dito.
''Oo pero mamaya pa naman yon mga ten pa.'' sabi nito saka ngumiti at kumamot ng ulo.
''eh mamaya pa pala ang practice nyo eh bakit ang aga mo naman ata?'' tanong ko dito, nakita ko namula ang mukha nito saka tumingin sa relo at sa akin.
''ang totoo kasi nyan madey, inalam ko ang oras ng pasok mo tapos nag baka sakali ako na makikita kita. At eto nga na tyempuhan agad kita..
''talaga? Pero bkit mo naman ginawa yon? Saka akala ko ba tennis club ang pinasukan mo? Pero parang sa basketball ka ata bising busy??'' tanong ko dito.
''ahh yun ba? Dalawa kasi ang club na pinasukan ko. Pero tama ka mas naka focus ako sa basketball.'' sagot nito.
''aaahhh.'' yun nalang ang tangi kong nasabi.
''gusto mo bang sumakay sa bïke? Ako na maghahatid sayo sa school.'' offer nito na agad ko namang inilingan.
''Naku ayoko di ako marunong umangkas.'' sabi ko pa dito.
Nakita ko itong bahagya itong natawa, kaya naman napa nguso ako.
''madali lang humawak ka lang sa damit ko.'' sabi nito sa akin, hindi kona nakuha pang tumanggi kasi pinilit ako nito saka ayoko na maabutan pa ako ni ford na naglalakad kaya naman sumakay na ako sa likod nito saka ako kumapit sa jersy nito.
''kapit ka lang aandar na tayo.'' sabi nito saka ito nag umpisang pumadyak.
Alam kong bata pa ako sa idad na trese pero kinikilig talaga ako ngayon...
Clinford james Point of view..
Alam kong masama ang loob ni madey mula ng magalit ako dito at agawin ko dito ang telepono...
Pero okay lang wala naman akong pakielam dito..
Napansin kong maaga itong tumayo at nag ayos para sa pag pasok, yun pala dahil mag papaalam na ito kay mommy na sya nalang ang mag isang papasok na talaga namang ikinatuwa ko.
Pabor sa akin yon at gusto ko yon, kaya naman ng mauna itong pumasok ay napangiti ako, pero yun lang parang may mali sa nararamdaman ko, agad ko naman iyong di pinansin, nag ayos na ako at maya maya din ay umalis na ako at sumakay ng taxi, ng makita at madaanan ko si madey naka tayo at may kausap na lalaki s hyun maya maya nakita ko sumakay ito at yumakap pa sa likod ni hyun. Ewan ko ba kung bakit tila nag init ang ulo ko, siguro dahil sa pagpapalusot nito kay mommy para lang makasabay nya ang kababata nya.
Ilang sadali lang Nalagpasan na namin ang mga ito kaya naman kinalma kona ang sarili ko, hanggang sa makarating na ako sa school.
At ngayon nga katatapos lang ng dalawang subject ko, at breaktime na kaya nag punta na ako sa canteen para kumain ng makita ko si madey nakaupo ito sa isang upuan at tahimik na umiinom ng soft drinks..
lalapit na sana ako ng biglang dumating si hyun, tama si hyun nanaman bakit ba lagi nalang silang magkasmang dalawa? kaya naman sa sobrang inis ko dito lumapit ako dito at kinompronta ko ito.
''hoy anong ginagawa mo dito? Ang layo naman ata ng canteen ng senior para sa isang juniors na gaya mo?'' inis na sabi ko na ikinagulat nito.
''anong ginagawa mo dito?'' gulat na tanong nito na ikinatawa ko.
''dito ang canteen namin, kaya ikaw ang tatanungin ko bakit ka naririto at may kasama ka pang lalaki?'' tanong ko. Nakita kong tila naguluhan ito at di malaman ang sasabihin.
Halatang guilty.
''pinag aaral ka nila dad at mom hindi para makipag harutan sa kababata mo.'' sabi ko ng biglang tumayo si hyun at malakas na sinigawan ako, na nagpapantig ng tenga ko..
''parang mali naman ata ang pananalita mo?'' sigaw na sabi nito.
''wag kang makisali sa usapan namin.'' malakas na sigaw ko dito, nakita kong napatayo si madey at sabay awat...
''tama na...'' impit na sigaw nito saka hinarap si hyun at nakiusap na tumigil na..
''Pasensya na madey.'' sabi nito saka yumuko at kinuha ang bag nito at ni madey saka iginiya ito papalabas ng canteen...
Napakuyom naman ang kamay ko habang habol habol ko ng tingin ang mga ito...
Ano bang nangyayari sa akin? Mahinang usal ko bago ako lumabas ng canteen.
Wala na rin kasi akong gana pang kumain...
Hyun's Point of view...
hinila kona si madey sa step brother nito bago kopa hindi mapigilan ang sarili ko at mapatulan ko ito.
Dinala ko sya sa cottage ng school kung saan ilan ilan lang ang mga istudyanteng andon.
''pasensya na kanina hyun, ganun talaga ang anak ng step mom ko.'' mahinang sabi nito. Tumango naman ako at pinakita kong naiintindihan ko ang sinasabi nya..
''pero sana next time wag mong hayaan na ganunin ka ni james kasi baka di kona mapigilan ang sarili ko mapatulan ko na sya.'' sabi ko, nakita kong tumango ito kaya di na ako nagsalita pa.
Ilang Sandali lang kami tumambay sa cottage, tapos hinatid kona ito sa room nila, maraming nakapansin sa akin at agad akong nakilala, kaya alam kong uulanin ito ng tanong ng mga ka klase nito kung bakit kami magkasamang dalawa.
Medyo malayo layo na ako ng tanawin ko si madey,
Natanawan ko ang pag kaway nito sa akin kaya naman ginantihan ko narin ito ng kaway bago ako tuluyang lumayo at umalis..
Papunta na ako sa school building namin ng may tumawag sa akin at pag lingon ko si james pala naka tingin sa akin habang nakatayo at naka pamulsa nakasandal sa poste ng waiting area.
''anong ginagawa mo dito?'' tanong ko dito, maya maya tumayo ito ng maayos at hinarap ako.
''bakit pag aari mo ito? Dito ang building na pinapasukan ko.'' pabalang na sagot nito, medyo nag init ang ulo ko pero pinigilan ko ang sarili ko na magalit kaya naman tumalikod na ako upang maka layo dito.
Nang biglang itong nagsalita, hindi pasigaw hindi rin patanong, basta parang tinawag lang yung tipong lumingon kat hindi, okay lang.
Pero sa hindi malamang dahilan nilingon ko ito at tinanong....
''bakit? May gusto ka bang sabihin?'' tanong ko, pero parang wala naman itong gustong sabihin kaya tatalikod na sana ulit ako, pero gaya kanina nagsalita ito.
''Si madey!'' sabi nito saka huminto sa sasabihin.
''anong tungkol kay madey?'' tanong ko pero natagalan ito bago sumagot..
''pwede ba sabihin mona ang gusto mong sabihin kay madey ng maka alis na ako.'' inis na sabi ko.
''layuan mo si madey, hindi ko gustong naka dikit ka ng nakadikit dito...'' mahinahong sabi nito na ikinainis ko, pero bago ako naka react nakatalikod na ito at lumalakad na palayo.
To be continue.......