CHAPTER 7

1218 Words
Madey's Point of view.... One week later. Nasa kuwarto ako pero dinig na dinig ko ang galit na galit na tinig ng Step Mom ko, kaya naman dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at bumaba, nadatnan ko si Mama nakatayo habang sinisigawan nito si Ford. ''Ano ba ang pumasok sa utak mo Ford at nagbalak kang doon na lang mag-aral sa America.?'' gigil na gigil na tanong ni Mama kay Ford! Bahagya akong nagulat sa balitang narinig ko, si Ford balak na umalis at 'don sa America mag-aral, pero bakit? Dahil ba sa akin? Dahil ba hindi niya talaga ako matanggap? Tahimik na tanong ko sa sarili ko bago ko nakitang tumayo rin si Ford. '' 'Mom, gusto ko po talagang mag-aral sa America, 'don muna ako kina Untie Fely matagal naman na po niya akong inaalok na 'don na muna mag-aral. Saka Mom please pag isipan n'yo five years lang ako 'don tapos promise babalik na ako dito sa inyo.'' sumamong sabi nito bago tuluyang tumalikod at lumapit sa akin kung saan naka tayo ako sa may hagdan. Bahagya itong huminto at tumingin sa akin saka bumulong. ''Magsaya ka hanggat wala ako.'' yun lang ang sinabi nito bago tuluyang umakyat. Nakita kong napaupo si Mama sa upuan, habang ala-alalay ni Dad. ''Madey, sa 'taas ka muna may pag uusapan lang kami ng Mama mo.'' utos ni Daddy sa akin. Agad naman akong sumunod dito at tahimik na umakyat, nakita kong bukas ang pinto ng kuwarto ni Ford kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa kwarto at bahagyang kumatok. Lumingon si Ford at agad na sumimangot ng makita ako, sabagay wala namang bago 'don. ''Umalis kana, wag kang istorbo.'' sabi ni Ford sa akin, pero imbis na umalis ay pumasok pa ako lalo sa kuwarto nito, nakita ko ang pag-galaw ng muscle sa panga nito ng 'di ko ito sinunod. Bahagya tuloy akong natakot. ''Dahil ba sa akin kaya ka aalis?'' tanong ko dito, narinig kong natawa ito saka ako hinarap. ''Tina-tanong mo ako kung ikaw ang dahilan ko kung bakit ako aalis?'' may pagka sarcastic na tanong nito sa akin, bahagya tuloy akong namula. ''Gusto ko lang sana kasi malaman ku****'' hindi ko natapos na sabi dahil nag salita muli ito. ''Nagpapatawa ka? Ikaw? Eh wala nga akong paki sayo tapos ikaw pa magiging dahilan?'' sabi nito na ikina pula ko tama nga naman ito, ano ba naman kasi ang pumasok sa utak ko at nasabi ko yon. Napahiya pa tuloy ako. ''S~sorry'' mahinang sabi ko saka ako ambang tatalikod ng muli itong nagsalita... Pero hindi kona ito hinarap basta huminto nalang ako at nakinig sasasabihin nito.. ''magpakasaya ka hanggat wala ako dito, dahil pag balik ko sinisiguro ko lahat ng hindi ko magugustuhan ang gagawin ko.'' sabi nito na ikina tingin ko dito. ''ano bang mali ko? Ano bang kasalanan ko at galit na galit ka sa akin?'' tanong ko dito, pero tinalikuran na ako nito habang nagsasalita.. ''dahil anak ka ng napangasawa ng mom ko.'' sabi nito habang nakatalikod.. ''ano? Pero bakit naman?'' tanong ko pero isang matalim at galit na mata ang nakita ko ng humarap ito.. ''hindi ko kelangang magpaliwanag sayo, lumabas ka ng kwarto ko madey..'' sigaw nito na nagpaigtad sa akin. Madey's Point of view..... Lumipas ang ilang araw, nakahanda na ang lahat ng mga gamit na dadalin ni ford para sa pag alis nya, napapayag din kasi nya si mama na sa america na ito mag aaral... Medyo nakakailang isipin pero nalulungkot ako hindi ko alam kung bakit, pero siguro dahil baka ma mimiss ko ang kasungitan nito, nakakatawa diba pero hahanap hanapin ko na siguro ang araw araw na kasungitan nito...... Nakita ko nagpapa alam na si ford kina mama, di na ako tuluyang bumaba, ayokong ma badtrip pa si ford bago umalis.. Kaya umakyat nalang ako at humiga saka pumikit.. Paidlip na ako ng maramdaman kong may pumasok sa kwarto ko, di na ako nag abala pang dumilat marahil si dad lang iyon, para sabihing naka alis na si ford... Pero teka bakit di parin nagsasalita si dad?? Tanong ko sa sarili ko kaya naisipan ko ng dumilat... Laking gulat ko at agad akong napaupo sa kama, si ford naka tayo sa paanan ng kama ko, pero bakit? Kala ko umalis na ito? ''akala ko umalis kana?'' tanong ko saka ko hinila ang kumot patakip sa dibdib ko. Naka sando lang kasi ako at walang bra. ''kung naka alis na ako hindi mona ako kausap ngayon at nakikita.'' pambabara nito.. Tama naman kasi talaga ito. ''pasensya na, pero bakit ka narito? May sasabihin kaba?'' tanong ko kay ford.. Hindi muna ito sumagot pero lumakad ito papalapit sa akin saka ito umupo sa gilid nang kama ko... Na nagpa atras sa akin sa head board ng kama.. ''Oo may sasabihin ako.'' mahinang sabi nito saka ngumitï. For the first time ngumiti rin, kala ko poker face lang ang alam nitong mukha eh. ''A~ano i~i~iyon?'' bulol bulol na sabi ko.. ''gusto ko lang sabihin na aalis na ako, siguro ang saya mo ngayon tama? Pero ito lang sasabihin ko sayo magpakasaya kana sa loob ng limang taon, dahil pag balik ko makikita mo.'' putol nito saka ngumiti sa akin.. ''pinagbabantaan mo ba ako?'' tanong ko dito pero hindi ito sumagot tumingin lang sa akin saka nag salita.. ''may gusto lang akong malaman, anung klaseng lalake ang gusto mong makatuluyan si hyun ba?'' tanong nito na nagpakunot ng noo ko. ''paano napasok si hyun sa usapan natin?'' tanong ko dito.. . ''sumagot ka nalang..'' sigaw nito... ''bakit kaba naninigaw dyan? Hindi ko alam pero ang firstkiss ko ang gusto kong maka tuluyan ko.'' sagot ko sa tanong nito sa akin. . ''kung ganun nahalikan kana nya?'' tanong nito na nagpalaki ng mata ko kasabay ng iling ko. Nakita kong napangiti ito sa akin. ''mabuti kung ganun? Mag aral kang mabuti, si mama alagaan mo! At saka si hyun ayokong sumasama ka sa kanya at ayoko din na sumasakay ka sa bike nito.'' sabi nito. ''pero bakit? kaibigan ko si hyun.'' sagot ko dito na nagpasimangot dito... ''wala akong paki kung sino sya... Kung di ka susunod sa akin mapipilitan akong parusahan ka.!'' sabi nito sa akin, na ikinainis ko. ''hindi kita susundin, aalis kana nga puro pa bawal ang mga sasabihin mo! Hindi ako lalayo kay hyun kahit magalit kapa.'' sabi ko na ikinangiti nito. ''edi hindi.'' yun lang ang sinabi nito saka walang sabi sabing hinalikan ako, na ikinasandal ko sa headboard ng kama at ikinalaki ng mata ko. Maya maya lumayo ito at nginitian ako. ''pano ba yan? First kiss mo ako pero di naman tayo pwedeng magkatuluyan? Pano yan edi hindi kana makakapag asawa?'' nakangiting sabi nito.... ''bakit mo ginawa yon?'' sabi ko na ikinibit balikat lang nito Saka tumayo. ''sabi ko sayo diba paparusahan kita? Yan ang parusa mo okay ba?'' sabi nito sa akin... ''ang sama mo!'' tanging nasabi ko sabay tulo ng luha na pinahid ko agad. ''gaya ng sabi ko sayo kanina mag aral ka at alagaan mo si mama... At pag balik ko gusto ko mataas ang grado mo kung hindi paparusahan nanaman kita okay ba?'' yun lang ang sinabi nito saka tuluyang lumabas ng kwarto ko, habang ako naiwang naka tulala at nakatingin lang sa pinto ng kwartong nilabasan ni ford... To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD