Madey's Point of view. Mula ng gabing mag talo kami ni Ford ay iniwasan ko na ito. Ganun din naman ito marahil naisip niya na mali ang mga ginagawa niya kaya tamang mag iwasan na lang kami. Habang kami naman ni Hyun ay patuloy lang sa paglabas-labas, at ganun din naman si Ford at Xiane. Sana maging okay na rin kaming lahat at wala na talagang maging problema sa pagitan naming dalawa. Sa ngayon ginabi na kami ng uwi ni Hyun, kaya di ko napansin ng makaidlip ako sa kotse nito, dahil na rin siguro sa sobrang pagod ko. Inaamin ko na nag eenjoy ako at nagiging masaya ako dahil napaka sayang kasama ni Hyun, malambing kasi ito at palatawa. Hindi ako nito hinahayaan makaramdam ng pagkabagot sa bawat lakad namin. Pero kahit ganun pumapasok pa rin sa isip ko si Ford dahil tila hinahanap ko ang

