Clinford james Point of view Alam kong hindi ko na kaya, kaya naman ng alalayan na ako ni Stanley para umuwi ay sumama na ako at di na tumanggi. Dahil sa totoo lang hilong hilo na ako kaya ipinikit ko nalang ang mata ko, hanggang sa maramdaman ko nalang na inaalalayan na pala ako nito palabas ng kotse. kaya naman pinilit kong aninagin ang paligid ko para malaman ko kung nasan na ako. Nasa tapat na pala kami ng bahay ko. Naramdaman ko at narinig ko ang Pagkatok ni Stanley sa bahay kaya muli dumilat ako at doon ko nakita si Stanley nakatingin sa lintek na mukha ni Madey, kaya kahit nahihirapan ako inangat ko ang kamay ko at binatukan ko ito saka ko ito tinignan ng masama. Alam ko na alam na niya ang ibig kong sabihin sa tingin na yon, kaya naman panatag na akong pumikit at nag patangay

