KABANATA 1: The Accident
KABANATA 1: The Accident
Isang lugar somewhere in remote area:
Isang babae na nasa sampu pa lang ang edad ang makikitang umiiyak habang nagmamadali siyang nagtitipa ng numero sa cellphone niya. Sa pangatlong subok niya sa pagtawag niya sa mommy niya ay sumagot na ito.
“Hello, mommy,” hilam ang mga mata ni Nenita habang nagsasalita.
“Oh, anak, what is it? Why are you crying? Bakit hindi pa kayo bumabalik ni Sofia? Isang oras na ang nakalipas, ah?” tanong ng nag-aalalang si Mrs. Rhonda Menesse, ang ina nila ng kambal niyang si Sofia Menesse, habang ni-loud speaker ni Mrs. Rhonda ang volume para pati ang asawa niyang si Mr. Edgar Menesse ay makarinig sa pag-uusap nila ng kanilang anak.
“M-mommy, n-nahulog sa bangin si Sofia,” Nenita answered sobbing badly.
“What!? Oh my gosh! Paano nangyari iyon?” This time, si Mr. Edgar na ang nagsalita.
“Kapwa kami naglalaro sa Bundok Tala nang madulas si Sofia at nahulog sa bundok. Please, pumunta na po kayo rito agad, mommy. Narito kami sa Bundok Tala malapit lang sa bahay natin. Dalian ninyo po,” umiiyak pa ring sabi ng batang si Nenita.
Soon, may isang ambulansiya at helicopter ang dumating. The helicopter went down at kinuha ang hindi makilala at duguang si Sofia Menesse.
Agad nilang inilagay sa stretcher ang kanyang katawan at agad na umalis.
KINABUKASAN
Marami ang nagsidatingang mga news reporter sa paligid ng ospital. Naka-blocked sila para hindi makapasok sa tulong ng pagbabantay ng mga pulis.
Ilang sandali lang, nang makita ng mga reporter ang puting Lambourghini ng pamilya Menesse, agad silang nagsilapitan dito. Mabuti na lang at todo bantay ang mga bodyguards at pulis kaya naiwasang pagkaguluhan si Mr. Edgar Menesse. Ngunit may isang reporter ang nakapasok at agad na nilapitan sina Mr. Edgar at Mrs. Rhonda na papasok sana sa ospital. May hawak itong phone habang nagsimulang mag-record.
“Sir! Sir one moment please. Totoo ba that the young star actress at singer na sumikat sa numerous movies ay naaksidente ngayon?”
Napatigil si Edgar at sinagot ang lalaking news reporter.
“Tama ka. One of my precious daughter met an accident today. Hindi ko pa alam ang kondisyon ni Sofia ngayon.”
“Will she be okay?” tanong ng lalaki, still persisted.
“I don’t know. I can’t answer that question now.” Dahil doon, mabilis na iniwan ni Edgar ang lalaki at pumasok sa ospital kasama ang asawa.
NAG-REQUEST ang naka-in charge na duktor na pumunta kaagad ang pamilya Menesse sa opisina.
“Ano bang ginagawa ng kambal mo sa Bundok Tala na sila lang ang magkasama? May iba pa ba silang kasama? Kasi kung may kasama sila sa Bundok Tala, hindi ito mangyayari. Ngayon, bakit dalawa lang sila ang naroon?” tanong ni Dr. Samuel kina Edgar.
“Hindi namin alam at wala kaming kaalam-alam na pumunta pala sila sa Bundok Tala para maglaro. We thought they were at the back of the house. Okay na ba si Sofia?” tanong ni Edgar sa nag-aalalang tono habang ang asawa niya, si Rhonda, nakaupo lang sa tabi niya at umiiyak.
“Okay lang naman siya. Ngayon ay gising na si Sofia but it still baffles me na makaka-survive si Sofia sa taas ng kanyang pagkahulog,” nakangiting ani ng duktor na si Samuel.
Napabuntong-hininga naman sina Edgar ng kanilang hangin sa baga na hindi nila alam ay kanina pa pala nila pinipigilan. Ngumiti rin sila sa duktor.
“Pero I’m sorry to say this, hindi siya namatay sa taas ng kanyang pagkakahulog at nagpapasalamat tayo kay Jesus, but some of her body won’t be the same again,” dagdag ni Samuel. Naglaho ang mga ngiti kina Edgar.
“What do you mean, doc? Won’t she be able to walk again?” tanong ni Rhonda na ngayon ay sinabi ang kinatatakutan niyang mangyari.
“Sana nga po ay iyan lang ang kaso para ma-regain siya but it’s not. More than that, ma’am,” sagot ni Dr. Samuel.
“Then what is it?” segunda ni Edgar.
“Sofia Menesse lost her sight.” Finally, nasabi din ni Samuel ang nais sabihin.
“Hindi kita maintindihan dok. Please, elaborate.”
“Nabulag ang anak ninyong si Sofia. And no, walang operasyon ang makakapag-opera dito. Sa tingin ko’y nauntog ang ulo ni Sofia sa mga bato nang ilang ulit habang nahuhulog siya sa bundok.”
“Jesus! Hindi ito dapat mangyari. How can Sofia be blind? Is there nothing we can do doctor? Wala kaming pakialam kung magkano basta pagalingin ninyo ang anak ko,” humahagulhol na wika ni Rhonda.
“I’ m sorry but there is absolutely nothing that can be done in her condition now, at isa pa, ang impact nang pagkauntog ng ulo niya habang papailalim sa bundok ay sadyang malakas. It made her larynx o ang voice box niya na ma-damaged din. Hindi na rin siya makakapagsalita ngayon. Like I said, I am still shock she survived that fall. Hindi nasira ang mga buto niya. Parang milagro ang nangyari. I guess this is the time she will need you both most. At sa inyong pagmamahal at suporta, sa tingin ko ay makakaya niyang tanggapin ang lahat ng ito.”
“Okay, doc. Maraming salamat po sa tulong ninyo. Can we see her?” Si Rhonda.
“Sure. Follow me,” wika ni Dr. Samuel and he took them to the ward Sofia was. Doon ay naka-bandaged si Sofia. Her throat that was s***h before had been stitched.
KASALUKUYANG nanonood si Nenita ng TV sa kanyang living room habang nakaupo siya sa sopa. Nanood siya ng mga latest news. Hindi naman identical sina Nenita at Sofia kaya madali lang ma-differentiate ang isa sa kanila.
“We just got an information from an insider who confirmed that Sofia, the star reality child was met with a terrible accident, the insider also informed us that the accident she had has rendered her blind and her voice box was damaged permanently. In case you don't know the accident victim, she is the popular child actress who rose into fame in a TV reality show “Little Sofia Show” where it was widely known to the billions of viewers how melodious her voice was. Not only is she good at acting, she is also good at singing. Her twin sister Nenita, famous for music, hasn't been seen since Sofia’s accident. We do hope and pray that the trial moment for our young celebrity reality actress should pass her by.” The TV news reporter said.
Narinig ni Nenita ang parating na kotse ng pamilya niya kaya dali-dali niyang in-off ang TV. Agad siyang tumakbo sa itaas kung saan naroon ang kanyang kuwarto—kuwarto pala nila ni Sofia—pero dahil wasak na ang career nito, sa kanya na iyon. Nag-pretend si Nenita na natulog.
Tahimik naman na pumasok si Rhonda sa kuwarto at nakitang natutulog si Nenita.
She gently woke her up. “Nenita, gising na.”
Nenita opened her eyes in and yawned out loudly in pretence.
“Mommy, okay na po ba ang twin sister ko?” tanong ni Nenita sa kunwaring concern na tono.
Umiyak naman si Rhonda dahil doon. “Hindi ko alam anak kung gagaling pa si Sofia. The fall she had damaged her eyes sight at nakaapekto din iyon sa boses niya. Sinabi ng duktor na hindi na siya maaaring makakanta o makakita. Palagi ko ngang tinatanong ang sarili ko kung bakit hindi nadurog ang mga buto niya nang mahulog siya sa bundok. Nakakapagtaka lang.”
“`Wag kang mag-alala mama, I am here for you and daddy. I will make you guys proud,” wika niya at niyakap ang sariling ina.
DUMAAN ang mga araw at na-discharged na si Sofia sa ospital noong nakaraang buwan. Inalis na rin ang stitch sa lalamunan niya pati sa ulo.
Naka-wheel chair na lang ngayon si Sofia habang ang mommy niya namang si Rhonda ay hinaharang ang mga reporter na nagtatanong sa kalagayan ni Sofia. Kapag nasa bahay si Sofia, wala pa ring nagbago. Bulag pa rin siya at pipi. Bawat araw palaging nalulungkot si Sofia sa sinapit niya kapag nag-iisa siya. Lumuluha sa sinapit. Hindi makapaniwala. Dahil nga hindi siya makakita at makapagsalita, pakiramdam ni Sofia ay hindi siya belong sa pamilya. She feels dejected. Although even with the state of her blindness, alam niya pa rin kung paano siya gumalaw-galaw sa bahay. She knows her way round the house.
Tuloy palagi siyang naiiwan ng magulang niya para sa kambal niyang si Nenita sa isang TV show, Little Nenita Show. Lahat ng trabaho niya ay nawasak na lang bigla. At dahil wala na siyang pag-asa, inilipat ng mga manager niya ang show at movies niya sa kambal niya. Kaya halos hatinggabi na kung makauwi sina Edgar at Rhonda dahil hindi nila maiwan-iwan si Nenita sa mga appointments nito. Sa tuwing uuwi sila Edgar, nakatulog na ang isa pa nilang anak na si Sofia.
Hindi naging madali para kay Sofia ang mamuhay ng bulag at pipi. Kumbaga nag-a-adjust siya sa bagong buhay na mayroon siya. Ngunit sa pagdaan ng mga araw, naging bukal sa kanyang kalooban na tanggapin ang kanyang kapalaran. In fact she was happy because God gave her another life. And that’s the best gift she receive. Sofia remains kind and a good daughter to her parents. Pero dahil santa-santita ang kapatid niyang si Nenita, gumawa ito ng plano para mapatalsik siya ng tuluyan.
Nag-request si Nenita na doon lang muna si Sofia sa kabilang kuwarto, sa maid’s room because Nenita can’t stay with her twin in the same room. Agad namang sumang-ayon doon ang kanyang mga magulang.
Sa paglipas ng mga araw, hindi na nakayanan ni Edgar na asikasuhin si Sofia kung kaya’t tinawagan niya ang mommy niyang si Star Menesse na pumunta at isama na si Sofia sa bahay ng matanda.
Dahil sa kilalang mabait si Star, kinuha niya sa poder nila Edgar si Sofia.
“Nadi-disappoint ako sa inyo, Edgar.” Itago man ni Star ang galit niya ay hindi niya mapigilang ilabas iyon.
“Mama, iyon kasi ang wish ni Nenita. She doesn’t want her friends o ang kanyang fans na ma-redicule siya tungkol sa kambal niya na isang bulag at pipi. Intindihin ninyo naman kami, mama.” Sinubukan ni Edgar na ipakita sa mama niya ang tunay na rason. Samantala, nakikinig lang si Nenita sa pag-uusap ng lola at daddy niya. Nakangisi pa ang bruha.
“Hiling ko lang na hindi ninyo pagsisisihan itong ginawa ninyo kay Sofia ngayong araw, Edgar. Isang araw, mare-realised ninyo ang inilibing ninyong kamalian at desisyon. Mark my words. Sana lang kapag dumating ang araw na iyon, hindi pa huli ang lahat.” Sinungitan niya si Nenita at hinawakan niya ang kamay ni Sofia at agad silang pumasok sa kotse. Umiiyak lang sa buong sandali si Sofia habang nagmamaneho sila patungong Caloocan.
Lumabas sa pinagtataguan si Nenita. “Dad, Mom, since hindi na babalik ulit si Sofia, from now henceforth, ayoko ng magkaroon ng kambal na katulad niya, okay.”
“Pero malalaman ng mga tao at mga fans mo na kambal mo si Sofia at alam nila na buhay si Sofia,” ani Rhonda.
“Hayaan ninyo po ang lahat sa akin.”
The following day, the whole TV station talked about the sudden death of Sofia.
Itutuloy...
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───