*** Dalawang buwan na ang nakalilipas simula nang matalo ako sa isang motor racing at magkaroon kami ng deal ng mga barkada ko. Akala ko ay hindi ako makakapag-graduate dahil doon pero mali, ngayon araw na ito mismo ay ang graduation namin. Sa tuwing lumalapit ako kay Mrs. Perez para gawin ang deal namin ng mga barkada ko ay sobra iyong takot na nararamdaman ko dahil bukod sa mga sasakyan at condo ko ang malalagay sa panganib ay kasali rin doon ang pag-aaral ko, iyong posibilidad na baka ibagsak ako ni Mrs. Perez sa subject niya dahil masyadong foul iyong nagawa ko. "Villaflor, Zarina B. The Summa c*m Laude!" Malalakas na palakpakan ang bumalot sa buong gymnasium nang malakas at tila proud na proud na banggitin ng emcee ang pangalan ko at ang mataas kong award. Rinig ko rin ang siga

