Chapter 21: Nikolai

1769 Words
Going home after three days at the hospital made me sigh in relief. Lihim sa mga kaibigan ko, I dreaded being in a hospital. Takot ako na dahil sa physical examination na maaari nilang gawin sa akin ay malalaman ng lahat ang pinakatatago kong sikreto. Back when I was a child, ang doktor ang nagtutungo sa tahanan namin para sa monthly check ups naming magkapatid. Palagi kong naririnig noon na delikadong lugar ang ospital para sa akin dahil sa kalagayan ng katawan ko. Ang takot ng Mommy ko at ang galit mula sa ama ko ang tumimo sa aking munting isipan at tanging siyang natitirang alaala ng kabataan ko. I was home schooled too unlike my older brother who was sent to a private school. Noong mag-high school lang ako nakapasok.sa eskwelahan at sa loob ng isang taon, naranasan ko ang ma-bully dahil sa pagiging tahimik ko. Mabuti na lang at nakilala ko si Pavel sa sumunod na taon at kahit papano, naging normal ang buhay high school ko. "Niko, are you ready?" Napalingon ako kina Pavel at Jethro na may tig-isang hawak na handle ng suitcases na kinalalagyan ng mga damit ko. "Yeah." Tumango sila sa akin at lumabas na ng silid. Nasa magkabilang side ko sila habang naglalakad kami patungo sa elevator samantalang nasa harapan namin ang isa sa mga tauhan ng ama ni Pavel habang nasa likuran naman ang isa pa. "You don't have to worry, you know. Wala kang madadatnang Viktor sa bahay. He's busy with his punishment. Pag-uwi naman niya, siguradong tulog ka na. At tulog ka pa kapag papasok na siya. Hindi siya makakalapit sa'yo," paniniyak sa akin ni Jethro. "Well, kahit naman nandun siya, hindi pa rin siya makakalapit kay Niko. I am promoting myself as his bodyguard," sabi naman ni Pavel. "Uuwi ka ba talaga sa inyo na naka-sling pa ang kamay?" tanong ni Jethro nang nasa sasakyan na kami. Tabi-tabi kami sa likod ng driver's seat. Ang kotse naman ni Pavel ay minamaneho ng tauhan ng Papa niya. "Instead of being dragged by my mother at the airport, I'd rather go by myself." "Let's use my private plane. I'll work on the papers and permits para habang naroon tayo, sa airport muna siya. Kung magkakaproblema, we can leave anytime." "Mas mabuti nga na yung private plane mo na lang ang gagamitin natin. Mas magiging kumportable si Niko roon." Nag-init ang mga pisngi ko habang nagdaraan sa alaala ko ang itsura ng loob ng plane. Sa plane na iyon nawala ang virginity ko ng dahil kay Viktor. Tiyak na maaalala ko ang nangyari kapag naroon na ulit ako. Pero may punto si Pavel, mas magiging kumportable ang biyahe ko kung iyon ang gagamitin namin. Kesa naman makipagsiksikan pa kami sa airport at sa loob ng etoplanong puno ng pasahero. "Mahal ang babayaran mo kapag ganon, di ba?" tanong ko sa kanya. "Don't worry, buddy. Bahala na si Dad doon maging sa iba pang detalye ng flight natin. Mamaya ay tatawagan ko siya para makapagawa na rin siya ng request mula sa mga tao niya. Syempre, sabay paalam na rin sa kanya." Napayuko ako. Napakaraming ko ng utang sa mga kaibigan ko. "Thank you, Jethro. And Pavel as well." Lumingon ako kay Pavel at ngumiti. "Siguro ang magiging problema na lang ay kung papayag kang sumakay din si Viktor sa plane ko. Balak niyang sumama, hindi ba? I think kahit hindi tayo pumayag, sasama pa rin iyon sumakay man sa plane ko o hindi." Bumuntonghininga ako. Tama si Jethro. Kahit naman tumanggi ako, alam kong gagawa ng paraan si Viktor para makasunod sa amin. Gumagawa na nga siya ng paraan ngayon sa punishment niya para makasama siya, hindi ba? "Tingin ko, okay na ako pagdating ng oras na iyon. I mean, hindi na ako takot sa kanya basta huwag lang siyang mamimilit o mamumuwersa ng anumang bagay mula sa akin." "Pakiramdaman muna natin kung paano siya sa bahay sa susunod na mga araw. Kung kaya ba niyang sumunod sa rules na sinet mo sa kanya." "I agree," sang-ayon ni Jethro. "Sige," sagot ko naman. Inaantok na ako nang makarating kami sa bahay namin. Gaya ng sabi nila, wala nga si Viktor doon kaya nakahinga ako nang maluwag. Ihinatid nila ako sa kuwarto ko at muling tinulungan ni Pavel sa pagbibihis bago nila ako iniwan para makapagpahinga ako at para makapag-alis naman sila ng mga gamit nila. Halos apat na oras akong nakatulog. Kung hindi pa sa malakas na tunog ng phone ko, baka hindi pa ako nagising. Napilitan akong bumangon para maabot ko ang phone ko. Nakita kong ang Mommy ko ang tumatawag. "Nikolai, nakalabas ka na ba ng ospital? I just want to confirm na uuwi ka nga," bungad sa akin ni Mommy nang masagot ko na ang tawag niya. "Just today. I'll be there, Mom," simple kong sagot sa kanya. "Kaya mo bang mag-flight nang mag-isa? O susunduin kita dyan sa Russia?" "We're using Jethro's private plane, Mom. They're coming with me." "Jethro Rockefeller? Iyong bastardong anak ni Senator Rockefeller?" Tuluyang nagising ang diwa ko nang marinig ko ang sinabi ni Mommy. She just insulted one of my best friends. "Yes, Mom. The Jethro Rockefeller, the only son of Senator Rockefeller who is his favorite child and who is a good friend of mine. And the one who's always there for me because my family isn't." Nakita ko ang pagkapahiya sa mukha ni Mommy dahil sa pagtatama ko sa kanya. "Senator Rockefeller's assistant will also be arranging everything for me and them para makauwi ako at maka-attend sa engagement party ng susunod na hari ng Serin," tukoy ko sa bansa namin. "I should send a thank you note to Senator Rockefeller then." "You may do that." "Your brother and father will be delighted to know you're coming home soon, Niko." Mapait akong napangiti. "Would they?" Hindi ko mapigilang haluan ng sarcastic tone ang boses ko. "Of course." I sighed. "Did they tell that to you themselves?" muli kong tanong. "Well, they're happy every time I show them your pictures." "Oh, the pictures taken by my invisible guards," I said in a mocking tone. Bumuntonghininga ang Mommy ko. "Anak, they can just accept your condition yet but they love you as their blood. Don't dwell into it that much. I promise you, you won't hear anything awful from them anymore." "I'll be there with one of my arms in sling, Mom. Are you sure they won't say anything bad about it?" "Just tell them you met an accident, sweetheart. They will understand. The engagement will be on the 15th. You have to be here days from that date for fitting. We will have a suit prepared for you to suit the occasion. They will also get your measurement for the wedding entourage. You will be your brother's best man." "Mom, I refuse to be a part of his wedding entourage. He's my brother pero halos 'di naman namin kilala ang isa't isa. I suggest he makes his own best friend to be the best man during his wedding." "Niko, the people will expect that from you. Na lumaki ka man malayo sa amin, parte ka pa rin ng pamilya natin." I wanted to ask a mocking question if I should feel happy that they still see me as family even though at a young age, they've sent me all alone in a foreign country but I didn't want to hurt my mom anymore. "We'll see, mom." "Aside from Jethro, who else will you bring so I can find a place for them to stay at." "They're planning to book rooms at a hotel. Dalawa ang sure na sasama sa akin. Yung isa, hindi pa sigurado." "So three of your friends." "Yeah," agad kong sagot. "They can stay at one of our houses, Niko. They can save money. I can also send some maids na siyang mag-aasikaso sa kanila since they are our visitors." "That will be a big help, Mom. Thanks." Mom smiled at me. "Alam ko naman na sila ang kasa-kasama mo simula pa noon though I don't exactly approve of them, Niko. Pasasalamat na rin iyong ng pamilya natin sa kanila." Tumango ako sa sinabi niyang iyon. "I'll see you in 18 days, Niko." "See you, Mom." Pagkatapos niyon ay naputol na ang linya. Tuluyan na akong bumangon at nagtungo sa banyo. Naglinis muna ako ng katawan ko bago ako lumabas sa kuwarto ko. Nadatnan ko ang mga kaibigan ko sa kusina. Abala si Jethro sa laptop niya samantalang sa pagluluto naman abala si Pavel. "Hi," bati ko sa kanilang dalawa. Nang makita ako ni Jethro ay mas bumilis ang kamay niya sa pagtipa sa keyboards ng laptop niya na labis kong ipinagtaka. Lumingon naman si Pavel mula sa kitchen at bumati pabalik sa akin. I saw him wearing an apron and I found him cute and charming kaya napangiti ako. "Gutom ka na ba? Malapit nang maluto ito." "It's fine. I can wait. Umupo ako sa tabi ni Jethro at akmang sisilip sa laptop niya ngunit agad niyang ibinaba ang screen nito. "All done!" eksaheradong saad niya sabay ngiti sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Are you doing your modules or are you watching porn?" nagdududa kong tanong. "Bakit parang natataranta kang isinara ang laptop mo?" "Ah... Haha! Ayoko lang na makita mo yung mga maling sagot ko sa activities ko. Baka pagtawanan mo pa." "I'm not like that." Napapahiyang nagkamot ng ulo si Jethro. "My mom called," pagbabalita ko sa kanila. "She's expecting us on the 10th. Five days bago ang engagement party." "That's 18 days to prepare everything. Are we going to join the engagement party too?" tanong ni Pavel. "Of course, you are expected to attend. Kung wala kayo, hindi na rin ako a-attend." "Aww. I'm touched, man!" natutuwang sabi ni Jethro. "So magpapagawa pa ba tayo ng mga isusuot natin?" tanong ni Pavel. "Just buy a ready to wear one. It's just a one night event. There's nothing so special about it." "Pero siguradong lahat ng matataas na tao ng bansa ninyo ay dadalo. Baka mag-imbita pa sila ng mga government officials from another country." "Maybe. Matagal akong nawala sa sirkulasyon nila so I don't exactly know what to expect. Pero alam ko naman that no matter what you wear, you'll be okay." "Do you mind kung sasabihin rin maman ang mga impormasyong sinabi mo kay Viktor? He's invited too, right?" Tumango ako kay Jethro. "Go ahead. Walang problema sa akin." Jethro smiled at me and nodded. After thirty minutes, nagsalo-salo na kami sa dinner na inihanda ni Pavel para sa aming tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD