Chapter 20: Pavel

1720 Words
"He punched you," may galit sa mga mata ni Niko habang nakatingin sa mga labi ko particularly kung saan ako nasugatan dahil sa suntok ni Viktor. "That's expected. You know how violent he is when he's angry. At galit na galit siya dahil hindi ko siya pinapasok kaninang natutulog ka. We've made up though. Napakalma ko na siya." Pinag-aralan ko ang bawat damdaming nagdaan sa mukha ni Niko habang inilalahad ko ang nangyari sa pagitan namin ni Viktor. "We should call a nurse to take care of that," sabi nito pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan. "This won't kill me, Niko. How do you feel?" tanong ko nang sa wakas ay makalapit na ako sa kanya. Tumingin ako sa naka-sling niyang braso. "Naninibago pa rin. I feel useless sometimes." Nakakaintinding tumango ako sa kanya. Kung ako ang nasa kalagayan niya ay ganon din ang mararamdaman ko lalo na at dominant arm ang napilay sa kanya. "Do you want to do something? Eat? Watch?" tanong ko upang mabaling doon ang atensiyon niya. "Can we go out of the room? Ipaalis mo na itong dextrose ko. I'm not sick anymore, Pavel." Gusto ko sanang tumanggi kahit hindi na talaga siya nilagnat kaninang umaga. Pero ang gusto ko sana ay matiyak na hindi na babalik ang lagnat niya. But when he looked at me with those pleading eyes that always melted me, tumango ako. I pressed the button that will make a nurse run towards our room at nang makapasok ito, sinabi kong alisin na nito ang suwero ni Niko. Habang ginagawa iyon ng nurse, nanunuod ako and I saw the nurse flush. Lihim akong napangiti. Niko really earns admirers everywhere he goes. Kahit sa university, halos karamihan ng mga nakikilala kong babae ay si Niko ang pangunahing target nila sa aming magkakaibigan. Kahit na kadalasang tahimik ito at kabaliktaran ni Jethro na kahit poste yata ay kinakaibigan, nakakakuha pa rin ito ng atensiyon. Ang mga babaeng nakakarelasyon niya ang karaniwang gumagawa ng first moves. Sila ang nanliligaw kay Niko. And I bet na pinatulan lang niya ang mga ito dahil sa pressure mula kay Viktor na tila kinukuwestyon palagi ang pagiging single niya. Iyon pala ay ito mismo ang may gusto kay Niko. Nang matapos na ang nurse sa pag-aalis ng suwero ni Niko, nagtungo ako sa closet na nasa kuwarto at kumuha ng bihisan niya. Nang mailagay ko iyon sa gilid ng kama ay nagtungo ako sa banyo dala ang maliit na towel at binasa iyon. Niko needs to freshen up and change at sa kalagayan niya ngayon, Hindi niya kayang linisin ang katawan niya o magbihis na siya lang. "I think I should get my self a nurse," saad niya habang pinupunasan ko siya. "There's no need. Nandito naman ako." "Iyon nga, eh. I'm taking so much of your time. May mga klase ka..." "I already emailed the dean and applied to shift to online/modular classes so you don't need to worry, Niko. Magagawa ko iyong tasks ko kapag tulog ka o nagpapahinga. Besides, our friends won't appreciate it kapag may pabalik-balik na estranghero sa bahay." Bumuntonghininga si Niko. "I'm sorry I'm putting you through all these." Tumingin ako sa mga mata niya at ngumiti. "You're the most special to me, Niko. I won't get tired taking care of you." Napangiti siya nang matamis sa sinabi kong iyon na sa totoo lang ay bihira niyang gawin at sa mga oras na iyon, my heart swelled and pounded hard inside my chest. Kung hindi lang sa usapan namin ni Viktor at kung hindi lang sila pa rin hanggang ngayon ay nakapag-confess na ako sa kanya. I liked him the first time I met him at ako talaga ang gumawa ng paraan para maging malapit kami sa isa't isa. Being a foreigner, he was aloof and guarded to everyone. At dahil gusto kong maging kumportable siya at tumagal siya sa school namin noon, talagang Hindi ko na siya hiniwalayan at ipinakilala pa sa mga kaibigan ko na eventually naging kaibigan din niya. Our group of three became four because of Nikolai and became five with Jethro joining in.. Slowly and surely, my feelings for him deepened. I've made him dependent on me at some point. I took care of his needs and spoiled him like a younger brother. I was just waiting for the right time to confess gaya ng inamin ko kay Viktor. I let him experienced relationship with the opposite s*x. What I didn't expect was that Viktor would fall for him too. Sa totoo lang, noon ko pa napapansin na madalas pag-initan ni Viktor si Nikolai. Palagi niya itong tinutukso at kinakantiyawan which forced Nikolai to accept some girls confessions. It was entirely Viktor's fault. And when they started a relationship, although it broke my heart, I've let them only for Niko to end up like this. If I only knew, sana pala hindi ko na plinano na maghintay na maka-graduate kami. Kung alam ko lang na okay sa kanya ang same s*x relationship, sana noon pa ako nagsabi para hindi ako naunahan ni Viktor. I also didn't expect na maghuhukay si Viktor ng butas kung saan siya ililibing... na siya rin ang gagawa ng paraan para masira ang kung anong relasyon ang meron sila. If Niko will break up with him, binigyan ko lang si Nik ng oras para maka-get over kay Viktor at aaminin na ako. Tinulungan ko si Niko na mahubad ang shirt niya. It took a lot of my control not to stare at his bare skin habang tinutulungan ko siyang magbihis. Kahit wala akong experience sa opposite s*x, I exactly know how a man can please another man. If I'm just an ordinary man being unintentionally seduced by Niko, baka naihiga ko na siya pabalik sa kama at tinitikman ang makinis na kutis niya. But this is Nikolai, my best friend whom I am secretly in love with and I won't do that to him without his permission. Nang matapos na ang pagbibihis niya ay itinabi ko na sa isang suitcase na lagayan ng mga maruruming damit niya ang pinagbihisan niya. "Do you want to use a wheelchair?" tanong ko nang akmang tatayo na siya. Natigilan siya. "A wheelchair? Pavel, braso ko ang nasemento at hindi ang mga paa ko," natatawa niyang sabi kaya napatawa na rin ako. Lumabas na kami sa kuwarto niya at dumiretso sa elevator. Nang makababa na kami ay namasyal kami sa garden ng ospital. "Anong iniisip mo?" tanong ko sa kanya. "Uuwi na ako bukas, Pavel. I am quite scared na pipilitin ni Viktor na makipag-usap sa akin." What he said brought anger in me. The house we share with our friends is the only real home Niko has ever had. And him fearing to live there again is painful to hear. His safest place became his most dangerous place because of the asshole Viktor. But I have power over Viktor right now at gagamitin ko iyon so Niko wouldn't have to worry. "I think mapapakiusapan maman siya na huwag munag lumapit sa'yo hanggang hindi ka pa kumportableng makipag-usap sa kanya gaya ng nangyari kanina." "At sino na naman ang masusuntok para mapagbigyan ang kahilingan kong iyon?" Napatingin si Niko sa mga pasyenteng namamasyal rin tulad namin. Maraming puno sa lugar na iyon kaya hindi kami naiinitan o nasusunog ang balat dahil sa init ng araw. "He will never hurt anyone again. He learned that lesson the hard way." "How can you be so sure?" "I know Vik. He's hardheaded pero kapag nagbitaw siya ng pangako ay tutuparin niya at nagbitaw na siya ng mga salita. Don't worry. Kung kinakailangang matulog ako sa lapag ng kuwarto mo para matiyak na hindi siya makakalapit sa'yo kapag tulog ka ay gagawin ko. We also have Jethro to protect you from him." Nikolai sighed at hindi na muling nagsalita pa. Halos isa't kalahating oras kaming nanatili sa garden nabo kami nagpasyang bumalik sa kuwarto niya. At wala pa kaming thirty minutes na makakapasok anng dumating si Jethro dala ang isang luggage bag habang nasa likuran niya ang mga tauhan ng Daddy ko bitnit ang ilang grocery bags. "Bakit andami mong binili?" Natatawang tumingin si Niko sa grocery bags. "I was forced to go by your possesive and violent boyfriend. Besides, those are snacks, fruits, and ready to eat meals that you like." "Ano yun? Pambawi niya sa mga kasalanan niya?" naiiling kong tanong. Nagkibit-balikat naman si Jethro. "Bahala siya sa buhay niya. I don't really care asong as mailagay ko sa cart yung paborito nating dalawa. Besides, pera Naman niya ang ginastos niya dyan so you two don't need to worry." Pagkatapos naming itabi ang mga pinamili niya ay nagharap-harap kaming tatlo. "Anong balita sa university?" excited kong tanong. "Well, nakapagpaalam na ako na online at modular na ang mga klase namin ni Niko hanggang sa matapos ang sem. So, kapag nagpadala ka ng request sa dean, siguradong papayag iyon." "Good. And how about Viktor's case?" "Well, Balita ko nakipag-settle yung abogado niya sa schoolmate nating sinuntok niya kaya hindi na iyon magsasampa ng kaso. I also heard na he will do a month of school and community service. But he's thinking of applying for online/modular classes as well because he will concentrate in completing the hours of his punishment. He's planning on joining us on our trip." "What? He's coming?" tila natatarantang tanong ni Niko. "That's his plan." Sirena were blaring inside my head. Mukhang wala talagang balak si Viktor na pakawalan si Niko. Nagkatinginan kami ni Niko. "We can't stop him if he wants to come, Nik. He can stay at another hotel. Marami naming sigurong hotel sa bansa ninyo." Wala sa loob na tumango siya sa sinabi kong iyon. "Hindi rin siya basta-bastang makalalapit sa'yo. You will be heavily guarded there so without your permissions, he won't be able to come near you. We will protect you from him, Nik. And if they still won't be enough, I can request my Dad for security assistance. Hindi ka namin pababayaan." Tumango rin si Nik sa sinabi ni Jethro. "Uuwi na ako bukas," pagbabalita niya dito. Natigilan si Jethro bago ngumiti. "That's good to know. There's no place like home, Niko." "Yeah, kahit na may kasama tayong demonyong nakatira roon," sagot niya pabiro kaya nagkatawanan kaming tatlo. His tension was somewhat forgotten.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD