Chapter 19: Viktor

1618 Words
"You're going with us?" pag-uulit ni Jethro sa sinabi ko. "Paano ka makakaalis kung may punishment kang kailangang gawin sa university?" Hindi na Ako nagulat na alam na niya ang tungkol sa parusang iginawad sa akin ng counselor. Jethro has networks of gossipers at school. Halos kaibigan niya nga ang lahat ng mga estudyante. Paano siya makakakuha ng maraming babae kung hindi siya sociable, hindi ba? "I'll work overtime. Io-online ko yung mga subjects ko for the meantime at gagawin ko iyong pang-isang buwan na activity sa loob ng isang linggo," determinado kong sagot sa tanong niya. Gulat siyang napatingin sa akin bago nagkaroon ng pagdududa sa kanyang mga mata. "Stop doubting me. I can do it," mas determinado kong sabi. "If that's the case na magiging abala ka sa pagkumpleto sa punishment mo, then sa gabi ka lang makakauwi rito." Tumango ako. Nagtataka kung bakit niya nasabi iyon. "Then, Niko can go home and won't be stressed seeing your face." Napatango ako at the same time ay napasimangot. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Kailangan na may maumpisahan ako para makasama ako sa kanila. And even if that means I won't be seeing Niko for the time being, then titiisin ko iyon. Hindi naman na siguro aamin bigla si Pavel kapag naririto na sila sa bahay lalo at dito pa rin naman ako uuwi araw-araw. "Pwede ko naman siguro siyang silipin kapag tulog na siya." "Alam mong nagla-lock siya ng kuwarto niya sa gabi." "You're a computer geek. You can do something about it." Itinuro niya ang sarili niya. "Ako? Bakit ako? Hindi ba at Ikaw ang dapat na gumagawa ng paraan para doon?" "Kung may galing mo lang ako, Hindi ako hihingi ng tulong mula sa'yo." "And you know that I don't give help for free. At si Niko ang pinag-uusapan dito, man. I cannot betray him. Not after what you've done." Lihim akong napamura. Alam ko na dahil sa nagawa ko, kay Niko talaga kakampi ang mga kaibigan ko. "Then just shut your mouth. Maghahanap na lang ako ng ibang gagawa. Iyong si Sham. Iyon, magaling iyon." Tinignan ako nang masama ni Jethro. Alam kong sa lahat ng kaibigan niya, ito ang karibal niya pagdating sa pagalingan sa programming. At isang malaking insulto kay Jethro kung magagawa nito ang dapat ay siya ang gumagawa. "Ano ba ang masamang binabalak mo?" Lihim akong napangiti. He just dove headfirst to my bait. "Maglalagay lang ako ng hidden cameras sa kuwarto niya. As I've said, silip lang naman ang gagawin ko. Tititigan siya sa malapitan kapag tulog na siya." Much that I want to do more than that. "Fine. Mag-install ka na at ayuusin ko ang program at mag-install ng app sa phone mo. Ipo-program ko rin ang lock sa pinto niya para kapag gusto mo siyang silipin nang malapitan ay magagawa mo." Diniinan niya ang ilang salita dahil sa likod niyon ay isang warning para sa akin. "Kung higit pa sa silip o konting haplos ang gagawin mo, I will program the door and won't give you the code." "I promise. I just want to feel him breathing." "Gago, kanta yan," natatawa niyang sabi na kahit papano ay nagpangiti sa akin. Ngunit agad ding nabura ang ngiting iyon nang marinig ko ang sumunod na sinabi niya. "I also expect 3 million dollars deposited in my account once the program is finished." "Fùck you. Para kang hindi kaibigan. Naghihirap ka na ba?" "This is business, Viktor. My skills must be highly paid. Walang kai-kaibigan kung skills ko na ang pag-uusapan." "You did it for free when you helped Azyra back then." "That's a matter of life and death, you asshole. Bakit mamamatay ka na ba kung Hindi mo makikita si Niko ng ilang araw?" pang-uuyam niya sa akin. "I might. On the other hand, I'll deposit 5 million in your account." "Man, masyado ka yatang galante. Three million lang ang talent fee ko." "I want you to do something else for me. Tutal babayaran ko maman ang skill at talent mo, lulubusin ko na." "What do you want? Install a camera inside Niko's bathroom para masilipan mo siya?" Napalunok ako. That was tempting pero mas may mahalaga siyang dapat gawin para sa akin. "Do you know that Pavel is also in love with Niko?" Napatunganga si Jethro sa akin at saka napahalakhak. "Nadiskaril na nga yata ang utak mo sa pagod at puyat, Vik. Si Pavel? In love din kay Niko? That's impossible. Sinasabi mo ba iyan dahil nagseselos ka dahil siya ang nasa tabi ni Niko ngayon at nag-aalaga sa kanya?" "I'm not joking. Sinabi mismo iyon sa akin ni Pavel kaninang nagkausap kami," pagpupumilit ko. "So what do you want me to do? Kill Pavel because he's in love with the man you're in love with?" "No. Hindi ako ganon Kasama. Ang gusto ko ay bantayan mo sila, report to me what they're doing, at kung magsasabi si Pavel na aamin na siya kay Niko, kailangang pigilan mo iyon. We had a deal na kailangan kong maipakita kay Niko na nagbago na ako or else, aamin siya sa nararamdaman niya. And we both know, and I'll admit as well, na kumpara sa akin, mas malayong nagtitiwala si Niko sa kanya." Tumitig sa akin si Jethro at saka napamura nang makitang seryoso ako. "What's happening around me? Bakit lahat kayo ay nai-in love sa kapwa ninyo lalaki?" nababaghan niyang saad. "We just can't help it. Niko is absolutely the most perfect man we've ever lied our eyes on." "Well, totoo naman iyan. But Niko is our friend for cryin' out loud!" "And I am your friend too kaya kailangan mong intindihin na gagawin at magagawa ko ang anumang bagay pagdating sa kanya. You don't know how powerful love is, Jethro. Baka kapag ikaw ang na-in love, baka mas maging baliw ka pa kesa sa akin." Ngumiwi siya sa sinabi kong iyon. "That won't happen," siguradong-sigurado niyang saad. "We will see. So, do we have a deal?" Inilahad ko ang palad kamay ko sa kanya para selyuhan ang usapan naming dalawa. "Five million and you'll follow my rules, Vik. Ayokong mapahamak si Niko ng dahil sa gagawin kong pagtulong sa'yo. Kapag nangyari iyon, kalilimutan ko na kaibigan kita. We will be mortal enemies, Vik. Sinasabi ko na sa'yo." "I am fine with that rule," pagsang-ayon ko ang shook hands with him. Tumayo na si Jethro pagkatapos. "I have to go back to the hospital now and perform one of my duties. Baka pagdating ko roon, silang dalawa na ang magkarelasyon. Alam mong marami silang oras para makagka-developan. Pavel may be the calm type but all of his patience can run out anytime too. Kung totoo ang sinasabi mong matagal na rin niyang gusto si Niko, he knows this he has all the time in the world right now to confess." "Sinabi ko naman kanina May usapan kami. Though hindi siya nagbigay ng time frame kung hanggang saan niya hihintayin ang pagbabago ko, I should grab that chance and start mending what I've broken. And I am promising you as well na hindi ko na uulitin iyong nagawa ko kay Niko. I've learned my lesson, Jethro." "Fine. To see is to believe." Inabot na niya ulit ang luggage bag at naglakad na papunta sa pintuan. "Wait, I'm coming. I want to but Niko something. Some food perhaps." Humabol ako sa kanya. "At talagang siya lang ang binilhan mo?" "Siya lang ang pasyente. Kung gusto mo, pipilayan din kita saka kita bibilhan ng pagkain mo." "You should pay us too. Kami ang nagpupuyat para alagaan at bantayan siya," pangangantiyaw niya sa akin. "You don't know what I'd give just to be the one taking care of him right now, Jethro," seryoso ko namang sagot. "Napaka-drama naman niyan. Para konting snacks lang para sa amin nagkakaganyan ka na. It's not as if bibilhin mo yung buong grocery store para sa amin na tagapag-alaga ni Nik." Bumuntonghininga ako. Napakayaman ng gagong ito pero mahilig pa ring magpalibre. "Fine. Let's go." Nagulat ang mga tauhan ni Uncle Ben nang lumabas akong nasa katinuan na. Pinabalik ko na sila sa headquarters nila at sinabing magpadala sila ng maglalagay ng mga mga CCTV sa kuwarto ni Niko at sumama na ako kay Jethro. Bumili kami ng CCTV cameras na ipapa-install ko mamaya pagbalik ko sa bahay at saka dumaan sa isang grocery store at pinagbibili ang mga pagkain na alam kong gusto ni Niko. Sa dami ng binili ko, nagrereklamo itong marami raw bibitbitin at iaakyat sa kuwarto ni Nik. Napakaraming niyang reklamo pero alam ko namang siya ang makakarami ng kain sa mga pinamili namin. Inihatid ko naman siya sa ospital hanggang sa may pintuan ng hospital room ni Niko. Then, umuwi na ako. Nadatnan ko na rin doon ang mag-iinstall ng mga CCTV cameras at binigyan ito ng mga direksiyon kung saan ilalagay iyon na hindi mapapansin ni Niko. I sent the details to Jethro na ipo-program nito habang natutulog si Niko at nasa school si Pavel. Bago gumawa ng sulat sa dean requesting for my shift to online classes at para mag-overtime sa punishment ko, I saw our lawyer's message. Pumayag naman daw yung nasuntok ko sa settlement at hindi na magsasampa ng kasi laban sa akin. Isa iyong tinik na nabunot mula sa dibdib ko. Kinabukasan, inihatid ko agad ang sulat at nang mabasa ito ng counselor, nakipag-usap ito sa mga professors ko na pumayag naman sa request ko. Nag-umpisa ako ng araw na iyon at dahil hindi ako sanay sa maraming trabaho, madali akong napagod. But all of my stress was lifted when I received a message from Jethro saying na lalabas na si Niko sa ospital kinabukasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD