"No, Pavel! Niko is mine. He's already mine. You cannot do this to me..." Umiling pa ako habang sinasabi iyon.
"I will, Viktor. I must. Noong sinabi mong kayo na, nagbigay daan ako kahit na natatakot ako para kay Niko. We're friends at kilalang-kilala na natin ang isa't isa, Vik. Pero iyong pananakit mo sa kanya, iyong kailangan pa niyang maospital at masemento ang braso nang dahil sa'yo, ibang usapan na iyon."
"Hindi ko nga sinasadya! Hindi ka ba makaintindi?!"
"Sir..."
Napalingon ako sa guwardiya na lumapit sa amin.
"Hinaan po sana natin ang boses natin dahil nakakaistorbo na po kayo." Napaatras ito nang tumalim ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"We apologize, Sir." Tumango ang guwardiya Kay Pavel at saka ito umalis para bumalik sa puwesto nito. Muli akong bumaling kay Pavel.
"Do you think Niko would like to go with someone who cannot even control his own anger? Someone who would scare him so he can control him? Think again, Viktor. Nikolai is a precious one meant to be taken care of. Hindi iyong palagi siyang natatakot para sa sarili niya, para sa karelasyon niya, at para sa tao sa paligid niya. Alam mong sa ating apat na siya halos lumaki. Tayo ang nakapagbibigay ng seguridad na ipinagdamot sa kanya ng pamilya niya. Ngayon na umapak ka sa linya na hindi mo dapat tinapakan, anong pwedeng mangyari kay Niko dahil sa ginawa mo?"
Nanghihinang napabalik ako ng upo sa kinauupuan ko kanina.
"Inalisan mo siya ng feeling of security. He will now always be afraid that you will repeat what you've done to him or even something worse."
"Fùck!" pagmumura ko bago ko ihinilamos ang mga kamay ko sa mukha ko. Tama si Pavel. Inalisan ko ng pakiramdam ng seguridad si Nikolai sa akin. Binura ko ang tiwala na matagal kong pinunan ng pundasyon sa kanya. He would always fear me. At ngayon na nagsabi na si Pavel na gusto niyang ipaglaban si Niko, alam kong tama ang lahat ng sinabi niya.
Compared to me, he was the patient, the caring, and the loving best friend of Niko. Mula pa noon at hanggang ngayon, siya ang kasa-kasama nito sa hirap at ginhawa. Hindi rin mababa ang standards ng pagkatao ni Pavel. He belongs to a wealthy family too. Kung wala siguro ang yaman ni Uncle Ivan, baka kalahati lang ng meron siya ang meron ako. Pavel is also an ideal man. Yes, he attends our orgies but only when he's completely drunk. He wouldn't dare do it kung nasa tamang katinuan siya. At kung ugali ang pag-uusapan, halos pareho sila ni Niko. Kahit na sino siguro ang papipiliin, they would choose Pavel for Niko and not me.
And I'm getting scared. Not only if Niko will indeed break up with me but if Pavel will tell his feelings towards Niko. I have no doubt that Niko would agree right away. Pavel is the perfect man for him. He will definitely accept Niko's secret and would even be so happy just like what happened to me. And if I force Pavel out of the house, I'm sure that Niko will leave with him. Fùck! Ano ang gagawin ko?
Napatingin Ako Kay Pavel anong tumunog ang phone niya. I know that ring tone sounding just right now. Special tone ito na ini-assign ni Pavel kapag tinatawagan siya ni Niko. Tumingin sa akin si Pavel.
"Gising na siya. If you still want to talk to him..."
"Of course, I'd like to talk to him!" pagputol ko sa sinasabi niya.
"Then, let me ask for his permission first. At kapag tumanggi siya, tahimik kang aalis, Viktor."
"No, whether he likes it or not, we will talk!" Natigilan ako nang mapatitig sa akin si Pavel. Damn, kasasabi lang niyang kinakailangan kong kontrolin ang sarili ko pagdating kay Niko ngunit hindi ko na naman nagawa iyon.
"Please, Pavel. I want to talk to him. Mababaliw na ako..."
"Why don't we have a deal, Vik? Kapag nagawa mong kontrolin ang sarili mo pagdating kay Niko, then hindi ako magsasabi sa kanya ng nararamdaman ko. At kung hindi manggagaling mismo sa kanya ang pakikipaghiwalay sa'yo, hindi rin ako magsasabi. But if he'll break up with you, then irerespeto mo ang kagustuhan niya at ang kagustuhan ko. If we have to go away from you, Hindi ka maghahabol sa amin. Hahayaan mo kami gaya ng pagbibigay ko sa'yo ngayon bilang magkaibigan tayo."
Huminga ako nang malalim. It seems na wala akong pagpipilian ngayon kundi ang sumang-ayon sa deal na inilalahad ni Pavel.
"I accept."
Tumango siya sa akin at tumayo bago inilahad ang kamay niya sa akin. Sinubukan kong kontrolin ang kagustuhan kong durugin ang kamay niya nang abutin ko iyon. Nang magbitaw kami, nagpatiuna na siyang maglakad pabalik sa floor na kinaroroonan ng kuwarto ni Niko. Tahimik akong sumunod sa kanya.
"Hintayin mong ipapatawag kita sa loob," bilin sa akin ni Pavel bago siya pumasok sa loob. Hinahabaan ang pasensya na naupo ako at naghintay. Bawat minuto yata ay bumubuntonghininga ako. Umalis ang isa sa mga bantay sa labas ng kuwarto at nang bumalik ay may dala na itong packed na pagkain na binili nito sa labas. Napakuyom ako ng kamao. Iba talaga ang ginagawang pag-aalaga ni Pavel kay Niko. He wouldn't even let him eat the hospital food. I bet, paboritong pagkain ni Niko ang pinabili niya.
Muli, naghintay ako ng halos dalawang oras. May pumasok na doktor at nurse at umabas pagkaraan ng ilang minuto, ngunit walang Pavel na sumunod sa kanila. At kahit gustong-gusto ko na talagang pumasok, nagtiyaga ako.
Kung ang bawat buntong-hininga ko ay patak ng ulan, baka bumaha na sa floor na iyon. Isang oras pa ang napakatagal na nagdaan nang lumabas si Pavel mula sa kuwarto. Halos mapatalon ako patayo para salubungin siya.
Nang makita niya ako ay bumuntonghininga siya.
"I'm sorry, Viktor. He doesn't to see you yet."
Nalaglag ang puso ko sa sahig. Isang malaking sampal sa mukha ko ang desisyong iyon ni Niko.
"Did you tell him na kahapon pa ako naghihintay na makita siya? Na kanina pa ako naghihintay? Na halos mabaliw na ako sa kagustuhang makita siya?"
Tumango siya sa akin at pinag-aralan ako. He's probably waiting kung kailan ako mawawalan ng kontrol. Gustong-gusto ko na ang magwala. Ang basta na lang pumasok sa loob ng kuwarto niya. Ngunit naalala ko ang usapan namin ni Pavel.
"I'll go home then. But I want you to unblock me and give me an update every hour, Pavel."
"I'll give you an update kapag may oras ako, Vik. Don't be too demanding."
"Fine, fine. May kailangan ba siya bukod sa pagkain? Damit na bihisan? Ipapadala ko rito."
"Nagsabi na kami kay Jethro, Vik. He'll bring some clothes for us na pamalit namin."
"Kailan siya lalabas? At least, I have to know that."
"Probably tomorrow or the next day. Hindi lang Naman iyong braso niya ang kailangan niyang pagalingin muna. He has to lessen his trauma with what happened to him too."
Napayuko ako.
"Understood."
Tumalikod na ako at bagsak ang mga balikat na naglakad palayo. Nang makita ng mga tauhan ni Uncle Ben ang itsura ko, halos hindi nila ako matignan nang diretso. Wala sa loob na iniabot ko ang susi ng kotse ko sa isa sa kanila na nakakaintindi namang binuksan ang passenger door para sa akin.
Nanghihinang umupo ako sa passenger's seat at hinayaang ipag-drive ako pauwi ng tiahan ni Uncle Ben. Pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay parang dumagan lahat ng pagod at puyat ko sa katawan ko mula pa kahapon. Halos hindi ako nakagalaw o makapagsalitaan lang. I feel like s**t.
Siguradong nagalit si Niko nang makita ang bakas ng suntok ko sa mukha ni Pavel. I have just proven again that I am a violent man na pati mga kaibigan ko ay nagagawa kong saktan. I don't know how to save myself for Niko's judgment anymore. I don't know how to defend myself that I just did what I have done because they threw threats at me.
Halos hindi ko namamalayan ang tagal ng biyahe. Napatingin na lang ako sa passenger door nang bumukas ito at makitang nasa naka-park na ang kotse ko sa harap ng bahay naming magkakaibigan. Susukot-sukot akong lumabas ng kotse at naglakad papunta sa pintuan ng bahay para lang mapaestatwa sa kinatatayuan ko nang mula sa loob ay lumabas si Jethro sa pinto na may hila-hilang luggage.
Maging siya ay napatigil at napatingin sa akin. Tumingin siya sa maletang nasa likuran niya na tila ba balak pa niyang itago ito mula sa akin bago muling bumaling sa akin ang mukha niya.
Halos tatlong minuto kaming nagkatitigan bago siya nagsalita.
"Umm, I am staying overnight with some classmates for a group project."
Bumalik ako sa katinuan ko nang marinig ko ang pagsisinungaling niya.
"Hindi mo na kailangang magsinungaling pa. Alam ko na kung saan ka pupunta."
Napailing si Jethro nang marinig ang sinabi ko.
"So, alam mo nang nasa ospital si Niko?"
"Kagagaling ko lang doon," sagot ko bago ko siya nilampasan. Nagulat ako nang sumunod siya sa akin papasok sa bahay.
"Why did you follow me? Bakit Hindi ka pa umalis at pumunta roon? For sure, hinihintay na nila iyang nga dala mo," lingon ko sa kanya.
"Aren't you mad? Hindi mo Ako susumbatan? Susuntukin? Papatayin?" sunod-sunod na tanong niya.
"Kung gusto kitang saktan o patayin, kanina ka pa nakabulagta sa driveway."
Pabgasak akong naupo sa couch at saka bumuntonghininga nang malakas.
"Nakakapanibago naman. Bumait ka yata?" Naupo siya sa katapat na sofa.
"I'm just tired. Super tired. Halos Hindi ako nakapag-isip nang matino sa kahahanap kay Niko kahapon, sa paulit-ulit na pagtawag sa inyong tatlo, at sa paghihintay ng pag-uwi ninyo. Halos ilang oras lang ang tulog ko," pagod na saad ko sa kanya. Nag-iwas Naman siya ng tingin habang binabaha ng guilt ang mukha niya.
"He doesn't want to see you or talk to you, man."
"Alam ko. Nasabi na sa akin ni Pavel ang bagay na iyan."
"And?"
"Anong and? Ano ba ang magagawa ko? May bantay sa labas ng pintuan niya. He fears me, he hates me, and I think, he's just waiting for the time to break up with me."
"That's true," tatango-tango niyang sabi at dahil sa inaasta niya, lalong humapdi ang kanina pang mahapdi na dibdib ko.
"But he didn't talk about breaking up with you noong magkausap kami kagabi."
Napatingin ako kay Jethro.
"He didn't?" May bumangong pag-asa sa mukha ko.
"Oo. Wala naman siyang nabanggit. He just fears that you'll hurt him again."
"I wouldn't do that anymore. Hinding-hindi ko na siya sasaktan."
"At this moment, I don't think he had the capacity to believe your words just yet. Kahapon lang nangyari iyon. He was still traumatized." Napasinghap ako sa narinig kong sinabi niya. Tama nga si Pavel pati ang iniisip kong reaksiyon niya sa nangyari.
"If I were you, bibigyan ko muna si Niko ng space. He needs that. He's super stressed right now, Vik. Bukod sa ginawa mo sa kanya, his mother also called and was asking him to go home."
"W--what...?" Sa unang pagkakataon sa buhay ko, halos mabulol ako sa pagtatanong dahil sa nalaman ko. Uuwi na si Niko sa kanila? Pansamantala lang ba iyon o permanente na?
"He has to attend his brother's engagement party. I don't know kung doon muna siya pagkatapos. Kagagaling ko lang sa school at kinausap ang dean para sa kanya para humingi ng permission mula rito na online muna si Niko."
Halos Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. The thought of Niko going back home added to my mounting fear.
"Kailan siya aalis? Siya lang bang mag-isa? Ihahatid n'yo ba siya?"
"Next month..."
"But that's just a few days from now!"
"They want his presence there, Vik. Napag-usapan na rin namin na sasama kami sa kanya roon para kung gusto niyang umalis ay makakaalis siya agad at makakabalik dito."
What? Mapagsosolo sina Pavel at Niko roon? I don't care about Jethro being there with them pero kung gugustuhin ni Pavel, makakagawa siya ng paraan para sabihin kay Niko ang tungkol sa nararamdaman niya. Oo at may usapan kami na hindi siya magsasabi hanggang hindi ko napapatunayan kay Niko na matino na ako. Pero paano ko magagawa iyon kung aalis sila at maiiwan ako rito? Paano kung mainip si Pavel at bigla na lang umamin kay Niko?
No. Hindi pwede. Hindi ako makakapayag.
"If you're going, then I am going too."