Maghapon akong pagod. Mula sa pagtulong sa isang organisasyon hanggang dito sa gym, halos ubos na ang enerhiya ko.
Kanina pang umaga natotorete ang isipan ko. Una, sa organisasyon na kinakailangan yatang magmula sa akin ang project proposal hanggang sa budgeting, paghahanap ng lugar kung saan gaganapin ang proyekto nila, at kung paano io-organize ang mga committee. Pagkatapos kinakailangan ko pang um-attend sa isang klase ko na kailangan daw ang presensiya ko habang naririto ako sa university. At ngayong hapon, naririto naman ako sa gym para maglinis. Para na akong all-around helper sa university dahil sa disciplinary action na ipinataw sa akin.
At dahil may game pa, kinakailangan ko pang maghintay na matapos sila bago ako makapagsimula sa paglilinis ko. Patingin-tingin nga ang ilang estudyante sa akin. Ang iba ay may lakas ng loob na magtanong kung bakit hindi ako sumasali sa laro. Iyong iba naman ay pasulyap-sulyap lang.
Habang nanunuod ng game, may upo sa tabi ko. Nang lingunin ko kung sino iyon, umakyat ang dugo sa ulo ko. I wanted to smack her mocking face pero nagpigil ako. Ayokong dumami pa ang parusa ko kung ilalampaso ko sa sahig ng gym and pagmumukha ng babaeng nasa tabi ko.
"Balita ko, maraming pinapagawa ang school sa'yo dahil sa ginawa mo kina Nikolai at sa isang estudyante," pakikipag-usap nito sa akin. Hindi tumitingin na umismid ako.
"Tingin ko kulang pa yan sa ginawa mong paninira sa relasyon naming dalawa," pagpapatuloy nito.
"Paninira?" Hindi ko napigilan na sumagot. "Wala akong sinira dahil matagal nang sira ang relasyon ninyo ni Nik, Geneva." Sinulyapan ko siya at nakita kong nagdikit ang mga kilay niya.
"You don't love Nik," pagpapatuloy ko. "Because if you really do, kahit maghubad pa ako sa harapan mo, you won't get attracted to me. Nakaipagrelasyon ka lang sa kanya because of his status in the university. Maraming attracted sa kanya and you've competed with them. That's all he is to you, Geneva. Just a trophy boyfriend." Nanunuya niyang tinignan ang babae.
"Wala kang alam, Viktor! I love him! We're happy until you fúcking destroyed our relationship! Tell me, Niko was just lying when he said that you're together just to spite me, right? He just wanted to hurt me para lalo akong ma-guilty sa nagawa ko sa kanya nang dahil sa'yo! You're vicious, Viktor! Hindi ka ba masaya sa mga nagiging karelasyon mo kaya naiinggit ka kay Nikolai dahil masaya siya sa akin?!" Napalakas ang boses niya kaya ilang mga estudyante ang napalingon sa aming dalawa. Ilang sandali akong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko bago ko siya muling hinarap.
"Actually, may mga tama kang sinabi pero may mga mali rin. Tama ka, I'm a vicious individual, Geneva. I can do anything just to get what I want and destroy what I hate. Nagawa ko, di ba? I destroyed your pretentious relationship because Nikolai doesn't deserve someone like you. You're just pretending to love him because if you do, you'll be loyal to him, drunk or not. At tama ka, inggitero ako. Pero hindi ako sa kanya at hindi sa'yo. I should be the one taking care of him and not you. I should be the one giving all his needs and not you. And I should be the one fúcking him and not you. He's not lying when he said that were boyfriends now, Geneva. I am now enjoying his body which used to be yours to enjoy. I have proven to him that he'll be happier and more satisfied with me kaya tigilan mo na kaming dalawa. He has broken up with you and you must accept it."
"No! I won't accept it, Viktor! He's mine! I know he's just hurt that's why he agreed with you. But he'll realize soon na ako ang mahal niya!" Nanunuyang tumawa ako sa sinabi niya.
"If there's one thing you don't know about Nikolai, it's how unforgiving he is when it comes to betrayal. You were in a relationship when you cheated on him. We weren't. I have a reason why I did it. You don't have one. You're claiming that you were drink when I seduced you? We both know that you weren't that drink, Geneva. You even rode me, remember?" Ngumisi ako sa kanya at sobrang namula ang mga pisngi niya.
"Be glad that I haven't shown him the video when you were doing it, Geneva. I still have it on my phone you know." Akmang sasampalin niya ako nang mapigilan ko ang kamay niya.
"You want to fight me for Nik, Geneva? I have all the bullets that will shoot you until you're on the floor bleeding. Don't dare me because I can kill people especially bitches like you for him. You know who my uncle is, Geneva. You know how ruthless he is when it comes to our enemies."
Napalunok siya sa sinabi kong iyon. Of course, hindi ko dapat dinadamay ang uncle ko sa problema ko but I am just using his name for effect. I will use anything to get rid of my potential enemies because I don't have time for them.
"Makakarma ka rin sa ginawa mo sa amin, Viktor. I hope Nikolai discovers soon how dirty you are." Natatawa at naiiling na lang ako habang hinahabol ng tingin ang papalayong bulto niya.
Nang tumunog ang phone ko, agad kong binuksan ang mensahe. It was from Jethro saying na naayos na niya ang program ng mga CCTV cameras sa kuwarto ni Nikolai. Sinabi rin niyang sinira niya ang program ng mga camera sa banyo ni Nik na nalaman niyang ipinalagay ko. What a selfish asshole. Doon ko na nga lang mapapanuod ang buong kahubaran ni Niko, pinagdadamot pa niya. Pero kahit papano, nawala ang pagod ko dahil bago ako matulog mamaya, masisilayan ko naman ang mukha ni Niko. Mapapanuod ko kahit saglit lang ang pagtulog niya.
Nang matapos na sa wakas ang laro, nagsimula na akong maglinis. May dalawa Naman akong kasamang janitors ng university kaya hindi ako masyadong nahirapan though napagod pa rin ako dahil halos isa't kalahating oras ang ginugol ko roon.
Pinauna ko nang umalis ang dalawang janitors dahil magpapahinga muna ako sandali bago ako umuwi kaya naman halos wala ng estudyante sa paligid nang lumabas ako mula sa gym nang bandang 9:30 ng gabi. Habang naglalakad ako papunta sa kotse ko, may tatlong malalaki at matatangkad na kalalakihan ang naglalakad din pasalubong sa akin. Ilang dipa pa lang ang layo nila ngunit nagpaparamdam na ang trouble na naghihintay sa akin. Nang lumingon naman ako sa likuran ko, napagtanto ko na may tatlo ring naroroon.
"Viktor Rashnikov?" tawag ng isa sa mga lalaking nasa harapan ko. Hindi ko siya sinagot.
"Someone wants you bleeding on the ground tonight."
Fúcking Geneva.
"Really now. How much did that b***h pay you? I can triple the amount." They smirked at my offer na ikinainis ko. Kung hindi lang ako pagod ngayon, makikipagbugbugan ako kahit anim pa sila.
"Sorry, Mr. Rashnikov. We don't back out from our words even if you pay us triple. What she paid us was enough."
Nagdikit ang mga kilay ko. Mayaman din pala ang Geneva na iyon para ma-afford ng mga taong mananakit sa akin.
"Oh, you mean her p***y?" nanunuya kong tanong. "I really can't counter that because I don't have one." Nakita kong nagdikit ang mga kilay nila at imbes na sagutin ang panunuya ko, sabay-sabay silang sumugod sa akin.
...
Mabuti na lang at bago pa nila ako mabugbog nang tuluyan ay may nakakita na sa pagsusuntukan namin na ilang security guards na nagra-rounds sa buong campus. Kaagad nilang pinigilan ang mga lalaking pinagtutulungan ako. Tatlo ang nakatakbo palayo samantalang dinala ako at ang dalawang natitira sa guard station. Dahil gabi nangyari ang gulo at wala na ang mga school officials na magha-handle niyon, dito na nila kami idineretso.
Syempre pa, Hindi nila maituro si Geneva bilang mastermind ng pambubugbog sa akin kaya ang ipinagpilitan nilang rason ay dahil nayayabangan daw sila sa akin. Para lang matapos na, sumang-ayon na lang ako sa sinasabi nila dahil gusto ko na talagang umalis at magpahinga sa bahay o sa ospital man iyon. Napuruhan nila ang mukha ko at ilang parte ng katawan ko kaya may black eye ako at may ilang parte ng katawan na nananakit.
Pagkatapos pirmahan ang agreement na magkikita-kita kami kinabukasan sa guidance office, inihatid na nila kami sa kanya-kanya naming bahay. Ngunit imbes na sa bahay, nagpahatid ako sa ospital at magpa-xray. At dahil wala ang sasakyan ko, nagdesisyon akong doon na lang manatili magdamag.
Alam ko na kahit galit ang mga kaibigan ko dahil sa ginawa ko kay Niko, mag-aalala pa rin sila sa akin kaya naman nagpadala ako ng larawan ng pintuan ng x-ray sa gc namin at nagsabing sa ospital ako magpapalipas ng gabi.
Nagamot na ang mga sugat ko at wala naman akong nabaling buto kaya nagtungo na ako sa kuwartong kinuha ko para makapagpahinga. Wala pa yatang limang minuto ay bigla na lang pumasok sa kuwarto si Jethro kasunod sina Pavel at Nikolai.
Napasinghap pa ako nang makita ko ang pag-aalala sa mukha niya nang magsalubong ang mga tingin naming dalawa. Pero pakiramdam ko ay mas sumakit ang mga sugat ko nang makita ang naka-sling na braso niya.
"Anong nangyari? Bakit ka nagpabugbog?" tanong ni Jethro na siyang talagang lumapit sa kama ko habang nasa mas malayong distansya sina Pavel at Niko.
"You think na gusto kong magpabugbog? There were six of them, you asshole."
"So what happened? Sinong gumawa niyan sa'yo? Bakit andami naman yata nila?" tanong ni Pavel kaya napabaling ako sa kanya. Nakaramdam ako ng selos nang makita ko kung paano niya inalalayan si Niko na makaupo sa bakanteng upuan na nasa loob din ng kuwarto ko.
"They just hate my guts and found a chance," tila balewala kong sabi. Ayokong sabihin na si Geneva ang nag-utos na ipabugbog ako dahil sa naging pag-aaway namin kanina sa gym. Ayokong ma-guilty si Niko.
"I don't think they're just random people who hates your guts. Dahil kung magsasama-sama sila para bugbugin ka, baka kalahati ng population sa school ang gagawa niyon sa'yo."
Sinamaan ko ng tingin si Jethro. Iniiwasan ko na nga, ipinagpipilitan pa niya.
"Was it the friends of the student you punched?" Muling tanong ni Pavel. Nagkibit-balikat ako sa kanya.
"I'm hungry. Hindi pa ako kumakain. Katatapos ko lang maglinis sa gym at pauwi na noong salubungin nila ako ng bugbog."
"Sige, we will buy you dinner. Pavel?" lingon ni Jethro kay Pavel na tumingin muna kay Niko na parang nahihingi ng permission. Nagdikit tuloy ulit ang mga kilay ko. Anong pinapalabas nila sa ginagawa nila? Na kailangan muna nila ng permission ng bawat isa bago nila gawin ang isang bagay?
Nang tumango si Niko ay saka lang kumilos si Pavel para sumama sa paglabas ni Jethro sa kuwarto ko.
Nang kaming dalawa na lang ang naiwan, binalot ng katahimikan ang kuwarto ko. Tumingin ako kung saan nakaupo si Niko pero nakatingin siya sa malayo.
"Nikolai," tawag ko sa kanya. Nang hindi siya kumilos ay mas nilakasan ko ang pagtawag ko sa kanya.
"Niko, please?"
Dala na rin siguro sa nakikiusap na boses ko ay tumingin na rin siya sa akin sa wakas. Ngunit hindi pa rin siya nagsasalita.
"I'm sorry," malakas kong sabi. Iyon naman talaga ang una kong gustong sabihin sa kanya.
"I'm sorry I've hurt you. I wasn't able to control my anger that day. I've lost control and cause you that. I'm really sorry, Niko. Ikaw ang pinakaayaw kong saktan sa lahat pero nagawa ko pa rin sa'yo," pagpapatuloy ko kahit hindi niya ako sinasagot.
"I've always loved you, you know."
Tumingin ako sa kisame at ngumiti.
"Unang kita ko pa lang sa'yo, nahulog na ako. Pero kumapit ako. Hindi mo alam kung gaano naging mahigpit ang kapit ko para lang hindi ako tuluyang mahulog at malunod. I respected the friendship that you can only offer. Pero habang tumatagal ang pagkakaibigan natin, mas lumalalim ang kinahuhulugan ko. Mas naiinggit ako sa mga taong nakakakuha ko ng mga gusto kong makuha mula sa'yo. I discovered that not only love can make people blind, Nik. Jealousy too. I wanted to prove that she doesn't really love you, Nik. That only I can give you the love you deserve. And when I tasted it, I was intoxicated. Sobrang nalasing ako na nawalan na ako ng kontrol sa sarili ko. Mapapatawad mo pa ba ako, Nikolai?"
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya kaya mas napangiti ako. At least, sumagot siya kahit buntong-hininga lang iyon.
"Fix your attitude first, Viktor, and then we will talk again."
Kulang na lang ay mapatalon ako paalis sa kama at mapatakbo papunta sa kanya nang marinig ko ang sinabi niya. Pero bago ko pa magawa iyon ay pumasok na ulit sa kuwarto ko sina Jethro at Pavel na may dalang ilang pack ng pagkain at bumili pa sila ng bihisan ko.
Tinulungan ako ni Jethro na makabangon at inalalayan sa pagkain ko. They offered na bantayan ako magdamag pero pinauwi ko na sila. Ayokong mahirapan sila sa pagbabantay sa akin lalo na si Niko. Nangako akong lalabas din ako kinabukasan at didiretso sa bahay bago ako pupunta sa university.
At kahit mag-isa na lang ako sa hospital room ko, nakangiti pa rin ako nang mag-isa. Paulit-ulit na nagdaraan sa isipan ko ang kaisa-isang sinabi sa akin ni Nikolai kanina. Alam kong may pag-asa pa ako sa kanya. All I have to do is do what he wants.