Muntik nang mawala ang mata ko dahil sa sunog ang mga gilid niyon. Wala rin akong kilay at talaga namang nakakakilabot ang hitsura ng parteng iyon ng aking mukha. "Walang puso ang gumawa nito sa iyo." aniya. "Kahit pala sa katawan mo ay bakas ang kalungkutan, hindi lamang sa bahay na ito. Kaya pala ganon na lamang ang nararamdaman ko dito, sobrang bigat. Dahil grabe pala talaga ang dinanas mo. Kaawa-awa." "Ang mahalaga ay nabuhay po ako sa trahedyang iyon tulad po ninyo." "Nasaan ba ang mga magulang mo? Bakit ikaw lang mag-isa ang nakatira dito? Wala ka na bang ibang pamilya?" tanong niya, halata na sa kaniya ang pagiging concern sa akin kahit kanina ay pinagtatabuyan niya at nais bumalik sa bahay ni Zachary. "Sa tingin ko'y ikaw na lang mag-isa ang natira sa inyo. Kawawa ka talaga, at

