TYRA "NIXUS?!" patakbo naman ako lumapit sa binata na ilang araw ko na hindi ito nakikita. "Are you okay? Ang baby natin, okay lang ba siya?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako at hinaplos ang kanyang mukha na may mga pasa pa ito. "Okay lang siya." Tumikhim naman si Kuya Trevor. Humarap naman ako sa kanila. "T-Thank you po. S-Sorry kung..kung mas pinili ko na makasama si..Nix," malungkot na napatingin naman ako sa mga kapatid ko. "Hindi ka namin pakikialaman sa magiging buhay mo kay Nixus, Tyra. But once he hurt you physically and emotionally, babawiin ka namin," seryosong sagot ni Kuya Tory. Mangiyak-ngiyak naman ako. Alam ko magagalit si daddy, pero mahal ko talaga si Nix. "Well, bago kami aalis pala, may papirmahan lang ako sa inyong magkakapatid," aniya ng is

