NIXUS "OKAY ka lang, bro?" nakangising tanong sa akin ni Onyx. "Mukha ba akong Hindi okay?" ismid na sagot ko naman. Kasalukuyan na nagmamaneho ako papunta sa bahay ni Trevor. Dito na rin sumakay sa kotse ko si Onyx. Samantala si Ziena Cortez, nagmessage na rin sa akin na papunta na ito. "You look so nervous, Monteverde," natatawang asar ng gago kong kaibigan. "Gago!" sigaw ko naman. Panay naman ang tawa ni Onyx. Kinakabahan talaga ako. Hindi dahil takot ako sa mga Geller, kundi baka naitakas na nila si Tyra. Panay naman ang hinga ko ng malalim hanggang nakarating na kami sa bahay nila Trevor. Tamang-tama naman na kasunod lang namin dumating si Ziena at kasama si Jenny Rivas na nakasuot pa ng police uniform. "Wow, nice to meet you, Mr.Monteverde and Mr.Windsor!" Nakangising bati ni

