TYRA HULING ARAW ko na sa Hacienda. Bukas babalik na ako sa Manila. Nandito na rin si Kuya Tory, kanina lang ito dumating. "Kararating mo lang dito, aalis ka na agad," malungkot na saad ni Manang Olivia. Ngumiti naman ako. "Pasukan na po kaya kailangan ko na bumalik sa Germany." "Tuwing bakasyon, dito ka na lang sa Hacienda." Tumango na lang ako kay manang. Saglit muna ako rito nagpaalam at namasyal mag-isa. Wala si Kuya Tory, pumunta ito sa bayan. Doon din ito matutulog mamayang gabi. Bukas ng umaga niya raw ako susunduin. Alas onse na ng tanghali at medyo masakit na rin sa balat ang sikat ng araw. Hindi ko namalayan na napalayo na ako. Saglit muna ako umupo at binusog ang mga mata ko sa napakagandang tanawin. "Wow, I was just wondering how beautiful this place is and I found out

