TYRA "N-NIX." "I don't want to talk about it. Igayak mo na ang mga damit mo, aalis na tayo mamaya. If ayaw mo sumama, no problem." Gusto ko ipaliwanag sa kanya ang lahat. Natatakot lang ako sabihin sa kanya ang nangyari dahil ayoko na iwanan niya ako. "S-Sasama ako. S-Sana mapatawad mo ako," mahinang saad ko naman. Wala naman ako nakuhang reaksyon rito. Ni hindi na niya ako inaasikaso. Pero kahit ganoon ang trato niya sa akin, sasama pa rin ako sa kanya. Dahil kanina pa nakagayak ang mga gamit ni Nix, halos kandaugaga naman ako ilagay ang mga gamit ko sa dalawang maleta. Sa palagay ko, hindi lang isang linggo kami sa probinsya. Pagkatapos ko igayak ang mga gamit ko, inilabas ko na ang aking maleta at dinala ito sa sala. "Huwag mo na ituloy ang marriage certificate na iyon, Ziena. D

