TYRA WALA ng sasaya sa nararamdaman ko ngayong araw. We're officially a real couple. Dinala ako ni Nix sa isang napakagandang lugar sa Tagaytay. Malayo man ang aming biyahe, sobrang sulit naman. "Pagdating mo ng eighteen, Tyra. Valid na ang kasal niyo. But for now, ako muna bahala. At least, hawak mo na sa leeg si Monteverde. Okay, sign it," aniya sa akin ni Ate Ziena. Tumingin naman ako kay Nixus. "Malapit ka na mag-eighteen. Don't worry, may marriage contract na tayo," aniya ni Nix. I can't imagine at my age, may asawa na ako. At alam ko sa aking sarili kung gaano ko na kamahal si Nix. Pagkatapos ko pumirma, sumunod naman si Nix. "The next two years, sa harap mismo ng pari tayo pipirma," mahinang saad ni Nix sa akin. Tumikhim naman si Ate Ziena. "Usapang pirma, may bayad ito.

