bc

MY HOUSEMATE IS A GRIM REAPER

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
age gap
opposites attract
second chance
royalty/noble
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Isang propesyonal na doctor si Ezekiel Haro o mas Kilala bilang Doc K. Kilala sya bilang doctor na walang inaatrasan. Wala rin itong takot kahit sino pa ang makabangga nya makuha lamang ang katarungan na hinahangad nito. Pero mas Kilala ito bilang isang doctor na matulungin at mabait sa mga bata. Ngunit paano kapag isang araw mapunta ito sa bingit ng kamatayan? At ang tanging makakaligtas lang sa kanya ay ang naka-itim na lalake na gustong kunin ang kaluluwa nito?Paano kung ang tanging paraan lang para makaligtas ka ay ang ibenta ang kaluluwa mo sa naka-itim na nilalang o mas Kilala sa tawag na si KAMATAYAN?Paano kapag nakakilala ka ng Grim Reaper na bossy at mahirap pakisamahan?Makakayanan mo kayang tumira sa iisang Bahay Kasama sya?Sundan ang nakakatawa at nakakatakot na kwento ni Doc K kasama ang isang Grim Reaper. Paano kaya mapapa-amo ng Doctora ang malamig na puso ni Kamatayan?

chap-preview
Free preview
1
Chapter 1 "Halika nga, Apo Kiel," tawag ni Lola Rosa sa apong naglalaro ng manika sa sulok. Tumayo naman ang bata at lumapit sa kanyang lola na nakaupo sa sofa. "Bakit po?" inosenteng tanong ng bata. Kinuha ni Lola Rosa ang bag niyang sa sobrang luma ay puwede nang ibenta sa museo. May inilabas siyang maliit ngunit pahabang kahon at dahan-dahang binuksan iyon sa harapan ng kanyang apo. "Wow! Para sa akin po ba 'yan?" tanong ng bata habang nakapako ang tingin sa kwintas na nasa loob ng kahon. Maingat na kinuha iyon ni Kiel at sinuri. Hindi niya maintindihan kung bakit kakaiba ang disenyo nito. Ginto ang kuwintas, habang hugis-puso naman ang pendant sa gitna. Mistula itong malinaw na pulang kristal na napapalibutan ng mga disenyong kahawig ng mga ugat ng puno. Napangiti na lamang ang matanda nang makita ang nakakunot na noo ng apo. "Nagustuhan mo ba?" tanong nito. Umangat ang tingin ni Kiel at tumango. "Opo. Pero bakit po kakaiba ang disenyo nito?" takang tanong niya. Hinila siya ni Lola Rosa palapit at pinaupo sa tabi nito. "Amulet necklace ang tawag diyan, Apo. Tumingin ka sa akin," utos ng matanda, na agad namang sinunod ni Kiel. "Gusto kong ingatan mo ang kwintas na ito. At balang araw, hanapin mo ang tunay na nagmamay-ari nito. Kapag nakita mo siya, ibigay mo ito sa kanya," seryosong sabi ng matanda. Halos hindi maunawaan ng limang taong gulang na isip ni Kiel ang sinabi ng kanyang lola, ngunit tumango na lamang siya. "Akin na po ba ito?" "Oo. Gusto kong itago mo ito at huwag na huwag mong iwawala. Maliwanag ba?" "Opo," inosenteng sagot ng bata. Kinuha ni Lola Rosa ang kwintas mula sa kamay ni Kiel at siya mismo ang nagsuot nito sa apo. "Sino po ba ang may-ari nito?" tanong niya muli. "Isang taong nagdusa dahil sa pagmamahal..." makahulugang sagot ng matanda, na lalong hindi naunawaan ni Kiel. "Ezekiel! Where are you?!" Sabay silang napalingon sa pinto nang marinig ang boses ng mommy ni Kiel. Maya-maya ay pumasok ito sa kuwarto kung saan naroon sina Lola Rosa at Kiel. "What are you doing here? Hindi ba sinabi kong aalis na tayo? Bakit ka pa bumaba ng sasakyan?" bakas ang inis sa boses ni Clara. Dahil dito, agad na nagtago si Kiel sa likuran ng kanyang lola. "Huminahon ka nga, Clara. Tinatakot mo ang bata," saway ni Lola Rosa. Napabuntong-hininga na lamang si Clara. Byenan ni Clara si Lola Rosa, at alam niyang mahal na mahal nito ang kanyang apo. Kaya naman, kahit naiinis siya, hindi niya magawang pagalitan nang husto si Kiel sa harapan ng matanda. "Tara na," tawag niya kay Kiel. Nakabusangot na tumayo ang bata at lumapit sa tabi ng kanyang mommy. "Magpaalam ka na sa lola mo," utos nito. "Aalis na po kami, Lola Rosa," malungkot na paalam ni Kiel. Ngumiti na lamang ang matanda upang kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ng apo. Ngayon na kasi ang pagbabalik nila sa Maynila matapos ang mahabang bakasyon sa probinsya. Kahit ayaw pang umalis ni Kiel, wala naman siyang magagawa. Kung siya lamang ang masusunod, mas gusto na niyang manatili sa piling ni Lola Rosa dahil gustong-gusto niyang pakinggan ang mga kuwento nito. "Mag-iingat ka roon, Apo Kiel," sabi ng matanda habang nilalapitan ang apo upang halikan ito sa noo. Tumango si Kiel at mahigpit na niyakap ang paborito niyang lola. "Ano na po bang nangyari kina Elena at Carlos?" pabulong niyang tanong. Napatawa na lamang si Lola Rosa. "Masaya na sila. Sa wakas, tuluyan nang nagsara ang kanilang kuwento. Wakas na..." pabulong din nitong sagot. "Mauna na kami, 'Nay Rosa," paalam ni Clara habang hinahawakan sa kamay ang anak. "Mag-iingat kayo," tugon ng matanda habang nakatanaw sa mag-ina hanggang sa tuluyan silang makalabas ng kuwarto. Napangiti na lamang si Lola Rosa nang marinig ang sasakyang sinasakyan nina Kiel, Clara, at Johnny—ang kanyang anak—na unti-unting umaandar palayo. "Panibagong pahina na naman ang magbubukas..." mahina nitong bulong habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
768.7K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.9M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
994.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
368.6K
bc

Not just, the Beta

read
353.3K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook