3

1826 Words
3 Isang araw na lang at matatapos na ang one-month leave ko. Mabuti na lang at kahit papaano ay nasulit ko rin ang maikli kong bakasyon. At saka, nami-miss ko na rin ang mga pasyente ko sa ospital kung saan ako nagtatrabaho. Nandito ako ngayon sa isang café. Lumabas kasi ako kanina at napagdesisyunan kong magkape muna bago umuwi. Besides, maaga pa naman. Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. 7:35 PM pa lang naman. Marami pa namang masasakyan sa ganitong oras kaya hindi na ako nagmadali. Habang humihigop ng mainit na kape, nag-text ang isa ko pang best friend na si Maxil. "U busy?" basa ko sa text niya. Kaagad ko naman itong nireplyan. "No. Y?" Ganito kami mag-usap. Pareho kasi kami ng humor ng lalaking iyon. Hindi na siya nag-reply, pero maya-maya ay tumawag siya. Kaagad ko namang sinagot ang tawag niya. "Saan ka?" tanong niya mula sa kabilang linya. "Dito sa tambayan natin," sagot ko naman. May narinig akong sunod-sunod na busina sa kabilang linya kaya kaagad akong napatanong. "Bumabyahe ka ba?" "Yeah. Pauwi na. Hintayin mo ako diyan." "Kaya ko namang umuwi mag-isa," ani ko, kahit alam kong ikaiinis niya iyon. Alam na alam ko kasing ayaw niyang umuuwi akong mag-isa, lalo na kapag gabi. Kung hindi ko lang talaga siya best friend, pasok na pasok siya sa standards ko bilang boyfriend. Kaso, mukhang hindi yata babae ang hanap nito. Tsk. Sayang. "Hey? Andiyan ka pa?" Bumalik ako sa realidad nang magsalita siyang muli. "Yeah. Hihintayin na lang kita sa Seven Eleven, 'yong malapit sa sakayan ng bus." "Sige." Iyon ang huli niyang sinabi bago niya ibinaba ang tawag. Tinapos ko na lang ang kape ko bago nagsimulang maglakad palabas ng café. Napayakap ako sa sarili dahil sa malamig na hangin na dumampi sa katawan ko. Kahit makapal ang suot kong jacket, tila tumatagos pa rin ang lamig sa loob nito. Ilang minuto akong naglakad hanggang sa mamataan ko sa di kalayuan ang ilaw ng Seven Eleven. Kaunti na lang at makakarating na ako roon. Ngunit napahinto ako nang may taong biglang sumulpot sa harapan ko. Nakaharang siya sa daanan kaya hindi ako makaalis. Nakasuot siya ng kapote at bota kahit hindi naman umuulan. Unti-unti akong kinabahan nang mapansing nakatingin lang siya sa akin at hindi man lang gumagalaw. Ang weird niya. Napalunok na lang ako at napagdesisyunang huwag na lang siyang pansinin. Ngunit bigla siyang may kinuha sa likuran niya na ikinabigla ko. Nabitawan ko ang dala kong sling bag sa matinding takot nang makita ang malaking kutsilyong panghiwa ng karne ng baboy na hawak niya sa kaliwang kamay. Mas lalong nanlamig ang buo kong katawan nang mapansing may mga dugong tumutulo mula rito."Ezekiel..." Nawindang ako nang tawagin niya ako sa buo kong pangalan. Bigla na lang sumagi sa isip ko ang lalaking palagi kong napapanaginipan tuwing gabi. Nang mapagtanto kong may pagkakahawig siya sa lalaking nasa panaginip ko, hindi ko na napigilan ang sariling mangilabot sa matinding takot. Pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Kahit gusto kong sumigaw, walang boses na lumalabas. "Takbo..." Mahina niyang utos. Ngunit hindi pa rin ako makagalaw. Nanlilisik ang mga mata niya bago siya muling sumigaw. "Takbo!!" Sa pagkakataong iyon, saka ko lang nagawang igalaw ang mga paa ko. Mabilis akong tumakbo pabalik sa dinaanan ko, pero agad siyang sumunod sa akin. Mabilis akong pumasok sa isang makitid na eskinita at nagtago sa isang madilim na sulok. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang nanginginig kong mga kamay, pilit na pinipigilan ang sarili kong umiyak o makagawa man lang ng kahit kaunting ingay. Kahit nanginginig ang mga kamay ko, nagawa ko pa ring kunin ang cellphone ko. Sa sobrang takot, halos hindi ko na mahanap ang contact number ni Maxil. Ngunit nang makita ko na ito, bigla na lamang may humablot sa buhok ko. Napasigaw ako sa sakit. Pakiramdam ko ay mabubunot ang anit ko sa sobrang lakas ng pagkakahawak niya. Kinaladkad niya ako, pero buong lakas akong pumalag. Mabilis kong ibinato sa mukha niya ang cellphone ko, na tumama mismo sa mata niya. Nabitawan niya ako. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad akong tumakbo. Ngunit sa kasamaang-palad, dulo na pala ang narating ko. Wala nang ibang daan kundi ang isang malaking bakal na gate. Naka-lock ito. "Tulong! Tulungan n'yo ako!" Paulit-ulit kong sigaw habang desperado kong sinusubukang buksan ang gate. Pero wala itong matinag. Napatigil ako nang marinig ko ang mabibigat niyang yabag na papalapit sa akin. Dahan-dahan akong humarap sa kanya habang halos manginig na ang buo kong katawan sa sobrang takot. "Please... maawa ka sa akin..." Halos pabulong kong pagmamakaawa. Kitang-kita ko ang pagngisi sa labi niya. Bigla niya akong sinugod. Mabuti na lang at nakaiwas ako at mabilis na nakatakbo. Napansin ko ang isang daang papasok sa isang abandonadong gusali kaya agad akong pumasok roon.Mabilis akong nagtago sa isang sulok habang naririnig ko pa rin ang mga yabag niyang papalapit sa akin. Sa pagkakataong ito, hindi ko mapigilang isipin kung ano ba ang kailangan niya sa akin at kung bakit gusto niya akong patayin. Wala naman akong matandaang nakaaway o nakaalitan. "Baby Kiel... lumabas ka na." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. Alam kong malapit lang siya sa pinagtataguan ko. Halos pigilan ko ang sarili kong huminga para lang hindi makagawa ng kahit kaunting ingay. Napakapit na lang ako sa magkabilang tainga ko nang marinig ang pagkaladkad ng bakal sa semento na lumikha ng nakakakilabot na tunog. "Lumabas ka na... sumama ka kay Daddy." Baliw na talaga siya. Kailangan kong makaalis dito at matawagan si Maxil. Unti-unti akong lumabas sa pinagtataguan ko at dahan-dahang gumapang palayo. Ngunit halos tumigil ang t***k ng puso ko nang hindi sinasadyang matapakan ko ang isang plastik na bote. Klang! Umalingawngaw ang tunog nito sa loob ng buong gusali. Kaagad akong napasigaw nang makita niya ako. Pinilit kong tumayo, ngunit naabutan niya ako at agad na hinila ang buhok ko. "Let me go!!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala. Ngunit napakalakas niya. Mas malaki rin ang pangangatawan niya kaysa sa akin. Hinarap ko siya at buong lakas na sinuntok. Ngunit mabilis niya akong sinakal. "Bitawan... bitawan mo ako!" Nahihirapan kong sigaw habang desperado akong pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa leeg ko. Sinipa ko siya sa sikmura. Mabuti na lang at nabitawan niya ako. Ngunit hindi pa man ako nakakatakbo, muli niya akong nahablot. Sa pagkakataong ito, sa kwintas ko naman siya kumapit. Lalong sumikip ang pagkakasakal sa akin. Pakiramdam ko ay bumabaon sa balat ko ang pendant ng kwintas. Nararamdaman ko na lamang ang matinding hapdi sa leeg ko, na para bang hinihiwa ito ng matalim na kutsilyo. Mabilis kong hinila ang kwintas hanggang sa maputol ito. Napatingin ako rito. May bahid na ito ng dugo. Dugo ko. Mabilis akong tumakbo at umakyat sa hagdanan ng gusali. Luminga-linga ako habang naghahanap ng ibang daang palabas, hawak-hawak pa rin ang naputol kong kwintas. Narinig ko na naman ang mga yabag niya. Nanlaki ang mga mata ko at muli akong tumakbo. Ngunit huli na ang lahat. Dulo na pala ng gusali ang napuntahan ko. Bago pa ako nakaatras, naramdaman ko na lamang na nawalan ng suporta ang mga paa ko. Nahulog ako. Mabuti na lang at nakahawak ako sa isang bakal na nakausli mula sa sirang semento. Nang ibaba ko ang tingin ko, halos mawalan ako ng ulirat sa taas ng babagsakan ko. Tatlong palapag ang taas nito. Semento ang nasa ibaba. Alam kong wala na akong pag-asang mabuhay kapag nahulog ako. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa takot at kaba. Pakiramdam ko ay katapusan ko na. Wala na akong kawala. Hindi ko na napigilan ang pagluha. Patuloy na tumutulo ang mga luha ko habang nanginginig ang mga kamay kong mahigpit na nakakapit sa bakal. Alam kong ilang minuto na lang ang itatagal ko rito. Unti-unti nang nawawala ang pag-asa ko. Hanggang sa bigla na lamang akong nakarinig ng mga yabag. Mas lalo akong kinabahan. Tahimik akong nagdasal na sana ay hindi niya ako makita. Ngunit nang tumingala ako... Natigilan ako. Hindi na siya ang taong inaasahan kong makita. May ibang tao nang nakatayo sa itaas.Isang lalaking nakasuot ng mahabang itim na kasuotan ang nakatingin lang sa akin. Sobrang puti ng balat niya. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa liwanag ng buwan o talagang ganoon siya kaputla. Ang mas ikinagulat ko ay ang mga mata niyang kulay pula na tila kumikislap sa dilim. Para siyang... bampira. "Help... Help me..." Halos pabulong kong pagmamakaawa. Ngunit hindi siya sumagot. Bahagya lamang niyang ikiniling ang ulo niya, na para bang pinag-aaralan ako. "Please..." Muli na namang pumatak ang mga luha ko. Naningkit ang mga mata niya bago dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa leeg ko. "Help me! Please!" Napasigaw na ako nang marinig ang pagbitak ng semento kung saan nakakabit ang bakal na mahigpit kong kinakapitan. "At bakit ko naman gagawin iyon?" Napalingon ako sa kanya nang sa wakas ay magsalita siya. Hindi ko man siya kilala, alam kong siya na lang ang natitira kong pag-asa. "Please... gagawin ko ang lahat! Tulungan mo lang ako! Babayaran kita! I promise!" Desperado kong pagsusumamo. Tumaas ang isang kilay niya. "Hindi ko kailangan ang pera mo." Napatigil ako. "Then... what do you want?" halos maiyak kong tanong. "Sabihin mo lang... please..." "Ang kailangan ko lang ay ang..." Sandali siyang tumigil. "...kaluluwa mo." Napatitig lang ako sa kanya. "W-What?" Halos hindi ko maunawaan ang narinig ko. Kaluluwa? Sino ba talaga siya? "Okay." Tumango siya. "It's a deal." Lalo akong nalito. Lumuhod siya sa gilid at akala ko ay tutulungan na niya ako. Ngunit maya-maya ay may inilabas siyang malaking kutsilyo mula sa likuran niya. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi... Papatayin niya rin ba ako? "A-Anong gagawin mo?" Kinakabahan kong tanong. Hindi siya sumagot. Sa halip, inabot niya ang kamay ko. Mabilis kong binawi iyon. Ngunit muli niya iyong hinila. "Let me go!" Sigaw ko. Para bang wala siyang narinig. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at bigla na lamang hiniwa ang dulo ng daliri ko. Napapikit ako sa matinding sakit. Pagmulat ko ay dumadaloy na ang dugo mula sa sugat ko, pababa sa kamay at braso ko. "Bitaw." Mariin niyang utos. "W-What? Are you insane?!" Galit kong sigaw. Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Sabi ko, bitaw." Seryoso ba siya? Alam naman niyang kapag bumitaw ako, siguradong mamamatay ako. "No!" Matigas kong sagot. Napabuntong-hininga siya. Pagkatapos ay bigla niyang inapakan ang sirang sementong kinakapitan ng bakal. Krak! Tuluyan itong nabiyak. Kasabay noon ang pagkawala ng huli kong sandigan. Nahulog ako. Napapikit na lamang ako sa matinding takot. Ito na. Katapusan ko na. Ramdam ko ang malamig na hangin habang mabilis akong bumabagsak. Ngunit bigla akong napamulat nang maramdaman kong may humawak sa akin. Pagdilat ko, nanlaki ang mga mata ko. Hawak-hawak na niya ako. At... Nakalutang kami sa ere. Hindi ako makapaniwala habang nakatitig sa malamig niyang mapupulang mga mata. "Anong klaseng nilalang ka?" Wala sa sarili kong tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD