"MANANG, nasaan po si Gogoy?" tanong ni Ged sa kasambahay pagbaba niya nang umagang iyon. "Nandoon po sa bahay ng Lolo niya." Sagot nito. Tumango siya. "Sige po, salamat." Aniya saka agad na sinukbit sa balikat niya ang backpack niya. Paglabas niya, dumiretso siya sa garahe kung saan nakaparada ang kanyang BMW series seven. Noong isang araw lang niya iyon nabili, matapos niyang makuha ang driver's license niya. At simula kahapon ay nagpa-practice na siyang mag-drive mag-isa. At dahil komportable na siya sa pagmamaneho niyon, gagawin na niya ang pinangako niya sa sarili kapag nagkaroon na siya ng sarili niyang kotse. Nilagay niya ang backpack sa likod na bahagi ng kotse, saka umalis. Bago siya tuluyan makalabas ng Tanangco, dumaan muna siya bahay ni Lolo Badong upang magpalaam. Agad niy

