EXCITED na nilapag ni Ged ang bowl na may laman ng niluto niyang Braised Beef. Inamoy pa niya iyon pagkatapos, saka sumulyap sa wall clock. Mag-aalas siyete na ng gabi, ano mang oras ay darating na si Gogoy. Matapos ang naganap na pagtatapat nito sa kanya kaninang tanghali, nakapag-isip na siya ng maayos. Nagdesisyon na rin siyang tanggapin ang damdamin nito. Kung hindi siya nataranta kanina, baka sinagot na agad niya iyon. Pero dahil umiral ang tinatago niyang ka-engotan, bigla siyang kumaripas ng takbo palabas ng opisina nito. Sabagay, hindi naman niya masisisi ang sarili. That was her real first kiss, hindi lang basta smock. Totoong halik. At kapag naaalala niya iyon, hindi pa rin niya maiwasan na makaramdam ng kilig. "Ma'am, saan po ilalagay 'to?" tanong ng kasambahay. Lumingon siya

