NAPAHINTO si Ged sa pagkain ng marinig niya ang bulungan ng ilang mga estudyante doon sa loob ng canteen sa school nila. Nagkatinginan sila ng mga kaibigan at kaklase niya. "Siya yun di ba? Yung nililigawan ni Sir Jake?" anang isa. "Oo, siya nga. At balita ko mataas daw ang grade niya sa subject ni Sir," Sabi naman ng isa. "If I know, sila nang dalawa ni Sir Jake. Magtataka ka pa ba doon, ikaw na kabaliwan ng professor mo. Siyempre, sasamantalahin ko na 'yon." Nakuyom niya ang isang palad niya. Anong karapatan ng mga itong pag-tsismisan siya? "Ano kayang pinag-aaralan nilang dalawa kapag wala silang kasama?" tanong ng isa sabay tawa ng mga ito. Nang hindi na siya nakatiis ay bigla siyang tumayo, akma niyang susugurin ang mga ito. Nang dumating ang secretary ng Dean's office. "Miss M

