PIPIHITIN na lang ni Ged ang doorknob para lumabas ng silid niya, pero hindi pa niya magawa. Sa mga sandaling iyon, abot hanggang langit ang kaba sa dibdib niya dahil sa nangyaring aksidenteng halik sa pagitan nila ni Gogoy noong nakaraang gabi. Sa katunayan, halos hindi siya nakatulog kakaisip doon. Paano nga ba siyang hindi magkakaganon? Eh iyon ang first kiss niya. Napapikit siya, saka napasandal sa likod ng pinto. Pinilig niya ang ulo para lang mawala ang eksenang iyon sa isip niya. Paano niya haharapin ito? Kung ganoon na naiisip pa lang niya halos nag-iinit na ang buong mukha niya, baka mamaya kapag nakaharap na niya ito ay bigla na lang siyang magliyab. Kung bakit ba naman kasi niya naisipan na halikan ito sana sa pisngi? Kailangan talaga ng kiss bago mag-goodnight? Napapadyak siya

