TATLONG buwan ang matulin na lumipas. At sa loob ng mga panahon na iyon, tuluyan nang nagbago ang takbo ng buhay ni Ged. Ngayon bukod sa pag-aaral, naging abala na rin siya sa training niya kay Gogoy hinggil sa kung paano niya mapapatakbo ng maayos ang negosyong iniwan ng Lolo Fred niya. At hanggang ngayon, nahihirapan pa rin siya. Isa lang ang konsulasyon niya sa pagpayag na pag-aralan ang lahat ng iyon, ang madalas na nakakasama niya ang lalaki na sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti nang nagkakaroon ng espesyal na puwang sa puso niya. Sa Unibersidad na pinapasukan niya, naging madali para sa kanya ang makahanap ng mga kaibigan. May mga ilan na lumalapit sa kanya dahil pag-aakala ng mga ito na girlfriend siya ni Gogoy. Kung ibang babae siguro siya, maaari niyang samantalahin iyon at patu

