Chapter 122

1151 Words

"Ihahatid na kita," pag-iiba ni Chad sa usapan. Nananatili pa ring nakahawak ang kamay niya sa akin kaya madali lang sa kaniya para hilahin ako nang mahina. "Chad!" Tawag sa babaeng pamilyar sa akin ang boses bago pa man kami makaalis. Kahit isang beses ko lang itong nakausap ay hindi ko maaaring makalimutan ang boses niya. "Ikaw nga! Oh, kasama mo pala ang girlfriend mo. Si Layna 'di ba? Tama ba ako?" nag-aalangan nitong tanong habang kita sa kaniyang mukha ay may labis na saya. Tumango lang ako sa kaniya bilang pagkompirma. "Are you leaving?" balik tanong nito sa amin at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Chad. "Mamaya na kayo umuwi, kakasimula pa lang ng party namin ni Kent. Halika samahan mo ako," masaya nitong wika at hinila nito ang kamay ko kung saan may maraming

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD