Aviana Kye
"Magandang araw, Aviana... Hito na pala mga report na babasahin mo at pipirmahan mo ngayon. Tsaka nga pala, gusto ni Mr. Santos, magkaroon ulit ng meeting next week?"
"Magandang araw din po sa inyo, Aling Luseta. Paiwan nalang po d'yan at babasahin ko nalang mamaya. Bakit gusto niya magkaroon ulit ng meeting. May problema po ba sa materials, management?" I asking aling Luseta hindi parin ako humaharap sa kanya. Alam ko naman magtatanong siya sa akin. Kung bakit ako may suot na ganito. Kapag nag sinungaling ako sa kanya mahuhuli niya ako kaagad. Kaya hindi ako pwedeng humarap sa kanya na ganito ang itsura ko.
"Wala man problema hija. Mayroon siyang gustong idagdag na materials para sa pag gawa ng bahay at mga buildings."
"Sige po, Pakisabi nalang po pumapayag po ako sa gusto niya."
"Okay sige. Gusto mo ba ng kape, hija? Mukha hindi ka okay. Hindi ka kasi humaharap sa akin. Kanina pa ako nandito sa harap ng table mo. Pero hindi ka lumilingon sa akin may problema kaba?"
Sinabi ko na nga ba malakas ang kutob ni aling Luseta sa ganitong pakikitungo sa kanya.
"Ayos lang po ako. Medyo masama lang ang pakiramdam ko, kaninang pag gising ko." Nabibilang ko na sa mga kamay ko kung ilan beses na ako nag sinungaling simula kanina. Patawarin sana ako ng panginoon sa ginagawa ko.
"Sana hindi ka na lang pumasok sa ngayon. Kung masama ang pakiramdam mo. Nandito naman ako para katuwang mo diba?"
"Nakakahiya naman sa inyo. Mas marami pa nga po, kayo trabaho kesa akin." Nahihiyang sabi ko sa kausap ko.
"Its okay Avi. Bayad naman ang serbisyo ko. Kaya walang kaso 'yun sa akin. Parang din kitang anak, ang turing ko sayo. Kaya nag-alala ako sa kalusugan mo."
"Dont worry, po. Ayos lang po talaga ako. Salamat po concern niyo aling Luseta. Pakihatid nalang po 'yung kape ko sa ibang empleyado, huwag na po kayo maghatid."
"Sigurado kaba? Pero kung talagang masama ang pakiramdam mo, tawagan mo ako agad. Kapag hindi muna kaya."
"Oo, po salamat po." Nang makaalis na si aling Luseta tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Sobrang kulit din ng matanda na 'yun. Nakakatuwang lang din ng sobrang ang pag-aalala niya sa akin parang si mommy lang.
Napapailing nalang ako at sinimulan ko na basahin ang mga report na gawa ni aling Luseta. Halos maduling ang mga mata ko sa tambak na mga report nasa table ko. Dahil siguro hanggang ngayon hindi parin humuhupa ang pagmugto ng mga mata ko. Kahit tinapalan ko na ito ng hilo kanina. Kaya minabuti ko muna lumabas ng opisina ko at magtungo sa c.r para maghilamos.
Nang matapos na ako. Lumabas na ako agad baka may makita sa akin na mga emplyedo ko. Na nagtra-trabaho sa company. Ngunit huminto ang ikot ng mundo ko ng mamakitaan ko si Deacon, na kausap si aling Luseta. Pati pagtibok ng puso ko napahinto din. s**t! Anong ginagawa rito sa company namin? Ang kapal ng pagmumukha niya para magpakita sa akin. Dito pa talaga kung na saan ako.
Akmang lilingon sa gawi ko si Deacon, napatago ako agad sa likod ng pader. Ang lakas ng pintik ng puso ko at habol ko rin ang paghinga ko parang akong tumakbo ng pagkalayo-layo bwiset na lalaki na 'yun... Ang lakas talaga ng pakiramdam niya na may nakatingin sa kanya.
Muntik na ako mahuli dun. Napayuko nalang ako at napahawak ako sa magkabilang kung tuhod. Ang lakas parin ng t***k ng puso ko parang gusto kung uminom ng malamig na tubig.
"Ma'am Aviana. Ano po ginagawa niyo d'yan?"
"AAy, kabayo!!!" Napapitlag ako sa sobrang gulat. Dahil sa boses na nagtanong sa akin. Na mas lalo akong nakaramdam ng malakas ng pagpitik ng puso ko at napahawak pa ako rito. Inangat ko ang ulo ko at sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano baaa?! bakit kaba nang gugulat Lans?!" Reklamo kung tanong sa kanya. Napahampas ako sa kanyang braso ng bahagya. s**t ang sakit ng dibdib ko dahil gulat. Reklamo kung sabi sa kanya.
"Pasensya na po ma'am, Avianan, nagulat ko po kayo. Ano po kasi ginagawa d'yan? Bakit nandiyan kayo nakatambay?" Nag isang linya ang ang kilay ko. He asked me what I was doing here. Itong baklang ito... At kunwaring pakamot-kamot pa sa batok niya.
"Anong sa tingin mo anong ginagawa ko rito? Nagpapahinga. May masama ba?" Pagsusungit ko sa kanya sabay pamewang ko sa kanya at tinaasan ko siya ng isang kilay ko.
"Kasi Ma'am, hindi naman ito pahingaan e. Yan oh! may nakapaskil diyan sa pader na yan. na bawal magpahinga sa area na ito. Di'ba, kayo pa ang naglagay na yan?" Aba itong baklang ito talagang sumasagot pa talaga sa akin at tumingin ako sa tinuro niya kung totoo ba 'yun? Oo nga, may nakapaskil na bawal magpahinga dito napanguso nalang ako.
"Binabawi ko na ang nakasulat diyan ngayon, mismo..." Matatag kung sabi kay Lans.
"Okay po, Ma'am. Kayo po ang bahala." Maarte niyang sabi at papitik-patik pa ang mga daliri niya.
"Lans... Sino kausap mo d'yan?! di'ba alam mo bawal diyan?" Narinig kung ang boses ni aling Luseta ng sitahin niya si Lan. Kaya napatayo ako ng diretso baka makasama niya si Deacon. Tumingin si Lan sa akin at nag sign ako kaagad na wala. Gamit ang mga kamay ko. Nalilito pa siya kung magsasabi ba siya ng totoo kay aling Luseta. Kaya nag sign ulit ako gamit ang mga kamay ko. Kapag nagsabi siya ng totoo tatanggalin ko siya sa trabaho niya.
"Aaa, ee, wala ma'am Luseta..." kadabuhol-buhol pa siya ng pagkasabi.
"Kung wala. Halika dito, samahan mo sSr, Deacon mo sa office ni Sir, Chard mo at ipaghanda mo sila ng meryenda ah."
"Yes, Ma'am Luseta."
"Tara na po Sir, Deacon. Sunod po kayo sa akin." Narinig kung yaya ni Lans kay Deacon.
"May tao ba doon?" Nilapit ko ng kaunti ang tenga ko para marinig ko kung ano ang itatanong ng binata kay Lan.
"Saan, Sir?" Kunwaring walang alam si Lans sa tanong ni Deacon sa kanya.
"Doon sa pwesto mo kanina. Feeling ko may kausap ka doon. Ayaw mo lang amin ang totoo?"
"Wala po Sir, baka mali lang kayo ng pakiramdam niyo..."
"Sigurado kaba?"
"Oo, naman Sir..." Kompended na sagot ni Lans kay Deacon.
Yun lang ang huli kung narinig na sagot ni Lans kay Deacon sa mga ilan tanong ng binata sa empleyado namin dito company namin. At talagang naninigurado talagang itong Deacon na ito... Kung may tao ba talaga dito. Bakit nga ba ako nandito? tanong kung sa isipan ko. Bakit ko ba siya tinataguan? diba siya may atraso sa akin. Bakit parang ako pa yata ang nagtatago sa kanya. Pero ang pinagtataka ko bakit pupunta ang binata sa office ni daddy, anong gagawin niya doon.