Prologue
“Hanggang kailan mo itatago ‘yong nararamdaman mo para sa kanya?”
Iyan siguro ‘yong kaisa-isang tanong na hindi ko alam kung anong pwede kong i-sagot. Hindi ko kasi alam ang tamang sagot o kung kaya ko bang sagutin ang tanong na ‘yan.
At the age of 19, I am in love with my bestfriend. He is a guy like me and that sucks.
Sa dinami-rami ba naman ng taong pwede kong mahalin, ang bestfriend ko pang si Lance Saavedra.
Grade 6 pa lang kami ni Lance ay magkaibigan na kaming dalawa. Magkatabi kami palagi sa bawat seating arrangement sa klase kaya rin siguro ganito kami kalapit sa isa’t isa ngayon. Kadikit na halos ng apelyido kong Santillan ang kanya. He was one of my teammates from our high school basketball team. Kasama ko na siya sa bawat parte ng buhay ko, malungkot man o masaya.
I realized that I love him, 4 years ago.
Ngayong nasa pang-apat na taon na kami sa kolehiyo, hindi ko alam kung masasabi ko pa sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko. I would never want to lose the only person that made me feel the happiness I’ve never felt before.
Kaya kahit ang hirap-hirap mahalin siya nang patago, I still chooses to stay as his bestfriend every single day.
Alam ko naman na malayong mabigyan ng chance itong nararamdaman ko para sa kanya.
He is straighter than a ruler and I ain’t.
“Hangga’t kaya kong itago, gagawin ko.” I have always told myself.
Kahit hindi na masabi, ang feelings para kay pare.
- End of Prologue -