Chapter One

1348 Words
Jao's point of view 5:30pm na at katatapos lang ng huling klase ko. Nandito ako ngayon sa may waiting area ng campus. Halos 30 minutes na rin akong nandito at hinihintay ko si Lance. Hindi na masyadong maraming estudyanteng dumadaan at yung iba naman ay nakatambay rin dito kung nasaan ako. "Hindi ka pa ba uuwe?" tanong ni Elena habang papalapit sa kinauupuan ko. Nang makalapit siya ay agad siyang naupo sa tabi ko at ibinaba ang dalang mga libro, kasama ang kanyang maliit na shoulder bag. Kaklase ko siya at kilala siya bilang Presidente ng Book Club, palagi siyang dumadaan sa library tuwing hapon kaya madalas ginagabi siya ng uwe. Hindi naman kami gano'n kalapit sa isa't-isa pero sapat na para sabihing magkaibigan kaming dalawa. "Mamaya pa siguro, mukhang matatagalan pa si Lance eh..." tugon ko na napailing pa at tumingin sa relos na suot ko. "I see. May practice sila ng basketball ngayon, diba? Why don't you wait for him there at the gym?" tanong pa niya. "Medyo malayo rin kasi yung gym dito sa waiting area kaya di na ako dumiretso, since nandito na rin naman ako. Atsaka, late na no'ng magtext siya sa'king hintayin ko siya." sagot ko naman kaya napatango siya. "You really are bestfriends, noh? Alam mo kung hindi lang kayo parehong good-looking ni Lance, iisipin kong may something sa inyong dalawa." sambit niya at napatawa ng kaunti sa kanyang sinabi. Nagulat naman ako sa sinabi niya at pilit na ngumiti sa kanya. Medyo nailang ako sa sinabi niyang yun, although hindi lang naman siya ang unang babaeng nagbigay ng gano'ng komento. Napakagat nalang ako ng labi dahil alam kong sa loob ko, may nararamdaman ako para kay Lance. "Bata palang kami, magkaibigan na kami niyang si Lance. Mula grade 6 hanggang ngayong college na kami, wala pa ring nagbago. Kaya talagang malapit kami sa isa't-isa." muli akong ngumiti sa kanya at ibinaling ang tingin sa malayo. Sa halos 8 years naming magkaibigan ni Lance, alam ko na parang tunay na kapatid 'lang' talaga ang tingin niya sa'kin. Kaya eto, nagpapaka-bestfriend pa rin ako sa kanya kahit alam kong higit pa dun yung nararamdaman ko. "You look cute together..." nakangiting sabi ni Elena na ikinagulat ko. "I mean, like brothers..." pag-uulit pa niya  na ikinatawa ko. Akala ko naman kung ano na yung iniisip niya. Napangiti nalang ako bilang sagot at bumaling muli ng tingin sa relos ko. 5:45pm na. "Ikaw, hindi ka pa ba uuwe? Magsi-six na oh?" tanong ko naman sa kanya. "I'm waiting for Lency. Nasa loob pa siya ng Science Lab. Sabay kaming uuwe." ngumiti siya at ibinaling ang tingin sa malayo. Tumango nalang ako. Yung bestfriend niya yung tinutukoy niya, na iba yung course pero madalas kong makitang kasama niya tuwing lunch break sa cafeteria. Psychology kasi yun, Engineering naman kami. "Ayan na pala siya, eh. What takes you so long, huh?" inis-inisang tanong ni Elena sa kaibigan niya. "Hay nako, pasensya ka na talaga bessy! Marami kaming ginawang experiment sa laboratory kasama ang ng mga classmates ko. Kaya eto, 20 minutes akong late sa usapan natin." katuwiran naman ni Lency habang hinahawi ang magulong buhok. Habang nag-uusap sila ay napatingin ito sa akin at kinawayan ako ng marahan, gano'n rin naman ang naging tugon ko sa kanya. Napangiti siya at tila may ibinulong kay Elena na hindi ko narinig ng maayos. "Gosh...bessy. Are you dating with this cutie? Hindi mo naman sinabi sa'kin na kayo na pala nitong si Fafa Jao." "Hoy, ano ka ba! Tumigil ka nga, hindi noh. Nagkataon lang na nakita ko siyang nakaupo dito, hinihintay niya yung bestfriend niya." "Fine! Ano, tara na?" yun nalang yung tanging narinig ko kay Lency at bumaling siya ng tingin sa akin. Bumalik naman si Elena sa pwesto niya kanina para kunin ang kanyang bag at mga libro. "I have to go." nakangiting usal niya ng makuha ang kanyang mga gamit. "Ingat." yun nalang yung isinagot ko kasabay ng pag ngiti sa kanya at pagkaway kay Lency bago umalis. Umalis na nga sila kasabay ng ilang estudyanteng nakaupo dito sa waiting area. Elena is pretty. Sa katunayan, muse siya ng aming department at madalas representative namin kapag may mga search dito sa campus. Wala siyang boyfriend dahil laging subsob sa library pero maraming nagkakagusto at nagtatangkang manligaw sa kanya. Hindi niya nga lang ine-entertain. Hindi ko nga alam kung may crush siya, eh. Ilang minuto pa ang lumipas until the clock striked at exactly 6pm. Medyo madilim na at dalawa nalang kami ng isang estudyanteng nandito sa waiting area. Ilang saglit pa ay tumayo na siya para umalis at ako nalang mag-isa dito. Sinubukan kong i-text si Lance para ipaalalang nandito ako at naghihintay sa kanya pero di ako nakatanggap ng reply. Obviously, tamad siyang magreply. Minsan lang siya magtext at minsan, maikli pa. Nagtaka nga ako kanina noong nagtext siya sa'kin ng medyo mahaba. Kinuha ko muli ang cellphone ko mula sa aking bulsa at in-slide ng touch para ma-unlock ito. Tiningnan kong muli ang message niyang iyon. "Jao, can you wait for me at the waiting area? May basketball practice pa kasi kami but it won't take so long. 30-45 minutes is enough. Kailangan ko lang ng kasama at kausap. See you." 5:00pm. Tinitigan ko lang yun ng tinitigan. Sabi niya 30-45 minutes lang daw, lampas 1 hour na akong naghihintay dito eh. Medyo nababagot na rin ako pero hindi ko naman siya pwedeng iwanan bigla, naka-oo na kasi ako sa kanya eh. Kaya kahit nag-aalangan sa oras, nagtiis nalang akong maghintay. Ang nakapagtataka lang, bakit gano'n yung text niya? Bukod sa nakakapanibago dahil may kahabaan iyon, sinabi niya rin na kailangan niya ng kasama at kausap. Obviously, he's not okay. Dun palang sa message niyang yun, halata ko nang may problema siyang dinadala. Ano naman kaya yun? At exactly 6:25pm, nakarinig ako ng ingay mula sa di kalayuan at nakita ang grupo ng mga kalalakihan na nakasuot ng kanilang mga jerseys. Napansin ko agad si Lance kaya agad akong napatayo. Sa wakas, nandito na rin siya. Dumaan na yung mga ka-teammate niya sa basketball at nagpaalam na rin siya sa mga ito. Nang makita niya ako, agad siyang lumapit at naupo sa tabi ko. Pawisan siya at mukhang katatapos lang ng practice nila. "Sorry for the long wait, pare. Medyo matagal kasi yung practice namin dahil sa mga bilin ni coach para sa tournament sa isang linggo. Nainip ka ba?" tanong niya habang pinupunasan ang pawis na tumatagaktak sa kanyang ulo. Nainip ako, oo pero hindi ko nalang sinabi sa kanya dahil alam ko namang todo-ensayo na sila ngayon dahil sa nalalapit na basketball tournament sa Lunes. Iba't-ibang school ang maglalaban at nakakapanghinayang lang na hindi na ako nakakapaglaro ng basketball dahil sa mga injuries na tinamo ko last time. It's 5 months ago pero hindi pa rin ako payagan ni mommy dahil delikado daw, masyado na kasi siyang naging over protective since mangyari yun. Hindi ko naman siya masisisi. "Ayos lang, bakit nga pala naisipan mong magpahintay?" tanong ko at bigla namang nagbago yung ekspresyon ng mukha niya. Napayuko siya at bakas sa itsura niya yung kalungkutan. Then I knew it, may bumabagabag nga sa kanya. "What's with that face, pare? May problema ba?" tanong ko ng mapansing malungkot siya. Bumaling naman siya sa'kin at tiningnan ako ng mata sa mata, sabay sabing... "Break na kami ni Wendy." Bakas sa mukha niya yung kalungkutan nang sabihin niya iyon. Ako nama'y nagulat sa narinig, tila hindi ko lubos maisip na totoo yung sinabi niya. Break na sila ni Wendy? Impossible. Si Wendy ang pangalawang girlfriend niya. 2 years na sila at alam kong seryoso sila sa isa't-isa. Nagmamahalan sila ng totoo kaya imposibleng mangyari na naghiwalay na sila. Halos hindi ko nga sila narinig na nagtatalo kaya hindi ako makapaniwalang break na silang dalawa. Umusog ako palapit sa kanya at minabuting huwag muna magsalita. Imbis na magsabi ng kung ano-ano, tinapik-tapik ko nalang ang balikat niya. Nanatili kami doon ng ilang minuto kahit ilaw nalang ng mga streetlights yung nagbibigay liwanag sa'ming pwesto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD