Matapos ang ilang minutong pagtambay doon sa waiting area ng campus ay napagpasyahan na naming umalis. Hindi na kami sumakay ng taxi o anuman dahil may kalapitan naman ang apartment na inuuwian naming dalawa. Napagdesisyunan kasi ng mga magulang namin na sa isang apartment nalang na malapit sa campus kami umuwe. Hassle kasi dahil medyo malayo sa University yung mga totoong bahay namin.
Habang naglalakad kami ay tahimik pa rin 'tong si Lance. Gusto ko siyang kibuin at kausapin pero baka hindi lang makatulong o wrong timing lang. Kaya mas pinili ko nalang tumahik hanggang sa makarating kami sa apartment.
Pumasok agad siya sa kwarto niya at ako nama'y gano'n rin. Nagbihis na ako ng damit at lumabas na para tumungo sa kusina. Sakto namang nando'n rin si Lance at umiinom ng tubig kaya't lumapit ako sa kanya.
"Anong nangyari sa inyo? Bakit bigla nalang kayong naghiwalay?" diretsong tanong ko sa kanya.
Tumalikod siya sa akin at naglakad patungo sa sala kaya sinundan ko siya.
"Hey, kanina mo pa ako hindi kinikibo Lance. Pwede mo namang sabihin sa'kin lahat." sambit ko kaya't natigilan siya at hinarap ako.
"I caught her dating someone. Si Lukas, yung isa sa mga player ng football sa campus natin. That bullshit!" medyo gigil na sambit niya.
"Why the hell she would do that? Kilala ko si Wendy, she's nice at alam kong mahal na mahal ka niya. Alam mo rin yun, diba?" giit ko.
"Not until I saw them kissing at the bleachers, kaninang lunch." malungkot at may diing tugon niya.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko maisip na magagawa ni Wendy yun sa kanya. Wendy is a loyal type at yun ang pagkakaalam ko. But then, there's no reason para magsinungaling si Lance at mas kilala ko siya kesa kay Wendy. Kaya naniniwala ako sa kanya. He looks so broken right now at yung kalungkutang nasa mga mata niya, kitang-kita habang nagke-kwento siya sa'kin.
Umupo siya sa sofa at ako nama'y tumabi sa kanya. Nanahimik lang ako hanggang sa muli siyang magsalita.
"Jao, masama ba akong boyfriend?" malungkot niyang tanong at napatingin sa'kin.
Nainis ako sa tanong niya. Alam ko na alam niya na hindi siya gano'n at sa katunayan, he's the perfect boyfriend of anyone. Kahit sino gugustuhin siya, hindi lang dahil sa looks niya at pati na rin sa ugali niya. Hindi siya mayabang o playboy at alam ng lahat yun. Hindi ko nga alam kung bakit nagawa pa siyang lokohin ni Wendy, eh.
"No. Hindi ka masamang boyfriend Lance. Alam ng lahat yan." tugon ko.
"Kung gano'n, bakit niya 'ko niloko? Ginawa ko naman lahat para sa kanya, ah? Akala ko iba siya sa lahat ng mga babaeng nakilala ko, hindi pala. Katulad din siya ni Jadie." emosyunal niyang sabi at nagsimula nang tumulo ang luha niya.
Jadie is her first girlfriend bago niya makilala si Wendy. Nagtagal lang yung relasyon nila ng isang taon dahil nahuli ni Lance na may kontak pa ito sa ex-boyfriend niya. So ayun, nauwe rin sa hiwalayan. Then he met Wendy, ang babaeng akala niyang totoong magmamahal sa kanya. Kaya eto, nasaktan na naman siya. Seeing him crying, totaly breaks my heart.
Yung makita mo yung taong mahal mo na umiiyak dahil nasaktan siya, mas masakit pala kesa nakita mo siyang masaya sa piling ng iba.
"Wala kang kasalanan, pare. Hindi ikaw yung may problema kung di sila. Sila yung may mali, sila yung dapat nasasaktan at hindi ikaw. Hindi ka dapat manghinayang kay Wendy, siya dapat yung manghinayang sa'yo dahil pinakawalan niya yung lalakeng seryoso at tapat na nagmamahal sa kanya..." giit ko na pinipigil pumatak ang luhang nasa gilid na ng mga mata ko.
Hindi naman siya agad nakapagsalita dahil sa pag-iyak. Ngayon ko lang ulit siya nakitang umiyak ng ganito after noong break-up nila ni Jadie, 3 years ago. Alam kong hindi niya maiwasang masaktan dahil minahal niya si Wendy ng totoo. At kahit gaano ko pa kamahal 'tong si Lance, ni-minsan ay hindi ko hiniling na maghiwalay sila dahil gusto kong maging masaya lang siya. Martyr na kung martyr pero yun ay ang sa tingin kong tama.
"I love her, Jao..."
Maraming beses ko nang narinig sa kanya yung sabihin niyang mahal niya si Wendy at wala namang kaso sa'kin yun. Pero ang marinig siyang sabihin niya yun habang nasasaktan, hindi ko yata kaya. Ako yung nasasaktan para sa kanya, eh. Hindi dahil gusto ko siya kung di dahil naawa ako sa kanya. Sa kabila ng sakit at panlolokong nalaman niya, hindi pa rin nagbago yung pagmamahal niya kay Wendy. Sh*t.
"T*ng in* naman Lance, oh?!" sigaw ko at napatingin siya sa'kin. "Niloko ka na nga niya tapos mahal mo pa rin? Eh, siya ba? Mahal ka pa rin?!"
Natahimik nalang siya sa sinabi ko at ako nama'y napayuko sa inis na nararamdaman ko. Napahilamos nalang ako ng aking kamay sa mukha at napailing sa kawalan. Tumayo ako at diretsong tumungo sa kusina.
Kinuha ko yung limang bote ng beer sa ref at bumalik sa sofa kung nasaan si Lance. Inilapag ko yung mga beer sa mesa at nagbukas ng isa para ibigay sa kanya.
"Iinom mo lahat ng sakit na nararamdaman mo dyan sa loob mo, pare." sambit ko habang inaabot ang bote ng beer sa kanya. "Huwag mong sabihing di ka umiinom? Lagi natin 'tong ginagawa, sige na."
Tinanggap nalang niya iyon at diretsuhang ininom. Ako rin ay kumuha ng sa'kin at uminom rin. Hindi kami nag-iimikan sa unang apat na boteng nauubos namin. Nakatingin lang si Lance sa kawalan habang nilalagok ang beer na hawak niya. Ako nama'y hindi alam ang pwede kong sabihin sa kanya dahil hindi naman ako expert pagdating sa mga break ups. Nagka-girlfriend na ako, tatlo pa nga eh. Niloko at sinaktan na rin ako pero hindi naman nagtagal dahil naka-move on ako agad. Siguro para sa iba, hindi madaling makalimot o magpatuloy sa kabila ng pusong nasaktan. Sa lahat kasi ng mga naging girlfriend ko, ni-isa ay walang sumeryoso sa'kin. Although, ang pagkakaroon ng girlfriend ay sinubukan ko lang para pigilan yung nararamdaman ko para kay Lance. Pero wala e, talo pa rin ako. Talo pa rin ako ng pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Kaya mula noon, hindi na ako nagka-girlfriend pa kahit maraming babaeng nagpaparamdam at nagbibigay ng motibo sa'kin. Bukod sa ayaw ko nang masaktan, ayaw ko na rin lokohin ang sarili ko. Ayokong magmahal ng iba gayong alam ko namang yung puso ko, may minamahal na.
Isang bote nalang ang natitira kaya tumungo ako sa kusina para kumuha pa ng ilang bote. Marami talaga kaming stocks pagdating sa beer. Ito lang kasi yung bonding namin ni Lance tuwing gabi o kapag weekends. Pampatanggal lang ng stress sa buhay at for relaxation.
Bumalik na ako sa sala kung saan nakatulala pa rin si Lance na binuksan na ang naiwang bote ng beer. Umupo na ako at nagbukas rin ng isa. Nakakapanibago, halos isang oras na kaming magkatabi at ilang bote na rin yung nauubos namin pero hindi pa rin siya umiimik. Hindi naman ako makakuha ng lakas ng loob na magsalita dahil baka hindi lang makatulong. Siguro yun nga ang kahinaan ko, ang pagiging tahimik at torpe. Kaya nga yung nararamdaman ko para sa kanya, hindi ko masabi-sabi.
Ilang minuto pa ang lumipas at nakakalima na 'tong si Lance ng beer. Ako nama'y pumapang-apat palang sa hawak ko. Maya-maya pa ay hindi ko inaasahang magsasalita na siya.
"2 years, pare. Dalawang taon! Gano'n katagal kaming magkasama! Tapos gaganituhin lang niya 'ko?!" maluha-luhang sambit ni Lance na sa wari ko'y may tama na ng alak.
Sa wakas at nagsalita na rin siya. Kilala ko 'tong si Lance, kung hindi pa malalasing ay hindi pa magsasalita. Mukhang magke-kwento na siya.
"Ilabas mo lang kung ano yung nasa loob mo, Lance. Kaibigan mo 'ko, handa akong makinig. Alam mo 'yan." sabi ko at tinapik ang balikat niya.
"Matapos kong makita sila ni Lukas na naghahalikan, sinuntok ko yung hayop na lalakeng yun. Akala ko ako yung kakampihan niya pero hindi e, yung lalake pa rin na yun! Ang tanga ko!" kwento niya sabay suntok sa ulo niya.
Tahimik lang akong nakinig sa mga kwento niya kahit sa loob ko, ang bigat-bigat na nung pakiramdam na nakikita siyang nasasaktan. Ang sakit, eh.
"Nalaman ko nalang na 1 year na pala silang may relasyon at halos kalahati ng relasyon namin, niloloko niya lang pala ako. Hindi ko man lang napansin yun! Ang tanga-tanga ko, Jao! Ang tanga-tanga ko!" doon na siya nagsimulang humagulgol ng iyak na hindi ko kinaya kaya naiyak na rin ako.
Agad kong pinunasan iyon bago pa niya makita at tinapik-tapik lang ang balikat niya. Gusto ko siyang yakapin pero parang mali. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa at nandito ako sa tabi niya pero paano?! Ugh!
"Huwag mong sabihin 'yan, Lance. Hindi ka tanga. Alam mo kung sino yung tanga? Si Wendy. Yun! Tanga yun dahil minahal mo na ng sobra, nagawa pang maghanap ng iba!" hindi ko maiwasang mapasigaw dahil sa inis na rin kay Wendy at dala na rin siguro ng kalasingan.
"Alam mo yung mas masakit pa do'n, pare?" panandalian siyang tumigil at uminom ng beer. "Yung pinapili ko siya kung sino sa aming dalawa ni Lukas yung mahal niya pero hindi ako yung pinili niya. Ang sakit pare, e. Ang sakit marinig sa taong mahal mo na hindi pala sapat yung pagmamahal na binigay mo sa kanya at naramdaman niya yun sa iba. Ang sakit-sakit..."
Yung luha niya, makikita mo talaga siyang sobrang nasasaktan. Yung mga matang hindi nagsisinungaling dahil alam mong sa puso niya galing lahat ng sakit. Hindi ko kayang makita siyang nasa gano'ng sitwasyon. Yung nasasaktan siya pero wala akong magawa para pagaanin yung loob niya. Hindi niya deserve 'tong nararamdaman niyang kalungkutan, hindi niya deserve masaktan. Nagmahal lang siya ng totoo at hindi siya nagloko, siya yung niloko. Siya yung nasaktan.
Hindi ko na napigilan yung damdamin ko dahil sa pag-iyak ni Lance. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Yun yung gusto ng katawan kong gawin at gusto ng puso ko dahil yun lang yung alam kong paraan para ma-comfort siya. Hindi naman siya pumalag bagkus ay niyakap rin ako. Sa puntong yun, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.