“Wow! Ang ganda pala ng hacienda Pacita, Matias!” bulalas ko ng sa wakas sa unang pagkakataon au makita ko na ang loob nito.
Dati kais ay hanggang sa labas lang ako. Nakatanaw sa malaki at mataas na bakal na gate at sa mataas din na pader.
“Daria! Ay! Tunay ngang ikaw ay narito iha! Anong nangyari? Talaga bang nagtanan kayo nitong alaga ko?” ang Lola ni Matias ang nagtanong.
Sa pamilya ni Matias ay bukod tanging Lola niya pa lamang ang nakikilala ko simula ng magkakilala kami noong mga bata pa lamang kami.
“Naku po! Kung nagkataon po na afam si Matias ay baka nga ako pa ang magyaya sa kanya na magtanan.” Biro ko rin naman.
Masayahin ang Lola ni Matias mula pa lang nang umpisa na nagkakilala kami.
Madalas siyang magpunta sa bahay noong nag-aral na ng kolehiyo si Matias sa ibang lugar.
Dinadalhan niya kami ng mga iltog, tinapay at kung anu-anopa dahil kinukulit daw siya ni Matias na magpunta sa bahay namin para mangamusta.
Maya-maya ay naghain na ng hapunan si Lola Bebe. Ngunit nagtataka ako at bakit tatlo lang kami. Ako, si Matias at ang kanyang Lola.
Akala ko pa naman ay makakaharap ko na ang mga magulang ng matalik kong kaibigan.
At isa pang pinagtataka ko ay bakit dito yata kami sa dining area kumakain? Hindi kaya magalit ang amo nila kapag nakita kami?
“May edad na rin kasi ang mga magulang mo, Daria. Kung ako nga ay marami na rin akong iniinom na gamot at mga vitamins,” ani ni Lola Bebe.
“Kaya nga po lalo pong nagsumidhi ang pangarap kong makalabas na po ng ibang bansa para makapagtrabaho na. Pag-iighan ko po talaga para sa mga magulang ko. Habang buhay pa sila ay mabili ko naman ang mga bagay na hindi nila nabili dahil po sa kakapusan.” Kwento ko.
“Sus! Bakit ba kailangan mo pang magtrabaho sa ibang lugar? Napakalayo kaya ng ibang bansa. Paano kang makakauwi agad kapag na ho-homesick ka? Magpakasal na lang kayo ni Matias at pagtulungan na paluguin itong hacienda,” ani ng Lola ni Matias sa akin.
Palabiro talaga si Lola Bebe kaya naman nasasanay na ako.
Kung tutuusin ay parang kanila na nga itong hacienda dahil matagala na rin silang naninilbihan dito.
Gusto kong makita ang nagmamay-ari nitong hacienda ngunit mukhang walang iba tao rito kung hindi kami lang.
Pagkatapos kumain ay tinulungan ko si Lola Bebe na magligpit at maghugas ng mga pinaggamitan namin sa sabay-sabay naming pagkain hapunan kanina.
Matapos nga naming masiguro na malinis na ang lahat ay sinamahan niya na ako sa silid na gagamitin ko.
Sobrang namangha ako dahil mas malaki pa yata sa bahay namin ang kwarto na tutulugan ko.
“Lola, huwag na po rito. Kahit po sa isang sulok lang ako sa bodega ay makakatulog naman po ako. Nakakahiya po sa may-ari ng hacienda na dito pa talaga ako sa maganda at malaking silid makikitulog gayong hindi naman nila ako bisita,” bantulot talaga akong pumasok sa loob ng silid.
Masyado na akong abuso kapag doon pa ako natulog gayong hindi naman nila ako bisita.
“Anong hindi bisita? Pumasok ka na, Daria. Alam kong wala ka pang pahinga at tulog mula kahapon dahil nga magdamag dumadaing sa sakit ang tatay mo,” ani ni Lola Bebe at hinila na akong pumasok sa loob ng malaking silid.
Inayos niya pa ang napaka-eleganteng bed sheet sa kama kung saan ako matutulog.
Para bang nakakahiya na malukot ang sapin ng kama.
Napakalinis ng loob ng silid at talagang fully purnished.
Guest room siguro ito pero sa dami ng silid na nadaanan namin kanina ay ilan kaya ang kwarto para sa mga bisita.
Iba talaga kapag mayaman.
May sariling silid talaga ang mga bisita.
Iniwanan na rin ako ni Lola Bebe para raw makapag-pahinga na ako.
Ewan pero ng sandaling i-locked ko na ang pinto ng kwarto ay para bang mas ninamnam ko ang mga sandaling nasa marangyang silid ako.
Umikot-ikot ako na pakiwari ko ay isa akong prinsesa na nasa kaharian. Hinawakan ko ang mga mamahaling bagay na sa palagay ko ay kahit buong sahod ko sa isang buwan ay hindi ko mabibili gaya ng lampshade sa gilid ng kamat at ang mismong marangyang kama.
Naupo ako sa gilid at saka pabagsak na nahiga at napagpagulong-gulong sa ibabaw ng malambot na kama na animo ako ay isang bata na ngayon lamang nakaranas ng ganito.
“Napakayaman naman talaga ng amo nina Matias,” sabi ko sa isip ko.
Ngunit biglang balikwas ako ng bangon ng makarinig ng mahinang pagkatok.
Madali kong inayos at nilapat ang nagusot na ibabaw ng kama at naglakad patungo sa pinto.
Pagbukas ko ng pinto ng silid na gamit ko ay ang mukha ni Matias ang nabungaran ko.
“Matias, may kailangan ka?” tanong ko sa kanya ngunit hindi ko siya pwedeng papasukin kahit pa nakikitulog lang ako.
“Wala naman, bale chineck ko lang kung tulog ka ba pero dahil nasa harap kita ay gising ka pa,” aniya sa akin kaya inismiran ko.
“Patulog na sana ako kaso narinig ko na may kumatok,” tugon ko.
“Pero, Matias, sigurado ka ba na ayos lang na naririto ako sa magandang kwarto na ito? Baka mapagalitan kayo ni Lola Bebe kapag nalaman ng amo niyo na nagpatulog kayo ng ibang tao tapos dito pa sa pinakamagandang silid pa yata,” ang pag-aalinlangan ko pa na sabi kay Matias na nakasuot ng pajama pero nakasandong puti lamang.
Ngunit itinaas ni Matias ang kanyang kanang kamay patungo sa akin mukha. Akala ko ay kung anong gagawin niya ngunit hinawi niya lamang ang mga hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko.
“Hindi naman siguro dahil nga sinabi ko na nagtanan tayong dalawa.” Nakangisi na sagot niya kaya naman hinampas ko ang kanyang namumutok na braso na nahubog sa pagbubuhat ng mga mabibigat na ani mula sa haciendang ito.
“Hilig mong manakit, ano? Paano ka magkaka-afam kong lagi kang nakatampal? Bawal kaya ang ganyan sa ibang bansa. Kaya dito ka na lang at baka mahatulan ka pa ng habang-buhay na pagkakakulong o kaya ay mas malala kung kamatayan.”
Akala naman yata ni Matias ay matatakot ako sa pananakot niya.
“Matulog ka na, Matias at huwag ka mo na akong subukan pa i-discourage tungkol sa pag-aasawa ng Afam dahil hindi mo masisira ang pangarap ko. Nakatadhana akong makapag-asawa ng ibang lahi kung saan kulay blue ang mga mata. Good night!” at saka ko na siya pinagsarhan ng pinto.
Hintayin lang talaga at makakapag-asawa rin ako ng afam!