Episode 5

1561 Words
Nagmamdali na akong nagpedal ng bisiklita na gamit kong service papasok at pauwi galing sa trabaho. Kalalabas ko lang sa trabaho at patungo na ako ngayon sa ospital para kamustahin ang lagay ni tatay na nagkaroon nga ng bone fractured sa bahagi ng katawan niya na tumama sa pilapil ng madulas siya sa bukid. “Excuse me,” saad ko sa isang grupo ng mga kababaihan na ngayon ay sinasakop ang buong daan habang naglalakad sila. Lumingon naman sila sa akin ngunit umasim ang mga mukha ng makilala kung sino ako. “Uy! Tumabi tayo at daraan ang feeling prinsesa,” narinig kong sambit ng isa sa kanila kaya naman hindi ko maiwasan na mangunot ang kilay. “Anong sabi mo? Paano mo naman nasabing feeling prinsesa ako?” tanong ko babaeng nagsalita. “Tinatanong mo pa talaga, ano? Huwag ka kasing lapi ng lapit kay Matias. Kaya walang makitang ibang babae si Matias ay parati ka na lang kasing nakadikit,” sagot ng babae sa akin. “Ako? Dumidikit kay Matias? Natural lang na makita niyo kaming magkasama dahil best friend kaming dalawa. Kaya huwag niyo nga akong masabigan na feelinf prinsesa dahil lang hindi kayo mapansin ng kaibigan ko,” angil ko sa mga babae. Sigurado lang na isa sila sa mga gigil na mapansin ni Mapansin lang ni Matias ay kikiligin na para bang inasinan na ang kanilang katawan ay hindi na malaman kung paanong kikiligin. “Sus! Kung magkaibigan lang kayo ay bakit pareho kayong walang jowa? Obig sabihin lang ay kayong dalawa ang may relasyon.” Patuloy nilang giit. “Bakit ba pati lovelife namin ay pinapakialaman niyo? Hindi ba pwedeng wala lang matipuhan sa inyo ang bestfriend ko? At kaya wala akong boyfriend ay dahil hindi ko pinangarap dito lang sa paligid makahanap ng jowa. Dahil ang pangarap ko ay magka-afam!” bulalas ko. “Afam? Mas gwapo pa nga si Matias kung sa mga Afam lang,” komento ng isa. “Sa afam ang gusto ko, may magagawa ba kung mas gwapo si Matias? At saka, walang pera si Matias. Kung may pera siya ay baka gawin ko nga siyang jowa. At saka, payo ko lang sa inyo, ha. Ayaw na ayaw ni Matias na ganyan manamit ang mga babae. Kaya kung sainyo. Ibababa ko ang blouse ko para hindi makita ang pusod ko at tatakpan ko ang cleavage ko para hindi masilip ng mga manyak na mga lalaki,” sabi ko pa at saka na iniwan ang grupo ng mga kababaihan. Baka doon sila sa grocery na malapit nagta-trabaho kaya sabay-sabay na silang uuwi. Ewan ko ba kay Matias at hindi maghanap ng jowa para naman mamatay na ang sapantahan ng ibang tao tungkol sa aming dalawa Madalang nga lang naman na may babae at lalaki na magbestfriend kaya kahit anong explanatonion na magkaibigan lang talaga kami ay walang naniniwala. Pero iyo ang totoo. Walang anuman na namamagitan sa amin ni Matias. Pagdating sa ospital ay hindi naman ako pwedeng pumasok dahil bawal nga ang bantay. Mabuti na lang at malapit sa bintana ang pwesto ni tatay sa ward kaya naman nakakausap at nakikita ko sila agad. Kailangan pa ni Tatay na magtagal dahil ginagamot ang ubo niya na pinabayaan niya kasi kaya rin lumala. Dagdag tuloy pahirap sa sakit niya. “Nay, ano po ang gusto niyong kainin?” tanong ko ngunit mukhanh hindi ko na kailangan pa na bumili dahil maraming pagkain ang nasa malii nilang lamesa. “Nak, huwag na at kanina pa kami binilhan ni Matias. Ayaw nga ko dahil nakakahiya na kako at galing pa sa kanya iyong inabot mo sa akin na ten thousand pero ayaw niya paawat,” ani nanay. “Nag-usap na rin naman kami, nay. Ang sabi ko ay saka ko na lang siya babayaran,” sabi ko na lang kay nanay. Tulog si tatay kaya hindi ko makausap. Pero ang mahalaga ay nakatulog na siya. Ibig sabihin lang a okay na ang pakiramdam niya. Hindi katulad kagabi na halos tawagin ko na ang lahat ng santo para lang pagalingin ang tatay ko. Nagpadala na rin ng pera si Ate pero itabi ko na muna raw sabi ni nanay. “Umuwi ka na, Daria. At tandaan mo, mag-locked ka ng mabuti. Magtabi ka ng kahit na anong pwedeng sandata mo bago ka matulog.” Bilin ni nanay dahil ako lang mag-isa ngayon ang matutulog sa bahay. Sigurado ako na hindi ako makakatulog hindi dahil sa natatakot ako kung hindi dahil iisipin ko kung ano na ang kalagayan ng mga magulang ko dito sa ospital. Maliwanag pa naman kaya kailangan ko ng bilisan na magpedal pauwi. Bumili na lang din ako ng tusok-tusok na siyang uulamin ko para hindi ko na problema ang ulam. Mahigat sa loob ko ang iwan ang mga magulang ko kaya nakatanaw pa ako sa ospital habang ako ay papalayo. “Hayaan niyo po, nay, tay, lalo po akong magsusumikap sa buhay para hindi na kayo kailangan na magtrabaho pa. Maghihintay na lang kayo ng perang ipapadala ko. Ang gagawin niyo na lang ay maupo at mahiga sa malaking bahay natin,” bulong ko sa hangin habang lalong napupuno ng determinasyon sa buhay. Alam kong hindi pa naman huli ang lahat. Bata pa naman ako at marami pa akong magagawa sa ngalan ng ikagiginhawa ng mga magulang ko na mula pagkabata nila ay hindi pa nakatikim ng ginhawa. Nasa daan na ako pauwi ng may pamilyar na sasakyan na nilampasan ako ngunit tumigil sa tabi. Si Matias. Maya-maya ay lumabas na siya sa loob at hinarang na ako. “Nasasanay ka na yatang nagmamaneho ng tsekot, Matias?” biro ko sa kanya at saka na nga nag-preno ng bisikleta. “Hindi na kita naabutan sa trabaho mo. Hindi na rin kita naabutan sa ospital. Nag-aalala ako sayo,” seryosong sermon niya. “Matias, may sarili kang buhay kaya huwag mo akong masyadong inaalala. Kaya ako inaaway ng mga chika babes mo, e. Kanina lang ay may mga humarang sa akin na kababaihan. At siyempre, dahil na naman sayo!” tinaasan ko pa ng boses si Matias. “Daria, bakit ako? Kasalanan ko ba na maging gwapo ako?” aniya naman sa akin ni Matias na nakuha pa talagang magmayabang. Inirapan ko na lang siya at saka na ako muling sumakay sa bisikleta ko. “Sandali lang, Daria. Hintayin mo ako at sasabayan na kita sa pag-uwi.” Itinaas ko na lang ang kanang kamay ko para kawayan si Matias. Sinundan niya ako hanggang sa makauwi na ako sa bahay. Si Matias na rin ang nag-ayos ng bisikleta ko. “Nakalocked naman ng mabuti ang bahay niyo, hindi ba? Kumuhaka na lang ng mga damit mo at i-locked na lang natin ulit ng mabuti.” “Ha? Bakit?” kunot-noo kong tanong. “Magtatanan na tayo,” sagot ni Matias kaya naman natuktukan ko siya ng hawak kong pamalo na dala ko kanina habang nagbibisikleta laban sa mga aso na nasasalubong ko sa daan. “Nahahawa ka na sa kung anong mga biro sa kung saan ka nag-aral.” Sermon ko. “Bakit ka naman na nanakit? Nagpaalam naman ako kina nanay at tatay mo,” kakamot-kamot sa bahagi ng kanyang nasaktan si Matias. “Alam mong ayoko ng mga ganyang biro, Matias!” asik ko. Ayoko talaga ng mga ganung klase ng biro dahil naiirita ako. Kaya wala talagang magawang biruin ako kahit sa trabaho dahil alam nila na sosoplahin ko sila. Alam ng lahat ang pangarap kong magka-afam kaya wala rin sigurong magtangkang manligaw sa akin. “Sus! Paano kong hindi naman ako nagbibiro?” Sinamaan na lang ng tingin sa akin si Matias. “Pero seryoso, Daria. Hindi ka matutulog dito. Doon ka sa amin matulog hanggat wala kang kasama dito sa bahay niyo. Kapag pinilit mong matulog dito ay ako ang matutulog dito. Tayo lang dalawa. Atlis doon sa bahay ay may iba tayong kasama,” giit ni Matias. Kung sakali ay unang beses kong makakatapak sa bakuran ng hacienda Pacita at sa bahay nina Matias. Panigurado na nag-aalala rin sina nanay at tatay kaya pinasuyo na muna nila ako sa pamilya ni Matias. Alam kong mabait naman ang mga kababayan namin ngunit mabuti na rin ang nakakasiguro dahil iba ana ang panahon ngayon. “Huwag ka ng magdala ng toothbrush at meron naman ako. Share na lang tayo,” biro na naman ni Matias pero hindi ko na lang inintindi. Si Matias ay umikot na muna sa buong bahay ay pinaka-locked ang mga pinto at bintana. At saka, wala namang mananakaw sa loob ng bahay namin kaya huwag na silang magtangka pa na pasukin. Pinakawalan ko na muna ang mga aso matapos ko silang bigyan ng mga pagkain. “Mga bantay, diyan muna kayo sa bahay at magtatanan na kami nitong amo niyo,” wika ni Matias sa mga alaga naming aso. Hinampas ko naman siya sa kanyang malapad na dibdib dahil maging mga aso namin ay ano ang mga sinasabi niya. “Cariño brutal talaga ang amo niyo, ano mga bantay? Bugbog lagi ang abot ko sa kanya kapag nagkataon na itanan ko talaga siya,” tatawa-tawa pa na sambit ni Matias ngunit hindi niya ko hinayaan na magbukas ng pinto ng sasakyang dala niya dahil mabilis niya itong binuksan. Kaya panatag sina nanay at tatay kapag kasama ko si Matias ay dahil tunay itong maginoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD