“Hoy! Daria!”
Muntik pa akong nasubsob sa kinakain ng biglang may biglang tumapik sa likod ko at saka malakas na pagtawag sa pangalan ko.
“Bakit naman nanggugulat ka naman, Lukreng! Kita mo naman na kumakain ako!” gigil kong sambit dahil talagang muntik akong nasubsob sa mainit na sabaw na hiningi ko lang naman sa canteen.
May baon akong kanin at pritong dalawang pirasong tuyo at itlog na maalat. Kaya para may sabaw naman ang kinakain ko ay ugali ko ng manghingi talaga ng kahit konting sabaw ng ulam kung hindi galing nilaga ay galing sa sinigang na ulam.
“Masyado ka naman kasing magugulatin, Daria! Kay bata mo namang magugulatin,” sabi pa ni Lukresya na mas kilala bilang Lukreng.
“Ay! Heto na ang chika, besh! Alam mo ba na ang hacienda Las Palmas ay sinusubukan ng kunin ang mga lupain ng iba nating mga kababaryo?”
Kunot-noo akong napaisip dahil wala naman akong alam na may lupain pa pala ang Las Palmas maliban sa nasasakupan ng kanilang hacienda.
“Kung totoo man, e ano naman ngayon sa akin? Hindi naman sakop ng lupa namin ang lupain nila kaya wala akong problema.” Sagot ko.
Totoo naman. Ang lupa namin ay may sariling titulo na nakapangalan kay tatay at saka, galing pa lang kaming nakahinga sa pagtatangka ng makuha sa amin ng pinagkakautangan ni tatay tapos may panibago na naman bang problema?
“Daria, hindi ka ba naaawa sa iba nating ka baryo? Oras na mawala ang mga lupa nila ay saan naman sila pupunta? Alam mo ang pakiramdam na isang bagay na bigla na mawawala sayo matapos mong alagaan na matagal na panahon. At saka, hindi ba boyfriend mo naman si Matias? At isa siyang Las Palmas, kaya baka pwedeng pakiusapan mo siya tungkol dito.
Napaliwanag na sa akin ni Matias kung bakit Las Palmas. Kaya nga raw sila kinuha na caretaker ng hacienda ay dahil malayo silang kamag-anak at ka apelyido pa nila.
“Caretaker lang ang pamilya ni Matias sa hacienda, Lukreng. At saka, bakit ko naman gagawin na makiusap kay Matias o sa buong Las Palmas kung nais na nilang kunin ang kanila? Baka naman nararapat lang na kunin na ang bagay matagal na nilang pinahiram sa mga ka baryo natin.” Balewala kong opinyon.
“Daria, ang lupain na nasasakupan ng Las Palmas ay nasa paanan ng bundok. At ang sabi-sabi kaya nga raw binabawi na ang lupain ay dahil gagawin na nga raw itong minahan ng ginto. Gusto mo bang sirain na lang ng ganun ang lugar natin? Kapag nangyari iyon ay damay ang lahat ng lupain na tinatamnan ng pananim na siyang pangunahinng kabuhayan ng ating lugar. Kahit ang lupain ng mga magulang mo ay madadamay sa oras na inumpisahan na ang minahan na yan. Uubusin nila ang yamang mineral ng ating lupain at sisirain nila ang maganda nating lugar.” Paliwanag pa ni Lukresya na kailan pa kaya naging tagapagsalita ng Department of Environment Natural Resources.
Kung iisipin ay trabaho sa mga taga-baryo ang minahan ngunit hindi mapagkakaila na malaking pinsala nga naman sa kalikasan ang ganyang mga uri ng trabaho.
Masisira nga naman ang aming magandang kabundukan at ang tahimik na lugar namin ay baka bigla na lang maging magulos dahil marami ang tututol sa pagbubukas ng minahan.
“Alam mo akala ko puro pagpapaganda lang ang laman ng utak mo, ano? May chance ka naman pa lang maging spokesperson ng DENR.” Wika ko pa sa ka-trabaho ko na kilala ko bilang maarte sa lahat ng bagay.
“Daria, iniisip ko rin ang kinabukasan natin lalo na ng ating mga kabataan. Paano na lang ang mga susunod nating salinlahi sa oras na matuloy ang minahan na yan.”
Alam kong malaki ang pagkakagusto nitong si Lukresya kay Matias.
Kaya nga tinawag ko siyang Lukreng ay dahil nga kung ano na lang ang ginagawang pagpapansin kay Matias.
“Hindi kaya ginagawa mo ito para na naman magpaganda points kay Matias?” usisa ko pa.
“Daria, matagal ko ng tanggap na hindi tipo ng Matias na yan ang endangered beauty ko kaya naman sayong-sayo na yan. Basta sana matulungan mo ang ating mga tagabaryo para hindi matuloy ang minahan na yan. Ang sabi kasi sa kwento ay ang pirma na lang ni Lynneth Las Palmas ang kulang para tuluyan ng maikasa ang mapanirang minahan na yan.” Dagdag pang kwento ni Lukresya.
Dapat ko pa lang makausap tungkol dito si Matias. Dapat na mapigilan ang minahan na ito kahit pa hindi masasakop ang lupain namin.
Kamag-anakan nina tatay at nanay ang karamihan din na nakatira sa bundok isama pa ang mga matatandang tao na ilang dekada na rin nabubuhay dito.
“Hayaan mo at kakausapin ko si Matias kung totoo nga ang tungkol diyan. Walan naman kasi siyang nababanggit na may ganyan na pa lang isyu sa hacienda.”.
Waring nabuhayan ng loob si Lukresya sa sinabi ko.
“Aasagan namin yan, Daria. Aasahan namin mga kabaryo mo ang iyong pakikiisa sa aming adhikain na tutulan ang pagsira ng mga dayuhan sa ating lupain,” ani pa ni Lukreng.
“Anong dayuhan na pinagsasabi mo? Sarili kababayan at kapwa rin natin ang sumisira sa ating magandang kalikasan. Huwag mong idamay anv mga dayuhan dahil sila ang hanap ko para makaalis ako sa lugar na ito.” Saway ko sa kausap ko na nakakalimutan yata na pangarap kong makapag-asawa ng afam.
“Kuh! Huwag ka ng maghanap ng afam, Daria! Nariyan naman na si Matias na pilit mong tinatangging hindi mo jowa pero kitang-kita naman na inlove na inlove kayo sa isa't-isa!” tudyo pa sa akin.
Sanay na ako sa mga ganyang paratang nila tungkol sa amin ni Matias. Dati ay naaasar ako pero kalaunan ay hinayaan ko na lang.
Advantage pa nga sa akin dahil walang nagtatangka na manligaw sa akin. Naiiba naman talaga si Matias kumpara sa ibang mga binatang kalalakihan sa paligid.
Malaking tao si Matias at batak ang katawan sa mabigat na trabaho. Kung itsura rin naman ay hindi palalamang matalik kong kaibigan. Maging sa diskarte at matalino kaya wala na silang panama dahil graduate sa magandang paaralan at may lisensiya na bilang inhenyero si Matias.
Kaya tama lang na isipin nila na boyfriend ko nga siya para wala ng lumapit na lalaki sa akin.
“Paano, Daria? Ikaw na ang bahala kumausap kay Matias, ha? Sana lang ay may magawa siya para naman kahit paano may kakampi tayo kontra sa minahan.”
Tumango na lang ako para matapos na ang usap namin ni Lukreng.
Concern din naman ako sa mangyayari sa lugar namin dahil ayoko rin naman na basta na lang ito masira dahil sa mga ganid na namumuhunan para sa kung ilang gramo ng ginto na kanilang mahuhukay.